Chapter 3

218 5 0
                                    

Pagkatapos nangyare kanina ay lumabas lang ako ng tahimik sa opisina ni Faith. Hindi ko alam kung bakit basta ang pakiramdam ko'y kelangan kong lumabas doon.

Wala akong ibang naramdaman kundi kahihiyan sa sarili. Sa trenta minutos na dumaan ay pagkarami-rami ng nangyare. Wag na lang kaya pumasok ng maaga simula bukas?

Walang imik akong naglalakad papunta sa class room. Walang pakialam sa mga nakakasalubong ko o nadadaanan ko. Para namang may papansin din saakin.

Alam naman ng lahat na si Faith lang ang malapit saakin sa school. Kakausapin nila ako kung may kailangan sila at ganoon din naman ako sakanila. Nangungulit lang naman ako sataong malapit saakin. Ewan ko ba mas okay kasi saakin na kokonti lang ang kaybigan basta totoo wala na akong reklamo o hahanapin pa. Pasalamat na nga ako at naging kaybigan ko pa si Faith at ang kapatid nitong si Ruru. Kund hindi kasi pinilit ni Faith na mapalapit saakin siguro ay wala akong matatawag na kaybigan ngayon.

Naalala ko pa noong tinanong ko siya kung bakit siya nakipaglapit at nakikipagkaybigan. Ang sabi niya lang habang nakatingin ng seryoso ay "because you look like a lost puppy looking for her shelter" na siyang nagpatunganga saakin at siyang malakas na pagtawa nito at doon nagsimula ang pangbwibwisit namin sa isa't-isa.

Pagkarating ko sa classroom ay agad akong naupo. Napabuntong hininga na lang ako at sumandal sa kinauupuan ko. Hindi ko pa din alam kung ano ang irereact ko nangyare. Monday ng umaga ay napakadaming ng nangyare. Diretso akong yumuko hangang sa mauntog ako sariling lamesa ng upuan ko. Hindi ko maiwasang mapasinghap dahil malakas ang pagkakauntog ko sa mesa.

Tama lang yan sweet, baka sakaling makalimutan mo ang mga nangyare kanina.

"Boo!" napasigaw ako at napatayo dahil sa may kung anong bumulong sa may bandang leeg ko. Neck is my sensitive part. Napahawak ako sa leeg

ko kung saan ko naramdaman ang mainit na hininga ng hampas lupang nantrip saakin. Lumingon ako sa tabi ko at nakita ko si Ruru na ang lawak ng ngiti saakin.

"Hello baby-"

"Bwisit ka! Wala ka na talagang matinong nagawa saakin! Hindi ba sabi ko sayo 'Ate' ang itawag mo sakin!",sunod sunod kong litanya at hampas sa kanya mula sa braso at ulo o kung saan ma matamaan ko ito. Nakaekis ang braso sa muka na pinoprotektahan nito.

"Oh no! no! no! Not the face baby! Stop! Stop! Okay, Im sorry!" sabay hawak sa dalawang kamay ko na para mapigil ang pag hampas ko sakanya.

Agad na napadako ang mata ko sa mga kaklase ko na halos na kanganga na nakatingin saamin, gulat na gulat ang ekspresyon ng mga ito.

Isa na doon ang grupo ni Shiela na binabansagan ng mga estudyante na Queen Bee pero sabi ni Faith mas bagay ang Queen Bitch. Lahat nang atensyon kasi mapababae man o mapalalaki ay nakukuha nito. Kayang kaya iplease ang lahat ng tao dahil sa amo ng muka mayroon ito at mala-Maria Clara na paggalaw daw nito. Pakiramdam din nito ay pag mamayari niya lahat ng lalaki sa school.

Doon pa lamang ako nahimasmasan tahimik akong naupo at kinuha ang mga kamay ko na hawak pa din ni Ruru. Hindi ko masisi sila kung ganyan ang reaksyon dahil hindi naman ako palaimik, palasigaw at mapanakit, ugali ko siguro pero hindi sa harap nila o dahil isa sa mga Campus Heartrob 'daw' ang sinasaktan ko ngayon.

Agad naman naayos ang muka ni Sheila ng makitang nakatingin pa rin ako sakanya ngumiti ito at lumapit saamin.

"Hey, Ru! How are you? And what brought you here?" ngiti nito at mukang giliw na giliw ito saaking katabi.

Ang bilis talaga magpalit ng muka nito, kanina lang eh sobra ang pagkadisguto ang makikita sa muka tapos ngayon ay napakagandang ngiti o nagpapacute lang sa katabi ko?

Mercy please, save meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon