"How are you feeling today?"
Nagmulat ako ng mata at tinignan si Mommy. Kasalukuyan niya akong inaayusan para sa dadaluhang debut ni Ihshi.
"Hmm.. I'm good. A lil bit nervous because I'll attend party without you." saka muling pumikit para matapos na ang paglalagay ni Mommy ng eye shadow.
"You attended some parties in your school with Faith so what makes it different?"
"Mommy, syempre mas maraming tao doon at hindi pa lahat estudyante. Sigurado ay maraming mga kilalang tao doon. I used to attend that kind of party with you." nguso kong sagot at dumilat na.
Sinalubong ng mga mata ko ang nangungulilang tingin ni Mommy. Umalis ito sa harapan ko at pinaharap na ako sa salamin.
Nakalugay ang aking buhok na dating tuwid na ngayo'y umaalon na. Nilagyan din ni Mommy ng puting clip ang buhok para magkaroon ng disensyon. Suot ko'y v-cutted gown na hapit hangang bewang at malaya namang bumagsak hangang paanan ang hem nito.
Tinignan ko si Mommy mula sa salamin na siyang nakatayo saaking likuran at malungkot na mang ngumiti ito saakin. Bago pa ito tuluyang tumalikod ay natigilan si Mommy sa ginawa ko.
"Why do birds suddenly appear
Every time you are near?
Just like me, they long to be
Close to you.."
Nagtuloy-tuloy lang ito ng lakad papunta sa kama ko at kinuha ang gagamitin kong high heels at inilapag sa paanan ko.
"Suotin mo na 'to.." Mahinang bulong nito saaking gilid. Humarap na ako kay Mommy at isinuot na ang heels.
"I miss her too, Mom.." sabi ko. "Its your favorite song she used to sing for you."
"Darling.. Yes, I miss her too." Ngiti nito pero nakikita ko pa rin ang pangungulila ni Mommy.
Naramdaman ko naman na 'to dati pa man simula nang mawala si Ate. Mommy can't stayed long here at home because she remembered her. She choose to go to that missions or assignments especially that far from here. She suffocates here and to me. I resembled her. Nasasaktan siyang makita ako. I just watched her walk out in my room and stare again in the mirror.
Yes, mommy. I heard your screams and whimpers everytime I sneak out to get some chocolates every midnight. And it broke me too.
Muling kong pinagmasdan ang sarili sa salamin.
Nangungusap na mga mata, ang matangos na maliit na ilong at makipot na labi na parehas naming namana ni ate kay mommy. Pinagkaiba lang ay hugis puso ang aking muka samantalang bilugan naman ang kay ate. Ang straight kong buhok at alon naman ang kanya isama pang likas na palangiti at palabati samantalang ako'y hindi.Hindi ko rin masisi si mommy. I look like her but I am not her.
Naputol ang aking pagmumuni-muni ng muling pumasok si mommy at may dalang black velvet jewelry box. Pinanuod ko lang ito mula sa salamin.
Binuksan ni mommy ang laman at inilabas ang isang kwintas at isinuot saakin.
"Happy birthday, sweetie.. I'm sorry if mommy will not be here on you birthday." sabi nito habang kinakabit ang kwintas.
"Thanks, mom. I understand po."sabi ko. Naiintidihan kita, mommy. If that will help you to move on.
Tinignan ko ang pendant. Its a long rhombus shaped pink tourmaline. Pinalibutan ang gilid ng bato ng mga maliliit na dyamante. Nang ginalaw- galaw ko ito ay may nakita akong nakaukit sa gitna. Its a cursive letter 'E'.
![](https://img.wattpad.com/cover/76455345-288-k661330.jpg)
BINABASA MO ANG
Mercy please, save me
General FictionHer name is Sweet Miracle. The girl who looks like a doll, a living mannequin indeed. Some people wants her. It's either to hurt or own her. But she's not a doll that you can toss anywhere. She's not a doll for you to take, put in a box and brag to...