Chapter 16

57 2 0
                                    

'Siya na ang mayaman,
Siya na ang may auto.
Siya na..'

Laking pasalamat ko at naka-on ang radyo at may music sa loob ng sasakyan. Hindi na ako nagisip kanina nang tinawag niya ako at pinasakay. Hindi alam na magiging ganito pala katahimik sa loob ng sasakyan. Sa kagustuhan hindi muna umuwe at magpalipas ng oras ay narito ako at kasama si Johann.

'Siya na ang meron ng lahat ng bagay na wala ako..'

Nang makasakay ako sa sasakyan ay mabilis niya ito pinaandar at nahirapan pa ako ikabit ang seatbelt dahil sa sugatang palad. Mas naging madilim ang itsura nito saka ako tinulungan ikabit.

'Hindi mo man sabihin pero aking napapansin..'

Mabilis akong napalingon sa gawi nito ng ihinto nito sa tabi ng convinience store ang sasakyan at lumabas. Hindi ako nagtanong at pinanuod lang ito.

'Kapag nalagay ka sa alanganin heto nanaman tayo..'

Napangiti ako ng malungkot sa narinig na linya sa kanta. Oo nga, sa tuwing naiipit ako sa ilang sitwasyon laging dumarating si Johann. Palagi na lang.

Napatingin ako saaking mga kamay na nasa hita. Hindi na ako nagabalang maghugas ng kamay kanina at itinali na agad ng puting panyo sa kamay na ngayon ay nakikipagagawan ang kulay pula. Natuyo na ang dugong umagos sa mga daliri at kuko. Mukang malalim ang nagawa kong mga hiwa. Dumako ang mata ko saaking bracelet na bigay ni Johann halos kalahati nito ay binalot ng dugo at natuyo na. Lilinisin ko na lang 'to mamaya.

Nakita kong lumabas na si Johann ng convinience store na may bitbit na dalawang supot.

Hindi ko napansin na hindi na pala ito nakauniform. Suot niya ay puting t-shirt, gray na short at puti ring rubber shoes. Nagpalit siguro kanina bago umalis sa school.

Nang maikabit nito ang seatbelt ay agad na pinaandar kung ang sasakyan.

Pinagmasdan ko lang ito habang nagdadrive. Nakakunot ang noo at bahagyang nakanguso ang labi. Nakita ko din ang maliit na hikaw nito kanang tenga. Hindi ko alam na may hikaw na siya.

"Damn, I can't concentrate here thinking that you're really with me and it's more difficult when I can feel the stares.." He's amused.

Bigla akong nahiya at saka ibinaling sa tabing bintana ang paningin. Sobrang tagal ko na ba siyang natitigan?

Inihinto niya ang sasakyan sa isang park at lumabas na. Tinatanggal ko palang ang seatbelt ay narinig ko na ang pagbukas ng pintuan saakin tabi. Halos mapigtas ang hininga ko ng ito ang nagtanggal ng seatbelt ko mula sa kinauupuan, ay amoy na amoy ko ang bango nito na halos ikawala ko ng ulirat. Nakakaadik ang bango! Parang may kung anong masamang espiritu saakin ang naguudyok na idikit sa leeg niya ang ilong ko at singhutin.

Nabalik ako sa sarili ng nawala na ito saakin paningin at hinihintay ako na lumabas. Mabilis akong bumaba ng sasakyan at nilibot ang paningin. Hindi ako pamilyar kung nasaan kami o saan 'tong park na tanaw ang isang lake.

Lumakad ako at bahagyang tinignan ang lake. Nakakita ang ng ilang bibe na lumalangoy at ang iba ay binibigyan ng pagkain ng mga namasyal din.

Napalingon ako sa tawag ni Johann nakaupo na sa isa sa mga sementong upuan at inimuwestra na lumapit ako at maupo sa tabi.

Tahimik ako at umupo habang nasa pagitan namin ang mga pinamili niya.

"Hold this.." sabi nito at inabot saakin ang isang maliit na gallon ng ice crem pati isang plastic spoon. Hindi ko alam na bumili siya nito hindi ko naman pinagtuunan ng pansin ang binili niya kanina.

Nakita kong inilabas nito ang alcohol, betadine, cotton at gauze. Sandali ako nitong pinagmasdan habang tahimik kong pinapanuod ang ginagawa niya. Umalis ito at pumunta sa sasakyan.

Mercy please, save meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon