Chapter 44

60 2 0
                                    

"Ma'am Sweet.."

Unti-unti akong lumingon sa aking pintuan mula sa pagkakatayo sa terrace saaking kwarto. Pagkatapos ng katok ay bumukas ito at pumasok ang isang kasambahay at may nilapag na isang box na kulay puti saaking kama.

"Mamayang alasingko raw po ang alis ninyo sabi ni Ma'am Sheryl." nakayuko niyang sabi at iniwan na ako sa kwarto.

Hindi na ako nagabalang buksan iyon dahil alam ko naman ang laman noon, damit na susuotin mamaya.

Wala akong narinig na sermon sa ama o kay Sheryl nang nakabalik ako ng bahay. Matapos akong ihatid ni Hanzel kaninang na pinayagan pala mismo na aking ama ay dumiretso lang ako sa kwarto at nagpatay ng oras.

Tinignan ko ang aking kamay at ang hawak kong mahigpit. Nagpapasalamat ako at hindi ito nawala o walang nakakita ng dalhin ako sa hospital. Ang sombre na tingin ko'y imbitasyon sa aking Ama. Bilang na lang ang araw bago ang petsa na nakasaad sa papel malakas ang pakiramdam ko ay ito ang event na gaganapin na sinabi ni Hanzel.

Gusto kong mawalan na nang pagasa para sa sarili ngunit may maliit na boses saakin na nagsasabing wag isuko ang laban.. kahit sa huling sandali. Pero sino? Kanino? Wala akong matatakbuhan na ngayon at mahihingan ng tulong, naguguluhan ako. Ayaw kong umasa kay Hanzel dahil alam kong may kapalit ang plano niya. I don't want to be own by him. No one will own me.

I pretended to be a deaf and mute inside the car or they just pretended that I wasn't there. Madaldal si Sheryl sa kanyang cellphone samantalang ang ilang bodyguards sa loob ay nagkukwentuhan. Umaalingawngaw pa ang musika nito na nagpapaindak pa saaming driver. Malayong malayo sa nararamdaman ko.

'I remember your eyes so bright. When I first met you so inlove that night..'

Tumingin na lamang ako sa bintana at pinanuod ang binabaybay na daan. Ilang minuto pa ay magsisimula na makipagagawan ang gabi sa hapon. May naramdaman akong kirot sa puso ko habang pinapanuod ang kalangitan. Yung lawa, panggagamot at ang ice cream.

'But now I'm kissing your tears, goodnight. And I can't take it you're even beautiful when you cry.. Beautiful goodbye..'

You said you hate it when you didn't see me shed some tears in some situation you expected me to.. Kung malalaman mo bang iniyakan kita sa hindi mo pagsipot matutuwa ka? Napangiti ako sa na isip. You should be, Johann. The audacity.. You know how broke I am and you still chose to break me even more.

We were automatic guarded by our four body guards, me and Sheryl beside me. Some of the bodyguards of the hotel also accompanied us until we left the elevator.

Akala ko'y didiretso kami sa isang social hall pero nagkamali ako ng huminto kami ni Sheryl sa isang malaking pinto.

"Dine with Antonio, first. We'll get you after an hour."

Nagtayuan ang balahibo ko at napatingin kay Sheryl. I don't want to meet him! Kahit sino! Wag lang siya I don't like to be in a place with him!

"Wag kang magreklamo. Kung hindi ka tumakas nang nakaraan edi sana iba na ang makakasama mo ngayon." istrikatang sabi nito at napakuyom na lang ako ng kamao.

Pinagbuksan ako ng pintuan at pumasok na ako. Nakita kong may halos pitong lamesa at pangdalawahan hangang pangapatan ang upuan sa ilan. Mayroong buffet sa gilid kung saan mahaharap o mapapanuod mo ang buong city at ang bay na katabi nito.

Inikot ko ang paningin at iisa lang ang lamesang may lamang tubig at juice na ang baso kaya sa tingin ko'y doon kami pipwesto. Naupo na ako at sa kaliwa ko'y ang buong syudad nasa likuran ko ang buffet.

Sumimsim muna ako ng tubig at naghintay. Walang tao sa loob maliban saakin. Hindi rin pumasok ang bodyguards ko. Habang busy ako sa pagtitingin sa kisame at naghahanap ng CCTV na may ilan naman akong nakita ay nakadinig ako ng tikhim.

Mercy please, save meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon