Poem 88: Filial

164 0 0
                                    


Hayaan mong yakapin kita nang mahigpit
At ipadama sa iyo na hindi ka nag-iisa,
Na may kasama ka dito sa mundo ng pait at lungkot.

Hayaan mong pakinggan ko ang panaghoy ng iyong puso
At burahin sa iyong isipan ang mga salitang kargado ng lason,
Mga salitang kumikitil sa dating ikaw at nagnanakaw ng iyong lakas upang makabangon.

Hayaan mong pawiin ko ang iyong pagkahapos,
Hayaan mong ikaw ay aking akayin...
Dahil hindi ko maatim na ikaw ay nahihirapan.

Hayaan mong mahalin kita at alagaan,
Kahit na walang kapalit, sa akin ay ayos lang
Ang mahalaga ay Ikaw, aking kaibigan.

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon