"Girl totoo ba? Bumalik daw sila?""Oo, sabi daw eh. Nakauwe na daw ng bansa nung Friday pa siguro. Akala ko nga di na sila babalik tinignan ko nga sa facebook mukang katulad ko marami ding magaabang."
Napalingon ako sa dalawang babae sa harapan ko matapos kong iswipe yung id sa isang maliit na machine dito sa entrance ng school nila na automatic na magpapadala ng message sa mommy ko na pumasok na ako.
Tuloy pa rin sa usapan ng magkaybigan sa harapan ko na mukang tuwang-tuwa sa pinaguusapan, mukang katulad ko ay nasa seniorhigh din ito dahil sa may suot na itong coat na pula. Dito sa St. Mary kasi kapag tumungtong na ng senior high ang uniform na suot ay meron ng coat na pula. Hindi tulad sa Grade 7 hanggang grade 10 na long sleeve na white lang, necktie na pula at may pangbabang pulang skirt para sa babae samantalang black pants,white longsleeve at pula ring neck tie para naman sa lalaki.
Nagpasya akong dumiretso ng canteen para bumili ng pagkain may tatlongpung minuto pa naman bago magsimula ang klase mas minabuti na ring daanan ko si Faith sa head quarters nito o mas magandang tawagin 'Dungeon' dahil sa tingin ko torture ang ginagawa nito sa mga kampon nito lalo na sa mga bago nitong trainee.
"Manang Inday, my usual order and dagdagan niyo na rin po sana ng red velvet cupcake at isang black coffee. Take out po." sabi ko habang kinukuha ko yung wallet ko sa bag.
"Puntahan mo ulit ang kaybigan mo, hija?", ngumiti ako at tumango sa tanong ng matandang tindera habang inaabot ko ang bayad sa inorder ko.
Matagal na ang matandang tindera na nakasanyan ko ng bilhan at naging kaybigan namin ito ni Faith dahil na rin sa pagiging mabait nito lalo na saamin.
"Opo,snacks po. Gusto ko pong panuorin kung paano niya pinapahirapan ang mga alipin niya." sabay tawa ko na ikinangiti at ikinailing ng matanda.
"Kayo talagang magkaybigan kakaiba talaga ang takbo ng mga utak niyo." sabay lapag ng dalawang tsokalate na ang matanda mismo ang gumawa.
"Wow! Thank you manang! Grabe hinulog ka talaga ng langit." Sabay kuha ko ng tsokalate at mabilis na binulsa na siyang ikinatawa lalo ng matanda.
Satingin ko nga'y ito lalo ang naging dahilan kaya namin lalo kinagigiliwan dahil sa tuwing may nagoorder na tsokolate dito na itinitinda sa lugar nila ay binibigyan kami ni Faith. Sino ba naman kami para tumangi?
"Do you have a tokneneng manang? or kalamares?" awtomatikong napalingon ako sa likuran ko dahil sa narinig ko, gusto kong matawa dahil sa isang pribadong eskwelahan at pagiging sopistikadong disenyo ng canteen nila eh sino ang taong magtatanong kung may streetfoods bang binenbenta.
"Nako, hijo walang ganoon dito. Sa may food park pa malayo-layo pag nilakad mo mula sa labasan ng school." ngiting sabi ng matanda at abot ng nakapaperbag na order ko.
Kinuha ko ito at muling pinagmasdan ang lalakeng nasa likuran ko. Hindi ko maitatanging matangkad talaga ito kumpara sa ibang mga lalaking kabatch ko pwedeng pwede ito makuha sa basketball team.
Napatingin ito saakin at binigyan ako ng isang malawak na ngiti. Hindi ko maiwasang hindi rin mapangiti ng kaunti dahil itsura nitong nawawala ang mga mata sa pagngiti at sa paglabas ng kumpleto at maputing ngipin. Hindi ko maitatanging pwedeng makuha sa isang comercial ng toothpaste.
Pasimpleng pinasadahan ko ng tingin ito mula ulo hangang paa. Mula sa cleancut na gupit ng buhok, mapungay na mata, tangkad, maayos na tindig at aurang parang nagsasabing isang kasalanan ang hindi mo siya tapunan ng tingin.
Hindi na nakapagtataka na halos kababaihang maagang naligaw dito sa canteen ay pinagmamasdan ito. Isa lang ang nasa isip ko na siyang naging dahilan para maging mapakla ang mood ko. Mayroon sakit ng ulo ng mga babae ang nasa harap ko.
BINABASA MO ANG
Mercy please, save me
General FictionHer name is Sweet Miracle. The girl who looks like a doll, a living mannequin indeed. Some people wants her. It's either to hurt or own her. But she's not a doll that you can toss anywhere. She's not a doll for you to take, put in a box and brag to...