Poem 56: Regalo

146 0 0
                                    

AR's Note:

Hello po, sorry kung mejo natagalan ako sa pag-update, estudyante po kasi. Siya nga pala, isinulat ko ito bilang entry ko sa #KKKTulangPamasko, poem writing contest organized by KKK Literati.

So yeah, here it goes.

Enjoy. ☺

Regalo
By: Darkchocolove

Mahigit tatlong buwan na ang lumipas,
At sa bawat paglagas ng dahon ng kalendaryo'y
Pagsisikip ng aking dibdib;
Kasabay nito ang walang humpay na pag-agos ng aking mga luhang nangingilid.
Dulot ng pagbabaliktanaw saki'y ang pagragasa ng mga alaala,
Mga araw na kayo pa'y aking kasama,
Mga minutong puno ng labis na kaligayahan...
Kaligayahang ngayon ay hindi ko na masumpungan.

Hindi ko lubos maisip...
Bakit nga ba tayo humantong sa ganitong tagpo?
Ang pamilyang pundasyon ay pagmamahal,
Bigla yatang nagbago.
Ang dating mainit na pagmamahalan ay tila kapeng nanlamig;
Ang mga tawanan nati'y napalitan ng nakakabinging bulyawan;
Tayo'y naging kuntenenteng unti-unting napapalayo sa bawat isa...
Sana naman kahit ganito'y may pag-asa pang masalba...
Ang pamilya nating nag-iisa kong kayamanan,
Kayo na natatangi kong kanlungan...
Ang tahanan na lagi kong babalikan...
Kayo na nag-iisang rason kung bakit ako pa rin ay dumadaling sa may kapal.

Sa darating na pasko sana'y madinig ni Nicolas...
Dalangin ng pusong nagsusumamo sana ay pagbigyan,
Aking natatanging hiling nawa'y pakinggan na
Sana sa darating na pasko'y makapiling na sila.
Suntok sa buwan man ngunit ako'y patoloy na umaasa
Na ang dating alaala noong araw ay maibalik,
Yaong mga pagkakataong sa hapag sila ay kasalo
Habang sa labi nakaukit ang ngiti nilang kay gandang pagmasdan.
Masaya na ako kahit walang regalong nakabalot,
Maibalik lang ang nakagisnang pamilya, sa akin ay sapat na;
Hindi na baleng kami'y mahirap basta kami nama'y buo at magkakasama.
Ano naman ang silbi ng salapi kung ako nama'y mag-isa lang pag-sapit ng gabi?

DCL's Poem CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon