"Rica.."
Nabitawan ko ang bag na nasa paanan ng makitang nasa harap ko si Rica. Casual na ang damit na suot. Paano siya nakapasok ng ganyan eh nasa alituntunin ng school na aattend silang nakaschool uniform at kaming mga taga St. Mary ang casual.
Napakunot ang noo ko ng makitang may sout itong Id ng school namin. Kanino at saan niya nakuha yan?
"I fucking hate you, Leveque." gigil na sabi ni Rica. May isang babae taga St. Mary sa tabi niya at dalawang lalake na taga St. Dominique.
Sinalubong ko ng malamig na tingin ang mata nito."The feeling is mutual, Rica."
"Matapang ka na talaga ngayon. Ah! Because you found a new boy toy when you left the school. Another powerful boy who will happily comply to your whims. And now, your father is back on town too."
I don't know what she saying but wait, what about my father? He knows, my father? I see. He also known in elite society.
Lumapit saakin dalawang lalake, sa kakaatras ko at panlalaban ay napaupo na ako sa gilid ng fountain at tuluyan ng nahawakan ang magkabilang braso at balikat.
"Bitawan niyo ako!" pagpupumilit na kumawala at tinawanan lang ako ng dalawang lalaki. Nilakasan ko ang boses para sakaling may makakita at makadinig saakin. Ngunit walang tao dito sa may fountain banda kundi kaming lima lang.
Nagsimulang gumapang ang takot sa buong katawan ko. Kilala ko si Rica she really hurt people and when I say hurt expect it really, really bad.
"Half of our investors withdrew their shares in our company! They're being threaten so they don't have a choice. Our business will fall any moment because of you. Because of the ugly girl which is you!" sigaw nito saakin at tinanguan ang dalawang lalake.
Hindi na ako nakalaban ng patalikod akong inilublob sa fountain. Sinubukan kong abutin at kumapit ng mahigpit sa uniform ng dalawang lalake para maiangat ang sarili ko pero mas idiniin lang nila ako tubig!
Basang basa na ang buong katawan ko pwera na lang ang mga binte na naikawit ko sa gilid ng fountain para hindi ako tuluyang mailublob sa tubig.
Nagsusumigaw ako ng iiangat ako sa tubig at naiupo sa gilid ng fountain.
"T-tama na! Rica, wala a-akong alam!" hirap kong salita dahil nakainom ako ng tubig, nanginginig na rin ako pero sinusubukan ko paaring makawala sa hawak.
"Tonta! Palagi ka naman walang alam!" sigaw saakin ni Rica at nasimula nang manubig ang mga mata ko.
"R-rica, wala t-talaga. Wala akong k-kinalaman sa s-sinasabi m-mo." at hila ng mga kamay napapikit lang ako ng dumiin ang mga kuko sa balikat ko ng isang may hawak saakin.
Tumawa lang si Rica at tumango kaya inilublob ulit ako sa tubig. Nagpapadyak na ang paa sa ere dahil nakainom na naman ako ng tubig.
Nang maiangat ako'y hindi ko na mapigilang ang mga luha at manginig na ang buong katawan.
Unti-unting bumuhos ang malakas na ulan na para bang nakikiramay sa pinagdadaanan ko.
"T-tama na! Tama n-na! A-yaw .. k-ko na!" at niyugyog ang dalawang lalaking nakahawak saakin. Nakatitig lang sila saakin at isa pa ay tumatawa. Parehas na ngangalumata at pulang-pula ang mga mata.
"Rica, wala naman sa usapan 'to.." kausap ng babaeng taga St. Mary. Namumutla na 'to habang nakatingin saakin tapos ay titingin kay Rica.
"This is my favorite scene, Leveque. You starting to beg while crying.. You never failed to entertained me!" sabay halakhak na para bang nababaliw na ito.
Umiling ako rito at niyugyog ang mga nakahawak saakin dahil hindi na ako makapagsalita. Basta ang alam ko na lang ay nanlalabo ang aking mga mata dahil sa walang katapusang luha at nanginginig na mula labi hangang buong katawan.
"But for me. You are better off.. dead."
Iyon ang huli kong narinig bago ako nilublob ulit. Am I really better off dead? I'm struggling to live, to breathe and stay but there are people who really wish me dead.
Nagpupumilit pa rin ako lumaban kahit nararamdaman kong mas matagal akong nakalublob kumpara kanina. Mas marami na akong naiinom na tubig at pati ang tenga ko ay pinasukan na rin.
Naramdaman ko rin unti-unting nanlalabo ang mga mata ko at sumisikip ang dibdib. Ganito yun, eh. Ganitong ganito ang ginawa ni Daddy saakin..
I just got home. Tired and hungry. I wonder why elementary students are already loaded of school works. What if I already enrolled in highschool?
Dumiretso ako ng kwarto para maglinis muna ng katawan bago bumaba at kumain. Mukang kami lang ni Daddy dahil hindi ko pa nakita ng kotse ni mommy at sasakyang sumusundo kay ate Beatrice. Paniguradong madaming masasayang na pagkain dahil dalawa lang kami pero ang handa ay pang dalawang pamilya.
Nakaschool uniform pa ako at tinignan ang pinupunong bathub. Magtatagal na lang ako kaunti at hintayin si ate para sabayan.
Nang tumayo ako para kunin ang nakalimutang towel ay nakita kong nasa pintuan ng cr si Daddy at walang emosyong nakatingin saakin.
"Father.." saka nilapitan 'to at humalik sa pisngi.
Pinanuod lang ako nito naamoy ko ang sigarilyo at alak rito. Ang nagpakaba saakin at ang mga mata nitong madilim kung makatingin at pulang pula.
Napasigaw na lang ako ng hablutin ang buhok ko at kinaladkad sa bathub at walang sabi-sabing nilublob. Nagmakaawa at sumigaw ako saaking ama pero ngunit bingibingihan ito. Laking pasalamat ko at pinuntahan ako ni Ate Beatrice sa kwarto at nasagip sa ama.
Nagdilim na ang paningin ko kaya ipinikit ko na ito. Sumasakit na rin ang puso't dibdib ko. Maliban sa nauubusan na ng hangin ay makailang beses na rin pala talaga akong nakipaghabulan sa kamatayan.
Tinigil ko ang panlalaban at bumitaw sa pagkakapit sakanila. Nawalan na ng pagasa na iaahon ako sa tubig. Naramdaman kong binitawan nila ako dahil siguro'y naramdamang hindi na ako nagpupumiglas. Napangiti ako, I will never fond of living. I hate this world. I really hate my world.
Nasa punto na ako na tanggap ko na ang kahihitnan ko ay siya naman pasok ng hangin sa ilong at bibig ko.
Nakita ko na lamang ang sarili kong nasa semento, sumusuka at umuubo. Kaninang pandidilim ng mata ay ngayo'y sinalubong ng liwanag at ang buhos ng ulan.
Buhay ako? Buhay.. Ako.. Doon nagsink in saakin na wala na ako sa fountain at ngayo'y nasa lupa na. Nanginginig ang buong katawan lalo na ang dibdib dahil sa pagpasok ng hangin at amoy ng umaalingasaw na lupa dala ng pagbagsak ng ulan.
Hindi ko na napigilan at muli ay humagulgol ako. Umiiyak dahil sa mga sinapit at awa sa sarili dahil walang magawa sa buhay na meron ako. Why people love to hurt me? I don't hurt people because of unexplainable anger. I maybe cold but I will never hurt or try to kill a person. Kahit pa gaano katindi at hindi na makatao ang ginawa saakin. Hindi sumagi sa isip ko ang paghihiganti.
Pinilit kong bumangon kahit masasakit ang balikat at braso. Nahanap ng aking mata ang bag. Bumangon ako at unti-unting gumapang palapit sa bag ko na ngayon ay unti-unti ng nababasa.
Nagtagumpay ang nanginginig kong kamay na abutin 'to at niyakap sa kandungan.
Humigpit ang yakap ko sa bag at yumuko ng sobra na halos muka ko'y isubsob nasa lupa nang naramdaman kong may humawak saakin sa balikat.
"T-tama na, p-please.. A-ayaw ko na."
Hinawakan ako muli nito kaya napapiksi ako sa pagkakayuko naging bingi sa lakas ng ulan at palahaw ng iyak.
"A-ayoko na p-po. P-parang awa n-niyo na po. U-uwe na a-ako. I-im begging y-you."
"Miracle! Miracle look at me!"
Marahas akong umiling at nagmakaawa kung sino mang nasa harap ko.
Tinaas nito ang muka ko at sinalubong ang mga mata ang nagalalang si Johann.
"Baby, it's me, Johann. Shhh.. Uuwe na tayo."
Tinulungan akong makatayo ni Johann pero hindi pa man ako nakakaayos nang pagkakatayo ay nagdilim ang buong paligid ko.
BINABASA MO ANG
Mercy please, save me
General FictionHer name is Sweet Miracle. The girl who looks like a doll, a living mannequin indeed. Some people wants her. It's either to hurt or own her. But she's not a doll that you can toss anywhere. She's not a doll for you to take, put in a box and brag to...