"I'll be out for three days. My flight will be after lunch."
I heard my father said one morning while we're having breakfast. Kasama namin si Sheryl na kumakain sa hapag at nakatayo sa gilid ang ilang bodyguards.
"Any plans for today, child?"
"I'm going to school." sabi ko habang ang tingin ay nasa pagkain pa rin. Alam kong late na ako sa klase para ngayong araw pero pwede naman akong maghalfday. Sana lamang ay may naisamang kahit isang uniform si Aling Salie ng pinagayos niya ako ng damit.
Tatlong araw na ang nakakalipas ng hinatid namin ang matanda. Mas naging madilim ang buhay ko sa mansiyon at parang manika na bibihisan, aalis, ibibida't ipapakilala sa lahat saka uuwe at magpapahinga. Kinabukasan ay ganoong routine ulit.
Nagpunas ng labi ang ama bago tumingin ulit saakin."You don't need it, child. But well I'll just let you enjoy your days."
Hindi ako umimik at pinagpatuloy ang pagkain. Mayroon na akong ideya pero hindi pa ganoong sigurado. Sa dalas akong isama nila Daddy kung saan meeting at hayaang makilala ang mga kasamang negosyante nito o ang anak nila mismo na minsan ay halos itable ako. Nararamdaman kong ipapakasal ako kung kanino. Hindi man niya sinasabi ang plano at hinuha ko pa laman iyon pero ngayon palang ay hindi ko na hahayaang mangyare yun.
Pagkawala niya ng tatlong araw ay sasamantalahin ko iyon para makahingi ng tulong at makatakas rito.
Hinatid ako ng isa sa mga sasakyan ni Daddy at hindi ko maiisip ang dahilan kung bakit kailangan pang sumama ni Sheryl.
Hindi ako agad nakababa ng sasakyan ng hinawakan ako nito sa balikat para mapigilan.
"We know what happen to you last time. Your father isn't happy and you can't imagine what he did to them. Fabian and Eric will accompany you. Babantayan ka nila sa loob. Wag ka magaalala dahil hindi naman sila lalapit kung hindi kinakailangan."
"What? Is that even possible?" hindi ako makapaniwalang tanong. Nakita kong bumaba ang dalawang lalaki na nakaupo saaming likuran. Parehas silang nakaputing tshirt, pantalon at parehas na may dog tag.
"Naireport na ito sa admin ng school at pumayag sila. Alam naman nila ang nangyare sayo."
Hindi ako makapaniwalang umiling saka bumaba. Diretso akong pumasok ng school kasabay si Fabian at Eric na sinamaan ko lang ng tingin. Nang nasa loob na kami at nilawakan nila ang distansya saakin.
Agad hinanap ang mga kaybigan. Lunch break kaya maraming estudyante ang nakakalat.
Diretso lang ako sa room at ilang kaklase lang ang naabutan. Tumahimik ang lahat ng makita akong pumasok. Siguro'y akala nilang hindi ako papasok ngayong araw.
Wala ang mga kaybigan sa loob ng room kahit ang kambal.
Patalikod palang ako ng may marahas na humila sa braso ko na walang ibang gagawa kundi si Sheila.
"At talagang nagawa mo pang pumasok? Why are you here?"
"Ang pagkakaalam ko hindi mo pagmamayari 'to, Shiela. Bakit napalitan na ba ang apelyido mo at naging Punzalan?" dirediretso kong sagot rito na kahit ako ay nagulat sa tapang na pinakita.
I think this is the aftermath of things happened to me. Pain did this to me.
Hinawakan ko ang kamay nitong mahigpit ang kapit sa braso ko at marahas na tinanggal. Marahas ang pagkakatanggal ko pero hindi naman sapat yun para bumagsak siya sa sahig.
"Ouchh.."
"Sweet!" Napalingon ako sa tumawag at nakita kong hinihingal si Johann habang nakatingin saakin at sa nakasalampak na si Shiela.
BINABASA MO ANG
Mercy please, save me
General FictionHer name is Sweet Miracle. The girl who looks like a doll, a living mannequin indeed. Some people wants her. It's either to hurt or own her. But she's not a doll that you can toss anywhere. She's not a doll for you to take, put in a box and brag to...