"Cardenal, tawag ka ni Shiela."
"Huh?"
Napalingon ako sa kaklaseng napadaan. Naggugupit ako ng creep paper sa labas ng room pero hindi ko naman agad matapos dahil maya-maya ay natutulala ako. Iniisip pa rin ang huling sinabi ni Johann at ang itsura ni Jared ng gabing yun.
Napabuntong hininga na lamang ako at inayos ang mga nagupit na. Pumasok na ako sumunod na lingo dahil kaya ko naman na. May takip pa rin ang kilay ko pero hilom na ang gasgas ko sa pisnge at labi. Hindi na ganoong visible ang pasa sa mata at gilid ng labi pero pag tititigan ako ay doon mahahalata atleast hindi na malala katulad ng nagdaang lingo.
Ilang kaklase din ang nagusisa pero sinabi na lang ni Bernard ay nadisgrasya ako sa bike kahit hindi naman ako nagbabike, sinakyan na lang namin para matigil na ang kaklase. Ang adviser lang namin ang nakakaalam nang nagyare dahil nanghingi ng medical certificate.
Si Four ang ang vocal na nagsabi na hindi siya naniniwalang nadisgrasya lang ako. Pinilit pa ako magsalita at magkwento pero hindi ko naman sinagot hangang sa napagod na dahil wala namang naririnig saaking sagot. Inaasar na lang ako na lihim daw akong gangster o baka daw anak ng mafia at napaginitan. Inirapan ko lang 'to sa mga iniisip na dahilan.
Tumayo na ako at pumasok. Nagkalat ang mga kartolina, styrofoam at kung ano-ano pa. Madami rin akong kaklase ang nakasalampak na sa sahig at naggugupit ng kung ano-ano. Hindi na kami kasya kaya ang ilan saamin kasama ako na sa labas na lang pumwesto. Pinagupit lang ako ng kung ano-ano dahil baka daw mabinat ako (sabi ni Bernard) kaya mga magagaan lang na gawain ang ibinigay saakin ng ilang kaklase ko.
Hindi ko alam kung paano nangyare at nanalo ang cafe para maging booth namin sa instrams at foundation day. Laking tuwa ng mga babae at siya naman kinayawan pa ng mga boys. Nagkasundo lang ng pumayag ang girls sa suhestiyon ng boys na sila ang magseserves sa mga babae at ang mga girls naman para sa lalake.
Lumapit ako kay Shiela habang nagiinstruct sa tatlong kaklase ko na nakatoka sa lights at floor design. Mukang pinaghahandaan nila talaga siguro dahil kami ang pupuntahang school at tatlong araw na lang magsisimula na ang Foundation day at Instrams. Hindi na nga kami nahirapan sa ilang kape at pastries dahil madaming nagvolunteer na magbake at magdonate ng coffee, ang ilan ay dinig kong imported pa.
Nang matapos ay hinarap ako ni Shiela. Mayroon pa ring ngiti habang inabot ang isang papel. Mahabang papel. Kinuha ko naman ito at tinignan. Listahang ng mga kung anong-anong materials na tingin ko'y dapat bilhin.
"Can you please buy those things? We're kinda busy here.." nakangiting niyang sabi na mas penge pa sa mga bagay na galing pang China.
"I am too, Shiela-"
"Not that busy like u-"
Naputol din ang sasabihin nito ng may humablot sa kamay ko ng listahan. At walang iba kundi si Bernard na maarteng hinahawakan at pinasadahan ng tingin ang listahan.
"She's busy too. Can't you see darling? And you expect her that she can bought all of this?"
Nakataas nitong kilay habang nakatikwas pa ang hinliliit na daliri at nakatingin pa rin sa listahan.
Kami lang ni Bernard magkakaybigan ang naiwan na tumulong para sa booth. Si Ihshi ay nagpractice para sa Mr. and Ms. Intrams habang si Faith ay nagtetrain sa mga bagong recruit para makatulong sa paghahanda. Ang kambal ay parehas na nakapasok sa basketball team kaya nagtetraining din.
"Her bruises aren't that serious. Stop over reacting." nawala na ang ngiti nito at nakipagtarayan na kay Bernard.
"Andrea! My dear, come here!"
BINABASA MO ANG
Mercy please, save me
General FictionHer name is Sweet Miracle. The girl who looks like a doll, a living mannequin indeed. Some people wants her. It's either to hurt or own her. But she's not a doll that you can toss anywhere. She's not a doll for you to take, put in a box and brag to...