Poem 109: Paglaban

133 2 0
                                    


Ang pagsubok ay laging nariyan
Sa'n man magpunta ay nakasunod...
Mata ma'y ipikit, ito'y magpaparamdam,
Tumakas man ay wala ring saysay;
Pagsubok-mabangis man at malaki
Ito'y harapin, kaibigan huwag pagagapi!
Mapagod ma'y h'wag panghinaan ng loob
Dahil higit kang makapangyarihan.

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon