"Ayaw kong sumama, Aling Salie!" takot kong sagot.
"Shhh.. Relax, hija. Magpahinga ka na muna."
Hinila ako nito sa sofa at pinaupo. Hindi na matapos-tapos ang mga problema't isipin ko sa buhay.
Umiling ako napayuko at madiing pinipisil ang mga daliri.
"Hija, kahit anong gawin natin. Siya pa rin ang ama mo. May karapatan din siya bilang ama-"
"Pero may karapatan rin po akong tumanggi! Hindi na po ako menor de edad atska hihintayin ko po si Mommy!"
"Sweet.."
"Aling Salie ayaw ko ho talaga.. Dito lang ako kasama niyo." saka ko hinawakan ang kamay ng matanda.
"Oh, hindi kaya doon ka na muna kala Faith katulad ng gusto ng Mommy mo?"
Napatitig ako sa kawalan. Pepwede naman dahil alam kong tatanggapin ako ng magkapatid pero..
"Hihintayin ko rito si Mommy.. Babalikan niya ako kung saan din niya ako iniwan, Aling Salie."
"Hija, mas makakabuti siguro kung hindi mo muna isipin si Mommy kundi ang sarili mo."
Napahilamos ako ng muka. Hindi ko na alam. Wala na akong maintindihan.
Niyakap ako ni Aling Salie at hinaplos ang aking buhok. Yumakap ako pabalik rito na para bang kayang ibsan ng yakap ang lahat ng poblema at pangambang nararamdaman.
"Anak, kung ayaw mo talagang sumama sa iyong ama ay doon ka muna lumagi sa kaybigan mo at uuwi muna ako ng probinsya. Kapag handa ka na saka mo harapin ang iyong ama at sabihin ang desisyon mo.."
In my 18 years of existence I neved asked for anything other than love and care that once I received. Bakit pinatikim lang saakin? Why does people keep leaving me? When can't I take one step away from them? Am I not worthy to be stay with? I don't understand..
Tahimik na lamang akong tumango at walang nagawa kundi tanggapin ang mungkahing plano ni Aling Salie.
Hindi ako pinatulog ng gabing iyon at kung nakaidlip man ay hindi tumagal kahit tatlong oras. Pinatili akong gising ng mga alaala, ng mga problema, ng lungkot, takot at pangamba.
Inaayos ko sa backpack ang ilang damit na idadagdag kong gamit sa bahay nila Faith. Tingin ko'y matagal rin akong hindi babalik sa bahay pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ako maghihintay sa pagbalik ng ina
Pinagmasdan kong muli ang sarili habang sinusuot ang id. Highwaist na pantalon, fitted na puting sando at may suot na cardigan na kulay gray pinaresan ko rin ng itim na converse. Hinayaan ko ring bumagsak ang itim at straight na buhok. Naglagay na lang ako ng lipstick para hindi mapansin ang pagiging maputla. Mayroon pa rin akong band aid sa kilay, pansin pa rin ang sugat sa ibabang labi ko pero wala na ang pasa sa gilid.
Bumaba na ako at nakita kong nagaabang si Aling Salie sa dulo ng hagdan.
"Magiingat ka, hija. Tumawag ka o magtext man lang saakin kapag nandoon ka na sa kaybigan mo."
"Opo. Magiingat po kayo.." saka niyakap ito.
Pagpasok ko sa school ay tutulak na ang matanda pa punta sa kanilang probinsya at doon muna lalagi. Tinignan ko ang relos at alastres na ng hapon hindi ako pumasok ng maaga dahil waka naman akong gagawin doon at alaskwatro pa ang laban ni Ihshi.
Mas lalong maingay ang eskwelahan pagdating ko. Dahil sa lastday ay mas naging magarbo at disenyo ng bawat school. Mas dumami rin ang tao at mukang dinayo ng mga estudyante ang St. Dominique.
Habang naglalakad ako para hanapin sila Ihshi at Bernard ay ilang ulit kong tinext ang magkapatid ngunit wala ako nagtanggap na reply.
Dumiretso na ako ng classroom namin at naabutang wala na ang naglalakihang payong, mga lamesa at upuan sa labas tinanggal na rin ang disenyo na para sa booth na coffee shop. Pinagdesisyonan nilang isarado ang booth para lahat ay makakanuod at makakasuporta sa laban ni Ihshi.
BINABASA MO ANG
Mercy please, save me
General FictionHer name is Sweet Miracle. The girl who looks like a doll, a living mannequin indeed. Some people wants her. It's either to hurt or own her. But she's not a doll that you can toss anywhere. She's not a doll for you to take, put in a box and brag to...