Poem 52: Para sa Lalakeng Tunay na Nagmamahal sa Akin

168 1 0
                                    

AR's Note:
A birthday tribute for him. ☺

"Para sa Lalakeng Tunay na Nagmamahal sa Akin"

Salamat sa simpleng buhay na aming nakagisnan,

Nang dahil doon kami ay natotong magsumikap sa pag-aaral at mangarap.

Salamat sa bawat musikang ating pinagsaluhan,

Sa bawat magagandang alaalang ating binuo.

Salamat sa suportang iyong binibigay ganoon din sa lakas ng loob na iyong ipinunla sa aking puso.

Salamat sa bawat hagupit ng sintoron,
Sa bawat paglapat ng suklay sa aking balat
At sa bawat pagtutuwid mo sa baluktot kung pangangatwiran...
Oo, ako'y nasaktan ngunit nagbunga ito ng kabutihan.

Salamat sa bawat haplos ng pagmamahal na iyong ipinadama lalo na noong panahong malayo si mama...

Sa pagbili ng unang tampon ko sa tindahan ni Aleng Elma
At maging sa pagbili ng mga gamit na kailangan ko sa eskwela.

Salamat sa mga biro mo na naging rason kung bakit minsan sumasakit ang aking tiyan, ang aking panga
At ang sanhi kung ba't ako kinakapos ng hininga sa kakatawa.

Salamat sa pagsagip mo sa akin sa tuwing ako ay binibisita ni kamatayan...

Sa paglayo sa akin sa kapahamakan
At sa bawat madibdibang paguusap na siyang nagmulat ng aking mga mata sa realidad.

Salamat sa bawat pagsasakripisyo...

Alam kong nahihirapan ka na sa mga nangyayari...

Alam kong minsan gusto mo nang bumigay,
Pero ang lahat ay iyong kinakaya para sa akin, para sa amin.

Alam kong kahit ang buhay ko ay kulang upang ika'y pasalamatan...

Alam kong kulang ang salitang SALAMAT bilang kabayaran sa lahat ng kabutihang iyong ginawa...

Ngunit sana ang aking pagmamahal ay maging sapat...
Sana ito ay maging sapat upang maibalik ko sa iyo ang pagmamahal na ibinigay mo aking papang.

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon