Poem 19: Birthday Wish

361 0 0
                                    

Kay sarap sariwain ng mga alaala,
Yaong mga panahon na kayo'y kapiling pa;
Pamilyang pinagkaloob sa akin ng Maykapal,
Na siyang pinagtibay ng kapangyarihan ng pagmamahal.

Pamilya na bumuo sa aking pagkatao,
Pamilyang sa akin ay nagmahal, tumanggap at rumespeto;
Lahat ng aking pag-kakamali ay pinatawad,
At itinuwid ang baloktot na paguugaling taglay.

Sa paglipas ng panahon, kasabay ng pagtanda,
Sarili'y 'di makapaniwalang sa inyo ay nawalay;
Ang pamilyang aking pinakaiingatan,
Bakit ating landas ay kailangang magkasalungat?

Ang tahanan na dati'y puno ng halakhakan,
Ngayon ay sintahimik ng hating-gabi;
Ang dati'y tahanan na buhay na buhay,
Ngayon tila naging abandonadong kastilyo.

Katahimikan ang natatanging tonog na maririnig;
Puro agiw ang nagsisilbing palamuti sa dingding;
Gagamba, ipis at daga ang siyang naging panauhin,
Bakit nagkaganito? Anong nangyari sa atin?

Saan mang dako ng bahay ako tumingin,
Tila ba walang nais gawin kundi ang mata ay ipikit,
Sapagkat saan mang sulok ang aking mga mata ay idako,
Kapag naaalala ang nakaraan mundo ko'y tila gumuguho.

Ang masasayan nating alaala tila ba naging bangungot,
Na sa twing naiisip luhay 'di mapigil sa pagtulo;
Puso ko'y kumikirot, wari ay nadudurog,
Maari bang ang dati ay ibalik na lamang?

Ang dati'y masayang pamilya ngayo'y pinaglayo ng kahirapan;
Sina kuya at papa, sa hilaga ay magkasama,
Si mama, malayo't nagbabanat ng bato,
Habang ako, naririto sa apat na sulok ng kwarto't hinihiling na sila ay makasalo sa kaarawan ko.

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon