"Sweet! Hey! Cardenal! Hoy!" agad kong tinanggal ang head phone ko sa tenga ko ng may marinig akong tumatawag saakin, lumingon ako sa likuran at nakita ko si Ihshi na tumatakbo palapit saakin.
Hindi niya alintana ang mga estudyanteng nakatingin sakanya at ilang teacher na naglalakad-lakad papasok ng building ng mga senior high. Pagkalapit nito saakin ay nagpahinga muna ito saglit at mukang
hinahabol pa ang hininga."Sum-eul su eobs-eo!" sabi nito na nagpakunot ng noo ko.
Lumapit na ako dito at marahang hinimas ang likod.
"G-gomabseubnida !"
"Ha?" maguguluhan kong tanong dito.
"I mean thanks. Kanina pa kita tinatawag at hinahabol ang bilis mo maglakad. Ah, by the way I just want to give you this."
Binuksan ni Ihshi ang bag nito at may ibinigay saaking pink na sobre na may violet na ribbon. Itinaas ko ito para inspeksyunin ng hinawakan naman nito ang kamay ko at ibinaba.
"Mamaya mo na lang tignan, Sweet. And please don't let anyone see that. Please." sabi nito saakin habang nakangiti na mukang nahihiya. Nagaalangan na tumango ako habang kinuha ang backpack ko at inilagay ang sobre.
Nagpatuloy na kaming maglakad papunta sa classroom namin ng maabutan naming maiingay at nagtitilian ang mga babae. Napakunot ang noo ko habang papunta sa upuan ng makitang pinalilibutan ang Harrison twin ng mga kaklase ko. Parehas ngiting-ngiti ang kambal at nakikipagkwentuhan sa mga kaklase ko, hindi ko na lang ito pinanansin at yumuko na lang sa lamesa pagkaupo ko. Baka late si Ma'am at makaidlip pa.
"Who's the girl?"
"Dinadaan niyo lang kami sa biro eh!"
Hindi ako makaidlip dahil sa naririnig kong maarteng boses na sigurado akong isa sa mga nakapaligid sa kambal. Parang mas gugustuhin kong pumasok na lang si Ma'am, ah.
"Bro, why don't you tell them?" nangaasar na sabi ng isa sa kambal pero hindi ko alam kung si Johaan o Jared ba yun dahil parehas lang ang boses ng dalawa.
"Tell what?" sabay tawa ng mahina ng isa sa kambal.
"Yung kasama mo nga sa picture. Kalat na kalat na yun sa facebook." sabi ng isa kong kaklaseng babae.
"She's wearing your jacket na kulay royal blue." agad na napadilat ako sa narinig ko. Anong picture yun? Noong sabado ba yun? Nasaakin pa din ang Jacket ni Johann.
Gusto ko ng pagpawisan dahil sa narinig ko dahil kapag nalaman ng mga kaklse ko especially grupo ni Shiela na nakasama ko ang isa sa mga sikat na tao sa school ay malamang lalapitan nanaman ako nun.
Nanatili lang akong nakayuko at hindi gumagalaw habang nakikinig sa mga naguusap-usap.
"Oo nga, Johann. Sabihin mo na sabado pa ng gabi yun pinagkakaguluhan sa internet."
Narinig kong may malakas na tumawa na satingin ko ay si Jared yun dahil hindi naman tumawatawa ng ganoon si Johann. Base sa obserbasyon ko mas may sayad si Jared kaysa kay Johann.
"Stop there, Missy. Jared here. Eto si Johann siya ang tanungin niyo dahil hindi naman ako umalis ng weekends."
"Lagi kayong nagdi-date?" rinig kong tanong ng isa ko pang kaklase.
"I wish." sabi ng sumagot na sa tingin ko ay si Johann dahil ang tipid ng mga salitang ibinibigay.
"Mabait ba siya?"
"Masungit." parehas nagtawanan ang kambal. Naalibadbaran na ako sa sinasagot ni Johann, hindi ko alam kung dapat kong ikatuwa ang pagiging honest nito o proud pa sa iba na sabihing ganoon ang ugali ko.
BINABASA MO ANG
Mercy please, save me
Ficção GeralHer name is Sweet Miracle. The girl who looks like a doll, a living mannequin indeed. Some people wants her. It's either to hurt or own her. But she's not a doll that you can toss anywhere. She's not a doll for you to take, put in a box and brag to...