Poem 112: Para Sa Aking Mga Kababata

146 0 0
                                    


Karununga'y ibigin nang lubos,
Ang 'yong kakayahan ay linangin;
Sa laylayan,  siya'ng sa 'yo'y tutubos,
Ito'y sagot sa iyong dalangin.
Ingay ng mundo ay huwag pakinggan,
Himig ng iyong puso ay dinggin;
Ika'y mangarap ng walang hanggan
At paninira nila'y lupigin.
Anong dagok man ang pagdaanan,
Ikaw man ay lumuha't madapa,
Abutin ang dulo ng hagdanan,
Dahan lang, bagyo rin ay huhupa.
Pamilya, nariyan para sa 'yo;
Diyos, laging gagabay sa iyo.

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon