Chapter 49

66 2 0
                                    

"Look at the camera!"

Sigaw ng baklang kaybigan ni Sheryl. Nakatayo ako sa tabi ng piano habang nakaharap sa nakatutok saaking camera.

"Sheryl, why don't you teach her how to smile?" iritang baling ng bakla sa nakatayong si Sheryl sa tabi niya at nagmamasid lang sa paligid.

Hindi ko mapigilang umirap sakanilang dalawa saka naupo at humarap sa piano. They said they need to take a picture and video of me playing the instrument. I'm so sure those things has something to do for tomorrow's party. If I'm not mistaken the 'night' that everyone's were talking about.

"I won't waste my time on her." nadinig kong tugon no Sheryl kaya umirap nanaman ako at nakita kong nangiti si Anna nakatayo sa bandang pintuan ng kusina at sinisilip kami.

"Whatever, let's proceed to the video. A minute or so will do." sabi ng bakla saka lumapit saakin at inayos ang gown ko.

Wearing champange long dress and longsleeve with full of beeds. At sa likod ay kita ang halos buong likod ko. Itinaas pa ang buhok ko na kinulot para mas ipakita ang disenyo ng damit.

"You can start playing the instrument and sing after I said action." sabi nito saka may kinabit sa may leeg ng damit ko, tingin ko'y mike.

Matapos ang sigaw ng salitang 'action' ay kusa ng gumalaw ang mga daliri ko sa keys at naglikha ng tunog sa buong bahay. Wala na. Sumunod na lang ako sa lahat ng gusto nilang ipagawa.

"If I die young bury me in satin. Lay me down in a bed of roses. Sink me in a river at dawn.. Send me away with the words of a love song.."

Nakita kong naapaayos ng tayo si Sherly habang nanunuod saakin. Hindi ata inasahan ang tutugtugin ko at wala akong pakialam kung ayaw niya nang pinili ko. Kahit sa huling sandali madinig nila ang hinaing ko.

"The sharp knife of a short life.
Well, I just had enough time..
So put in your best boys and I'll wear my pearls.."

Hininto ko na ang pagtugtog, nilagay ang mga kamay sa hita saka lumingon sakanila.

"I'm done." malamig kong sagot.

"That's it?! Hindi mo pa tinuloy-"

"That's enough." putol ni Sheryl sa kaybigan.

"Tss.. Girl, you're spoiling her so much." iritadong sagot ng bakla.

"I'm not. I know that kid if it's a no, it's a no."

Tahimik akong tumayo at agad namang inalalayan sa siko at braso ng mga bodyguards. Okay naman na ang paa ko at nailalakad ko na rin ngunit hindi pinupwersa, ngunit ang mga tao sa bahay ay ang tingin saakin ata'y mababasag kaya madalas na umalalay. Hindi na lang ako umimik at hinayaan silang akayin ako paakyat hangang makarating sa kwarto ko.

Naiwan ako sa gitna ng silid matapos akong ihatid ng ilang bodyguards at maisara ang pinto. Hindi nakawala ang sa pandinig ko ang paglock nito mula sa labas.

Hinubad ang damit at ang mga suot na alahas ay dumiretso na ako sa cr para maglinis ng katawan.

Alasdyis imedya na ng gabi at gising pa rin ako, nakatulala mula sa kama. Kung dati ay gulong-gulo ang isip ko sa lahat ng nangyayare ay salungat noon ang nararamdaman ko ngayon.

Walang kung anong gumugulo sa isip ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatakot yun o ano. Bukas ang araw ng party at dapat ay naghahanap ng dahilan kung paano mapipigilan, makakatakas o makakahingi ng tulong ngunit heto ako.. Tanggap na ang mangyayare sa sarili?

Kung sino man ang makakabili saakin ay huwag sana akong gawan ng masama. Maatim ko pang gawin akong empleyado o katulong kaysa sa mga pagawan ng mga makamundong bagay. According to them someone who can protect me enough. Should I trust him? Atleast I'll be sold to someone he approve at hindi kung kanino man.

Mercy please, save meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon