Poem 93: Gising

122 0 1
                                    


Imulat ang mga mata;
Taynga ay ibaling sa 'kin,
Mga salita ko'y dinggin,
Sana diwa mo'y magising.

"Ikaw lamang sa puso ko."
"Hindi kita bibitawan."
"Mahal, 'di kita iiwan."
"Ako ay laging narito."

" 'Di na muling mag-iisa
Ang puso mong nalulumbay;
Mundo mo'y bibigyang buhay
Ngayong ako'y naririto."

Mga kasinungalingang
Ikinubli ng pangako,
Pangakong bumulag sa 'yo
At wumasak sa 'yong puso.

Pakiusap tumahan na,
Ikaw rin ay magpahinga
Pumikit ka at huminga
Sabay sabing "kaya ko pa".

Pakiusap tumahan na,
Ang puso mo ay gamutin;
Sa langit ay dumalangin
Para sa taong darating.

Puso mo ay palambutin,
Matoto kang magpatawad;
Kay Judas ay h'wag tumulad
At galit ay 'yong iwaksi.

Palayain ang sarili
Sa gapos ng nakaraan;
Ang nagawa niya'y limutin
At muli, ika'y magmahal.

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon