"Drive me to Sunny Cemetery, first.." sabi ko at hindi pa pumasok sa sasakyan.
Nahinto rin si Fabian at Eric saaking tabi habang nahinto sa paguusap ang dalawang bodyguard sa likuran at tinignan naman ako ng driver.
Hinayaan nga ako nila Daddy na bumisita sa school sa huling pagkakataon at dinoble ang bilang ng mga nagbabantay saakin.
Nais ko munang puntahan ang kapatid bago pumunta sa paaralan. Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko'y mawawalan na akong ng pagkakataon na makita't makausap siya kaya nais ko muna siyang puntahan.
"Miss Leveque.." angal ni Eric kaya tinapunan ko lang ito ng tingin.
"I want to visit my sister." malamig kong utal.
"Okay, Miss Leveque.." mabilis na sagot ni Fabian saakin habang pinagtaasan ng kilay si Eric na napailing na lamang saka lang ako pumasok.
Naupo sa harap kasama ng driver si Eric at sa tabi ko si Fabian at ang dalawa pang lalake ay nakapwesto saaming likuran. Lahat sila ay nakasuot lang nang simpleng itim na tshirt at may dogtag. Tingin ko'y yun ang palatandaan na tao sila ng ama dahil nakita ko ang initials ni Daddy sa mga dogtag nila na kahit kailan ay 'di ko nakitang hindi nila sinuot.
Suot ko'y puting maluwag para saakin na long sleeve na tinupi ko hangang siko ang sleeve, inilalim ko rin sa itim na pantalon at pinaresan ng itim na heels. Eto lamang ang pinakacasual na nakita ko sa mga bagong dating na damit saaking kwarto. Ipinusod ko naman ang aking buhok dahil sa haba at nabibigatan na. Tanging lipgloss lang ang inilagay kong kulay sa muka at matakpan ang pamumutla.
Sa pagitan namin ni Fabian ay ang sling bag kong itim na siya ang nagbibitbit na kahit anong pilit ko kunin ay ayaw ibigay kaya hinayaan ko na lang.
Nang makarating kami sa lugar kung saan ang puntod ni ate ay mabilis akong lumabas sa sasakyan at naglakad rito. Nakita kong hindi ako sinamahan nila Fabian pero hindi naman malayo saakin at nakabantay pa rin.
Iniluhod ko ang kaliwang tuhod habang ang isang braso ay nasa ibabaw ng kanang tuhod at habang hinihimas ng isang kamay ang puntod ng kapatid.
"Ate Beatrice, miss na miss na kita.." sabi ko at napabuntong hininga na lamang. Gusto kong lumuha para sa kapatid at sa lahat ng nalaman pero mukang pati ang mga mata ko'y napagod na ring lumuha para saakin.
"Ang dami kong nalaman.. Alam mo ba lahat ng iyon? Kaya ba'y ganoon na lang ang pagiingat sayo ni Mommy at hayaan akong iwan kay Daddy? Kung sinabi mo saakin noon pa ang lahat.. Sa tuwing gusto ni Mom na umalis at ikaw lang ang isama.. Baka tinulungan ko pa si Mommy piliting sumama ka.. Kung doon ka magiging ligtas.." at napatingin ako sa kalangitan.
"But we can't go back to the that time, right? At least you're safe their because my place is full of monster. Instead of angel, I have devils to guard me.." umayos na ako at tumayo na saka namulsa.
"And about Mom, wherever she is.. I hope she's safe and happy too. Don't worry, Ate. I'm gonna find a way to talk her, to have a word to her for the last time." bumuntong hininga ako para mabawasan man lang ang bigat at sikip ng dibdib pero hindi naman nangyare.
"I'm sorry, Ate Beatrice.. I don't know but I think this will be my last visit to you. I will not celebrate my birthday and yours for the next years.. Your Mimi, your little sister is going to give up now. I'm giving up my freedom, happiness and life now." Naramdaman ko ang malakas at malamig na hanging tumama saaking muka at mga braso na nagpataas ng balahibo ko. Niyakap ko ang sarili at hinimas ang braso para maibsan ang lamig.
Nailing ako."Sorry, Ate.. I'm too tired to fight now and to see other people fight for me and end up hurting or worse stopped living. Ate Beatrice, I will forever miss you and love you. You're always in my heart. Please, be patient and wait for the time that we're gonna be united again." saka ako ngumiti sa puntod nito at tinanggap na ang lahat.
BINABASA MO ANG
Mercy please, save me
General FictionHer name is Sweet Miracle. The girl who looks like a doll, a living mannequin indeed. Some people wants her. It's either to hurt or own her. But she's not a doll that you can toss anywhere. She's not a doll for you to take, put in a box and brag to...