"Your father will arrive before dinner. Fabian and Eric still be in the campus and will take you home after. Susunduin namin ang daddy mo sa airport."
Tulala lang ako sa bintana at hindi man lang nagbigay ng reaksyon sa aking katabi na si Sheryl.
Half day nanaman ako ngayong araw dahil tanghali na ako nagising. Hindi ako halos pinatulog ng mga nalaman ko at kakaisip kung paano ako makakatakas sa sitwasyon kong ito.
Wala akong ibang maisip na plano kundi ang layasan ang sariling ama. Malayo sa salitang aruga at kupkop ang gagawin saakin ng ama.
Sana'y hindi na lang talaga siya bumalik para lang sirain lalo ang buhay ko. Simula nang mamatay si Ate Beatrice ay alam kong may nawala na saakin. Nang ginawa akong libangan ng mga kaklase ko ay alam kong may sinisira sila saakin. When I diagnosed with depression, insomia and suffered panic attacks. I was right that they did destroyed me. When Mom left me she take away a part of me. I'm starting to lose my friends now. At ang malamang ibebenta ako ng ama ay ang ikababaliw ko na ng tuluyan.
Ibinaba na ako sa ng entrance gate ng school namin at tahimik na pumasok. Mabilis naman nawala saaking tabi ang bodyguards. Didiretso na sana ako ng hindi ko lang nahagilap ang pamilyar na sasakyan.
Pinanuod ko itong nagmaniobra saka inihinto ang makina. Nakita kong mabilis na bumaba si Johann sa sasakyan. Nagdalawang isip pa ako kung ngingitian ko ito o tatawagin pero sa huli'y hindi ko nagawa dahil umikot ito at may pinagbuksan sa front seat. Bakit siya halfday at sino ang kasama niya?
Nakita kong bumaba roon ay walang iba kundi si Shiela.
Kita mo nga naman akala ko'y manhid na ako sa sakit na binato saakin ng buhay pero heto't parang may tumusok na kutsilyo sa dibdib ko.
Sinarado ni Johann ang sasakyan habang nakikinig sa sinasabing nakangiti na si Shiela. Alam kong nakita ako ni Shiela na pinapanuod sila dahil sumulyap ito saakin ng tumawa si Johann.
Wala pa akong dalawang lingong nawala, ah? Iba na sinundo mo. Ang tanong ikaw lang ba talaga, Sweet. Ikaw lang ba ang sinusundo? You're not even the only one he helped and saved.
I think all the butterfly in my stomach who keeps flying and playing everytime Johann was around are now just died. Sana ganoon din ang feelings mabilis mamatay.
Naglakad na ako at hindi na sila muling tinignan. Sakit sa mata, pati puso. Oo na. Nagseselos ako pero wala akong karapatan. Biruin mo 'tong buhay na 'to nagkandalechleche na nagawa pang umibig. Pero may magagawa ba ako? He's always with me especially with those tough times. Pero pucha naman, e. Kumakapit na lang ako sa kung saang bagay para manatiling matino tapos masasaktan pa ako ng lintik kong nararamdaman..
Nakarating ako sa classroom ng mabigat ang loob. Wala namang nakapansin niyon dahil una, master ko na ang pagpapangap. Pangalawa, wala namang may pakialam.
Nakita ko rin na nasa upuan na nila si Ihshi at Bernard. Si Ihshi ay nanlulumong umiwas ng tingin saakin habang si Bernard ang ngumiti lang ng bahagya. Iniwas ko lamang sila ng tinginin at naupo.
Hindi naman nagtagal ay pumasok na si Shiela kasama si Johann na agad ay sa akin ang tingin. Iniwas ko lang tingin at hinarap ang dictionary na nasa mesa. Inabala ang sarili maghanap ng mga salita. Mas dapat kong alalahanin ang kalagayan ko ngayon.
Nakakapagtaka rin dahil 'di ako ginulo ni Four ng nagdaang oras hangang sa magPe class na. Hindi ko alam kung iniiwasan ako o nararamdaman na wala ako sa mood.
Habang nagpapalit ng pe uniform ay narealized kong parang nagsimula ako sa simula. Walang kasama, walang kausap at magisa lang. Dapat siguro'y hindi ako pumasok ngunit hindi! Kailangan kong humingi ng tulong. Pero kanino? At sinong willing na tulungan ako?
BINABASA MO ANG
Mercy please, save me
Fiction généraleHer name is Sweet Miracle. The girl who looks like a doll, a living mannequin indeed. Some people wants her. It's either to hurt or own her. But she's not a doll that you can toss anywhere. She's not a doll for you to take, put in a box and brag to...
