Chapter 6

92 4 0
                                    

'Mommy, we'll go 2 da Foodprk aftr clss okioki?' palihim kong text kay Mommy sa loob ng bag ko.

Nasa huling subject na ako para sa araw na ito at napagdesisyonan nila Faith at Ruru na dumiretso sa Food Park pagkatapos ng klase namin para sa araw na ito.

Tutal dahil Friday naman kaya pumayag ako at dahil na din daw makabawi ako dahil sa may tampo pa daw silang magkapatid saakin sabi nga ni Ruru. Nakauwe na din si Mommy last week galing sa kanyang Medical mission kaya sa bahay na ulit ako.

Isang lingo na ang lumipas sa nangyare saamin nila Johann sa Detention room at sobrang awkward ng ngyare.

"Babe?!" sabay saby na sigaw nila at agad naman akong umalis sa pagkakabuhat ni Johann.

"Ah-Eh. Ano- Kasi-Ganto yun-" panimula kong paliwanag kala Faith, Ruru at Jared.

"Johann, let's talk. Sweet, sumama ka dyan kala Ruru at gawin din ang pinagagawa ko sakanila." sabi ni Faith at nilagpasan kami ni Johann at dumiretso sa labas.

Tinignan ko si Johann at mataman lang itong nakatingin saakin at agad ding sumunod kay Faith.

"Milagrosa! Sit here! chuuuuuu.. Alam ba ng nanay mo yan ha? Humohokage ka kay Johann dyan-Pwe! What the?!" litanya ni Ruru binato ko na ng bonet ko hindi pa din gumawang tumahimik.

"Shut up, Ruru. And I told you that you should call me 'ate'." asik na sabi ko at upo sa harapan.

"Sabi na eh. May future akong nakikita sainyo ni Johann." sabi ni Jared sabay upo sa tabi ko.

"What are you talking about?" sabi ko dito.

Napangiti lang ito at subo ng isang buong Pringles. "You won't believe me? Huh?"

"I won-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil ang walangyang si Ruru ay isinuot saakin ang bonet ko hindi lang sa ulo kundi sa buong muka at ipinaling sa kabilang side ang muka ko.

"Bro! Wag mong sabihan si Sweet ng mga kung ano-ano! Nako! Uto-uto pa naman ito!."

Tinangal ko ang bonet sa ulo ko at ginamit panghampas kay Ruru. Walangya kung makapagsalita akala mo wala ako.

"What? There's nothing wrong about that."

"No, she's offlimit!"

Hindi ko na pinansin ang dalawa at pinagtuunan na lang ng pansin ang nakasulat sa board. Kumuha daw ng tatalong yellow pad at isulat ang pangungusap ng nangangakong hindi na uulitin kasalanan. Well, mas maganda na ito kesa maglinis ng Cr.

Sinimulan ko ng magsulat at nakakaisang page na ako ng pumasok si Faith kasama si Johann na nakakunot ang noo tinapunan muna ako nito ng tingin sa naupo sa isang bangko.

Simula ng araw na yun ay hindi na nagkruskrus ang landas namin kahit pa magkakaklase kami.

Hindi na din madalas nakikitang nangungulit si Jared kay Faith pagmagkakasama kami, siguro ay minsan ngunit magisa lang itong lumalapit saamin o kung hindi naman ay nasa malayo ako saka ko lang nakikitang lumapit ang kambal kay Faith.

Hindi sa gustong magkrus ang landas naming dalawa ni Johann pero parang ang weird lang? Ni hindi ako nakapagpasalamat sa nangyare kahit sa Detention room din kami dumiretso o nagsorry dahil sa nangyare nung unang pagkikita. Wala pa kaming matinong paguusap.

Agh. Sweet bakit mo ba iniisip yung mga ganyang bagay? At lalaki pa ? Sabing sakit lang ng ulo yang mga yan.

Naramdaman kong may nagvibrate ang phone ko sa bag kaya sinilip ko ito dahil alam kong nagreply si Mommy sa text ko kanina.

Mercy please, save meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon