Chapter 7

91 3 0
                                    

"Here's your order, Ma'am. Two mango shake, cheese cake and three chocolate almond cupcake." sabi ng waiter habang inilalapag sa harap ko ang mga pagkain.

Tahimik kong kinuha ang isang cupcake at kinagatan. Nandito ako ngayon sa isang coffee shop, dito pa din sa mall at kasama ang lalakeng nabangga ko kanina.

"Starring is rude, Johann."

Yes, si Johann lang naman ang nakabangga ko sa may exit ng bookstore kanina, napansin siguro niyang balisa ako noong nagkabangga kami kaya agad niya ako inakay papalabas at diniretso dito sa
isang coffee shop. Mabuti't hindi naman nagtanong kung anong nangyare.

At tungkol sa lalaki kanina ay hindi ko na alam ang nangyare at hindi ko din gustong alamin pa.

Kasalukuyang nakapangalumbaba ito sa lamesa habang tinitignan ako at hindi naman ginagalaw ang pagkain, kanina pa ito daldal ng daldal at napansin sigurong hindi ko ito pinapansin ay nangalumbaba na lang. Tss, parehas lang pala talaga sila madaldal ni Jared.

Ngumiti lang ito sa sinabe ko at sinimulan ng galawin ang pagkain. Aba dapat lang, ang hirap kaya lumamon na pinanunuod ka tapos tagusan pa sa kaluluwa kung makatingin.

Ilang minuto rin kaming hindi nagiimikan at parehas busy sa pagkain ng kanya kanyang order. Kasalukuyang kinakain ko na ang pangatlong cupcake at pinanunuod ang mga dumadaan sa labas ng shop ng maalala ko nanaman ang nangyare kanina. Sino kaya ang lalaki kanina hindi naman siya mukang nakagamit ng pinagbabawal na gamot. Matagal na din bago ko nakaramdam ng ganoon pakiramdam, yung kaba at takot. Agad kong naisip ang binatang kasama ko. Kung hindi ito ang nakabangga ko ay malamang wala ako ngayon dito at kanina pa ako nasa bahay at nagkulong sa kwarto.

Nilingon ko ito na nakasalukuyang nakasandal sa upuan at nakatutok sa cellphone habang kagat-kagat ang straw ng inumin. Hindi ko maipakakailang napakalakas ng dating nito kahit nakasimpleng blue na jacket na may white V-neck na t-shirt sa loob, khaki shorts at nakabaliktad na sumbrero isama pang mukang seryosong seryoso ito sa ginagawa. Hindi ko na ito pinansin at kumain na lang ulit.

"Tss. Ganyan ka ba talaga katahimik kapag hindi mo kasama si Faith? Oh, ganyan ka lang kagutom para hindi ako pansinin?" nakakunot noong sabi nito habang nakatingin pa rin sa cellphone.

Hindi ko alam kung ako ba ang kausap nito o ang cellphone.

Inubos ko na lang kinakain ko at ininom ang shake ko.

"Your name is Sweet but your personality is bitter. Wow, how ironic." rinig kong bulong nito sabay kagat ulit sa straw.

"What did you say?" taas kilay kong sabi. Agad na nakuha nito ang atensyon ko. Aba, hindi porket nilibre ako neto ay pwede na manglait ng pangalan, ha.

"Nothing, babe." sabay ngiti ng matamis ni Johann saakin at ibinulsa na ang phone nito habaang nilalapag ang inumin saka sumandal ulit sa upuan.

"Stop calling me babe." tabang na sabi ko.

"But why?" tanong nito hindi pa din maalis ang ngiting mapaglaro sa labi.

"Because I said so." sungit na sabi ko at pinapanuod ko pa din ang taong dumadaan naiilang nanaman ako sa bawat titig nito.

"Sungit."

"What?" napatingin ako dito at nakatitig saakin.

"Nothing." ngiting sabi nito agad ko naman inisnoban nito na siyang ikinatawa ng mahina ng lalake.

"Hindi pa tayo nakapagpakilala sa isat-isa ng maayos simula ng mga ngayare. So let me introduce myself. My name is Johann, 20 years old, single and always ready to mingle." sabay lahad ng kanang kamay nito saakin para makipagshakehands.

Mercy please, save meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon