Poem 41: Pakiusap ng Pusong Sugatan

154 1 0
                                    

Buhos pa ulan...
Sakit at pagdurusa ko'y lunurin nang tuloyan...
Nang sa gayon ako'y 'di na lumuha pang muli
Dahil ako ay pagod na sa kakahikbi...
Ako'y sawa na sa pagpapakawala ng mga luhang parang baha sa bundok na ayaw papigil...
Ulan, pakiusap huwag nang patagalin ang paghihirap ng aking damdamin..
Paghihirap ng puso kong ngayon ay wasak na...
Parusa ng kalawakan sa puso kong ngayon ay naka-bandaid na...
Puso kong naghuhumiyaw ng TAMA NA.
Ulan, alam kung mali ako't payo nila'y hindi pinakinggan...
Alam kong maling maghangad ng higit pa sa sobra,
Ngunit hindi naman kasalanang magmahal kahit na pagmamayari na siya ng iba, hindi ba?

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon