"Aling Salie, pasok na po ako.." sabi ko habang nagkaupo sa sofa at nagsasapatos.
Lunes at pasukan nanaman. Natuloy ang plano kong sa bahay na lang namin magstay sa weekends imbes na sa mga Punzalan. Hindi naman kasi nila nalaman na araw ng debut ni Ihshi ang flight ni Mommy.
Nang maihatid ako ng driver nila Faith dahil unang hinatid ang magkapatid dahil sa sobrang kalasingan ni Ruru noong sabado, gusto pa sanang sumama ni Faith pero hindi na ako pumayag para maasikaso na rin ang kapatid. Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si Aling Salie, ang pinakamatagal na naming kasambahay ni mommy. May katandaan na rin ito, wala itong sariling pamilya at kapag day off ay bumibisita lang sa pamangkin na nakatira sa kabilang subdibisyon.
Nagstay siya ng weekends sa bahay dahil nagbakasyon daw ang pamangkin at buti na lang daw kundi magisa lang ako sa bahay. Wala naman saakin kaso iyon pero kalaunan ay naisip ko ring mas okay ng may kasama ako.
"Sige, hija. Magiingat ka. Doon ka na ba sa kaybigan mo tutuloy mamaya?" tanong nito saakin pagkalabas ng kusina.
"Opo. Kayo na po bahala rito baka umuwi po ako pagbalik na lang ni Mommy. May mga gamit naman na po ako kala Faith." sabi ko at kinuha na ang sling bag.
"Sige, sarado ko na lang dito. Sa pamangkin muna ako tutuloy kung gusto mo umuwi ay itext mo ako at babalik ako rito-"
Hindi niya natapos ang sasabihin ng tumunog ang door bell.
"Nako, andiyan na ata ang apo ko, ito yung isa sa mga anak ng pamangkin ko na kinukwento ko sayo, Sweet. Susunduin daw ako noon at ng 'di na ako mahirapang magbyahe."
Sumama ako rito palabas ng pintuan at naabutan namin ang isang matangkad at morenong lalaki. Inalis lang nito ang helmet na suot nang nakalapit na kami parehas ni Aling Salie at pinagbuksan na ito ng gate ng matanda.
Pinagmasdan ko ito. Payat na matangkad ang morenong lalaki at masasabi kong may itsura rin ito. Makapal ng kaunti ang kilay at matangos ang ilo may lumabas din dimple sa kaliwang pisnge nang ngumiti ito kay Aling Salie.
"Nanay, nandito na ang pinakagwapo mong apo." natatawang sabi nito saka nagmano kay Aling Salie saka naman ako binalingan at nginitian, tinignan ko lang ito.
"Ayan ka nanaman, Nicolo. Kahit kailan talaga-Ay! Eto pala ang alaga ko si Sweet. Sweet, apo ko si Nicolo." Pakilala saamin ni Aling Salie. Nakita kong mas lumawak ang ngiti saakin ni Nicolo samantalang tinanguan ko lang ito ng bahagya na ikinatawa ng matanda.
"Ganyan talaga yang alaga ko, hindi masyadong umiimik lalo na sa mga 'di kakilala." Ngiting sabi ni Aling Salie saakin.
"Abay, bakit 'di mo na lang ihatig itong si Sweet, Nicolo? Malapit lang naman ang paaralan nito. Tatapusin ko lang ang gawain ko rito, aalis na din-"
"Okay lang po, Aling Salie." sabay lingon ko sa matanda. Nakakahiya naman sakanilang maglola pwede ko naman ako magjeep o kaya'y magtaxi.
"Hindi! Wag ka magaalala nasa hustong edad naman ito para magdrive-Ilang taon ka na nga ba?"
"Bente uno, nay. Ano ba yan, nay. Nagiging malilimutin na tayo baka katagalan kalimutan mo na ako.."
Hinampas naman ito ni Aling Salie na masaya namang inilagan ni Nicolo. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit hindi alintana ni Aling Salie ang kawalan ng sariling pamilya dahil mukang kuntento naman ito sa kung anong pamilya siya mayroon ngayon.
"Bago ko makalimutan buti't natanong ko ang edad. Sweet, maligayang kaarawan!" lambing saakin ng matanda saka may kinuha sa bulsa't inilagay saaking kamay. Isang hairpin, may disenyo ito puting ribbon na katamtaman lang laki. Maganda ang pagkakaayos, nilagyan din ito ng napakaliliit na mga pearls sa magkabilang gilid.
BINABASA MO ANG
Mercy please, save me
General FictionHer name is Sweet Miracle. The girl who looks like a doll, a living mannequin indeed. Some people wants her. It's either to hurt or own her. But she's not a doll that you can toss anywhere. She's not a doll for you to take, put in a box and brag to...