"Mom, when will you go home? I miss you.."
Nakaupo at dahan-dahan inunat ang mga tuhod. Nasa madalas kong tambayan sa mini forest ng school namin ngayon, imbes na kumain para sa break ay tumambay muna ako dito at hinintay ang tawag ni mommy.
It's been 3 days. Gregory and his words keeps me awake at night. He gave me anxieties to the point I need to take some pills again to calm my nerves and have a proper sleep. I have so many things to deal with and adding new monster is not on my list.
"Darling, I'm sorry. I can't tell but I promise I'll be home before your sembreak." sabi nito.
Almost one month before sembreak and I need to wait more. At least she'll be home with me. I sighed.
"Okay, Mom. I'll will wait for you then.." halos walang buhay kong sagot sanay hindi napansin ni Mommy.
"Yes, you take care there. Gotta go now."
"Okay, Take care. I lov-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil naputol agad ang tawag. Napabuntong hininga ulit ako.
I decided to go back before Faith assume that I'll cut classes again.
On my way to canteen ay nakasalubong ko si Four. Nakajersey pa ito galing practice siguro para darating na intrams.
"Where to go, mannequin?" sabi ni Four habang nagpupunas ng pawis.
Kumunot ang aking noo. What's with people and keep giving me names.
Hindi ko na lang pinansin ang patutsada nito at sinagot,"Canteen."
Sumabay ito sa lakad ko habang panay bati pabalik naman sa mga bumati at nagpapacute dito. Enjoy na enjoy ng mokong.
Nakarating naman agad kami sa canteen. Agad kong hinanap si Faith habang nagpaalam na si Four na bibili na ng tubig at mauuna. Hindi ko ito tinignan at tinanguan lang pero ang loko hindi natigil sa pangaasar dahil bago umalis ay idinikit sa pisngi ko ang towel na basang basa ng pawis. Halos habulin ko ito ng sipa na agad namang nailagan at tinakbuhan.
I walked to their table, Faith is starting to eat her food with Bernard and Ihshi. Bago pa ako tuluyan ng makalapit ay nakita ko ng naupo na rin sa pwesto nila ang kambal.
"Saan ka galing?" salubong agad saakin ni Faith habang nakataas ang isang kilay. Ang taray talaga nito.
"Tabi-tabi lang.." tipid kong sagot habang nakatitig sa pagkain nilang lahat sa table. Nakita ko naman si Jared na walang habas na kumakain sa pagkain ni Faith na walang malay dahil nasa akin ang atensyon.
"Tss.." dinig kong sinabi ni Johann.
Umupo ako sa kanang bahagi si Ihshi habang katapat namin si Bernard, kilig na kilig dahil katabi si Johann na nakikikain sa fries niya pero mukang hindi maganda ang mood dahil nakasimangot itong kumakain. Bakante ang dalawang upuan sa kaliwa ni Ihshi. Samantalang sa kanan naman nakaupo si Jared at Faith.
"Kumakain ka na?"
"Not yet. Nagugutom na nga, eh." sabi ko habang pinapanuod si Jared makikain kay Faith. Halos ngumuso ako dahil ako ang madalas makikain kay Faith ngayon siya na. Binatukan naman ito ni Faith ng halos wala na siyang matirang pagkain.
Nang makitang nakatitig ako sakanila ay inalok nito saakin ang chips na nasa lamesa at nang pumasok na sa loob ng plastic ang kamay ko ay siya naman bagsak ng kamay ni Johann na may hawak na chips.
Pinagtaasan ko ito ng kilay dahil naiipit na ang kamay ko at 'di ako makakuha ng pagkain. Tinitigan lang ako nito at mas sumimangot ng pinilit kong ilabas na ang kamay ko may mga nakuhang chips at diniretsong subo.
BINABASA MO ANG
Mercy please, save me
Fiksi UmumHer name is Sweet Miracle. The girl who looks like a doll, a living mannequin indeed. Some people wants her. It's either to hurt or own her. But she's not a doll that you can toss anywhere. She's not a doll for you to take, put in a box and brag to...