"Shhh.."
Humigpit ang hawak ko sa mga kamay na nakatakip sa muka at mga mata ko habang naghihirapan akong huminga sa takot.
Tinanggal ang takip sa mata ko. Masikip ang buong cubicle para sa dalawang tao kaya heto't nagsisikan kaming dalaw sa loob at ako na nakasandal kung sino man itong may hawak saakin!
"Relax, breathe in.. Breath out.."
Bulong nito saakin at dahan-dahan inalis ang takip sa bibig ko kaya mabilis akong humarap para makita kung sino itong kasama ko.
A tall man with read hair who wears waiter's uniform with plain black mask like the others. Who is he? Ano bang kalokohan ni Gregory?
Ngumiti ito saakin at inilagay ang hintuturo sa labi nito na sinasabing huwag ako maingay.
"Hi, baby.." mahinang-mahina na sabi nito na siyang nagpalaki ng mga mata ko at siyang magpasinghap saakin!
"J-jo.." hindi ko na natapos ang sinabi ko dahil nakita ko na lang ang sarili kong lumapit dito at yumakap.
Naramdaman kong nagulat ito saaking ginawa saka gumapang isang kamay saaking bewang at ang isang kamay naman ay humaplos sa hubad kong likuran.
Hindi ko alam na mas titimbang ang sakit kaysa kasiyahan ng kasama na ang binata kaya humigpit lalo ang yakap ko rito at mas siniksik ang muka sa leeg nito.
"Did you miss me that much.." dinig kong bulong nito kaya doon ako naliwanagan at mabilis kumalas rito.
Bago pa ako makalayo ay siya namang higpit ng yakap ni Johann saakin at naramdaman ko pa ang halik nito saaking noo. Once again, my heart started to beat fast.
"Hmm.. I hope you always miss me this much. I like the sudden hug.." bulong nito saakin. Kung kanina'y ako ang may mahigpit na yakap. Ngayon ay nagkabaliktad na dahil siya na ang may mahigpit na yakap at nakasiksik ang muka saking leeg hindi alintana ang suot na maskara nito.
Gustong-gusto ko magpadala at kahit masakip ang lugar para saaming dalawa ay gustong hilingin na manatili na lang rito ngunit hindi pwede. Kaya inabot ko ang mga kamay nitong nakahawak saaking bewang at tinanggal kahit mahirap ay lumayo ako para maalis ang muka niyang nasa leeg ko.
"What are you doing here?" bulong kong tanong at tinitigan siyang marahan.
"Why suddenly cold?" bulong nito pabalik at nakita ko ang pagnguso nito.
"I'm asking you why are you here? Wearing that? I saw Gregory too.."
Pinagapang nito ang kamay saaking batok at bahagyang yumuko si Johann para magpantay ang aming muka."You know I'll always find a way to you, Miracle.."
Hindi ako nakaimik at inalis ang pagkakatitig sa mga mata ni Johann nalulunod ako sa tingin nitong seryoso at nakikita ang tinatagong rahas.
"And we're not yet done talking.."
Umirap ako at inalis ang kamay niyang nakahawak saakin.
"What for? I said it's true. Look at me now. Ilang minuto pa ay may bagong lalake nanaman akong lilibangin-"
"No.. I know it's againts on your will. And I'm right-"
"You wouldn't understand.." inis kong putol dito at nagpipigil lang magtaas ng boses dahil baka may pumasok at makarinig saamin kaya maliit na lang ang distansya ng mga muka namin dahil sa pagbubulungan.
"And you shouldn't be here. Go back to your girlfriend now, Johann." hindi ko na matago ang pakla ng nararamdaman at tinignan na ng masama ito. Nakita kong kumunot ang mga kilay nito sa likod ng maskara at naguguluhang tumingin saakin.
BINABASA MO ANG
Mercy please, save me
Aktuelle LiteraturHer name is Sweet Miracle. The girl who looks like a doll, a living mannequin indeed. Some people wants her. It's either to hurt or own her. But she's not a doll that you can toss anywhere. She's not a doll for you to take, put in a box and brag to...