"Ang mata.. saakin naman."
Agad akong napatingin sa kaharap kong nakaupo sa lamesa habang yakap ang gitara.
Kasalukuyang kami ni Four nasa school park at nakapwesto sa isa sa mga lamesa na may upuan na simentado. Ngayong araw gaganapin ang activity namin, nakipagpalitan si Miss Sebastian ng klase sa huling subject namin para sa activity dahil kakain ng maraming oras ang activity ngayon.
Breaktime na at sabay kaming kumain ni Four at para makapagpractice na rin katulad ng madalas naming ginagawa ng mga nagdaang araw.
Tinignan ko lamang ito at tinaasan ng kilay.
"I'm your partner but you can't give me your full attention." sabi nito habang umiiling,"Nakakasakit ka na talaga ng feelings."
"Ang drama mo." Yan na lang ang nasabi ko.
Marami lang ako iniisip at dumagdag pa 'tong grupong nasa harapan ko na nasa kabilang lamesa lang na hindi naman ganoon kalayuan kung saan kami nakapwesto ni Four.
Kitang kita ko sa pwesto ko ang grupo nila Faith at ang kambal kasama si Shiela. Nasa iisang pwesto lang sila.
Nagiistrum ng gitara si Johann habang si Sheila ay nasa tabi nito at kinakausap si Johann, tumatango naman ang binata o minsan sumasagot din. Samantalang si Jared at Faith ay mas madalas magbugbogan kaysa magpractice.
Naalala ko pa nang sinabi namin nila Ihshi na hindi ako ang partner niya sa activity. Una'y nagtaka dahil bakit ako pumayag sabi ko'y may nauna at siya ang unang magpeperform. Mas kinainis nito ay noong nalaman pa ni Faith na si Jared ang partner nito ay kinakailangan pa namin siyang ilabas ng canteen dahil muntik na niyang masugod si Jared na tumatawa lang. Hindi ko alam paano sila nagtagumpay na makapag practice. Balita ko'y acapella ang dalawa samantalang sila Shiela naman ay katulad saaming na gitara ang napiling instrumento.
"Bakit ang sungit mo? Minsan ka na nga lang magsalita. Kaya gustong gusto kita asarin,eh. Ang blangko kasi ng muka mo kaya kapag naiinis ka may nakikita akong ibang expression." Tuluyan nakuha ni Four ang atensyon ko dahil sa sinabi niya.
"Its really that bad?" mahinang tanong ko sakanya.
"Hey, its not. My point is you should smile often. You look like tired.. of life? Nevermind. Hindi ka lang talaga siguro pala ngiting tao." ngiting sabi nito.
Muli ko nanaman naibaling ang atensyon sa kawalan. Hindi ko alam. Wala naman akong magagawa kung ganito itsura ko.
"You know if you just smile often, approachable kang titignan. Mas dadami ang gustong mapalapit sayo."
Kinunotan ko ito ng noo. "What do you mean?"
"Damn, girl. Are you serious? You can't feel the attention you get everytime you walk inside the school, in canteen or even in the hallway?"
Napatitig ako rito at dahan-dahan na umiling. Tumawa ng malakas si Four at inayos muli ang gitara at nagstrum ng ilang beses.
"I knew it. You're so oblivious to your sorroundings. Isama pa ang magkapatid na over protective kapag ikaw na ang nasa usapan. Do you think Ruru Punzalan will go to our floor just to flirt to every girl in the hallway? No, he's checking you."
Hindi ako nakaimik at tinitigan na lang ang ginagawang ni Four na pagstrum ng gitara.
"I had a crush on you. Before, you know." Agad ako napatingin rito ng madinig. Agad akong kinabahan. This is the first time na may umamin may nagkacrush saakin.
"Now, I have your attention. Grade 9 when you transfer here. I heard that there's a transferee who came from St. Dominique. I'm so curious because that school is the best of all the best here in City, so why does she have to transfer here? Pumapangalawa lang itong school natin sakanila. And also, they said people who saw you when you enroll here that you're pretty and very angelic. I said I need to know her whereabouts because I like her."

BINABASA MO ANG
Mercy please, save me
General FictionHer name is Sweet Miracle. The girl who looks like a doll, a living mannequin indeed. Some people wants her. It's either to hurt or own her. But she's not a doll that you can toss anywhere. She's not a doll for you to take, put in a box and brag to...