Nais kong libutin ang sanlibutan
At tuklasin ang mga bagay na wala pang nakakaalam,
Nais kong marating ang hangganan ng mundo,
Pasyalan ang nag-gagandahang lugar at kilalanin ang mga nakatira doon.Nais kong magbabad sa ilalim ng sikat ng araw;
At damhin ang maiinit niyang mga halik,
Init na nanunuot sa aking balat,
Init na siyang nagpapaalala sa akin na ako pa rin ay nabubuhay.Nais kung maglaro sa ilalim ng ulan
At sumayaw sa indayog ng musikang kanyang nililikha,
Musika na nakapagpapagaan ng pakiramdam
At siyang naghehele sa aking pagod na pagod nang diwa at katawan.Nais kong lasapin ang simoy ng hangin
At damhin ang yakap niyang sa akin ay nagpapakalma;
Nais kong pakinggan ang kanyang himig at pag-sipol
At huminga hanggat siya ay nariyan pa.Nais kong liparin ang langit na bughaw
At tanawin ang ganda ng mundo mula sa alapaap;
Nais kong abutin ang mga bituin sa malawak na kalawakan
At patunayan sa lahat na ako rin ay may alam.Nais kong sisirin ang kailaliman ng karagatan
At tuklasin ang hiwagang doon ay nakahimlay;
Nais kong lunurin ang aking sarili sa mga positibong salita
At umahon sa putik na humuhila sa akin pababa.
BINABASA MO ANG
DCL's Poem Compilation
PoesiaA random poems written for you to read. Highest rank: #46 as of March 11, 2017