"Ma'am, masakit pa rin po ba?"
Napalingon ako sa batang kasamabahay namin na si Anna habang inaayos ang dalang pagkain sa tabi ko sa kama.
Masakit ang alin? Ang paa kong nakabalot ng benda? Ang pagod na katawan ko na maghapong nakaupo naman sa wheelchair o ang puso kong sa unang araw pa lang ay sumusuko na? Saan ang masakit na tinutukoy niya?
"Sa totoo lang po ay mas gusto kong marinig na nakikipagsagutan kayo kay Ma'am Sheryl kaysa nandito lang sa kwarto at nakatulala sa terrace." nagaalangan pa itong ngumiti ito saakin habang nagsandok ng pagkain.
Nakaupo ako ngayon sa kama ang kalahati ng katawan ko ay nasa ilalim ng kumot. Si Anna ay nakaupo sa isang bangko sa kaliwa ko habang ang tray ng pagkain ay nakalapag rin sa kama ko.
Umaga na ako nagising matapos akong mahuli nila Sheryl siguro ay epekto ng gamot kaya mahaba ang naging tulog ko. Nagising na lamang ako sa kama, suot ang pambahay at may benda na ang paang napilayan.
Hindi rin nila ako hinayaang maglalakad kaya kahit nasa kwarto lang ay nakawheelchair ako at nagpapalipas sa terrace at tahimik lang na nakamasid doon.
Hindi ko alam kung ano na ang mangyayare saakin ngayon basta ang napapansin ko lang ay mas pinagsisilbihan ako ngayon na tipong kailangan pang subuan sa pagkain, alalayan sa cr at maya-maya ang pagtingin saaking kwarto siguro'y iniisip kung tatakas ba ulit ako. Hindi ko alam kung nalaman ba ni Daddy ang pagtakas ko pero simula ng magising ako ay hindi naman kami nagkausap maski ni Sheryl, mukang mas naging busy sila ngayon.
Inamba sa bibig ko ang kutsarang may lamang pagkain at tahimik ko naman iyong tinanggap saka muling tinapon ang paningin sa terrace. Malakas ang ulan mula kaninang umaga nakikita ko rin mula sa pwesto ang ilang kidlat na para bang galit na galit ang langit.
"Malapit na matapos ang kontrata namin pero 'di ko pa man lang kayo nakitang masaya ba, Miss Sweet.." nakanguso nitong bulong habang binabalatan ang saging.
"Kontrata?" mahinang tanong ko pero narinig naman ni Anna kaya mabilis naibigay nito saakin ang atensyon.
"Nakakontrata lang kami dito mga tatlong buwan lang po tapos babalik nanaman kami saaming employer para mailipat naman sa iba." kangiting sabi nito saakin at inabot saakin ang prutas.
"Bakit hindi kayo.. magtatagal?"
Nagkibit balikat ito bago sumagot."Sabi ni Ate Mae aalis na daw kayo ng bansa. Wala ng tatao rito."
Napakuyom ako ng kamay. Basta pagkatapos ako idispatya aalis na sila bansa? Ganoon na lang yun? Sa susunod na araw na ang petsang nakasaad sa address.
"Ma'am.." dinig kong mahinang bulong nito kaya tinignan ko ito hinihimay nito ang ulam.
"Magiingat po kayo palagi.."
Simple lang at kung tutuusin ay dapat wala namang laman yun dahil hindi ko naman lubos na kilala ang kasambahay at ngayon lang kami matagal na nagkausap. Sa pagkarinig ko ng salita niya ay nay kung ano saakin ang parang nawasak.
"Anna.."
Tumingin ito saakin at ilang segundo pa kami nagkatitigan bago ko tuluyang nasundan ang sasabihin.
"Maari ba akong manghingi ng pabor?"
Mabilis pa sa alaskwatrong tumango-tango ito saakin. Gumalaw ako at lumapit sa maliit na cabinet na nasaaking kanan saka kinuha ang kailangan.
Inabot ko kay Anna ang ilang nakatuping sulat. Naguguluhan itong tinitigan bago muling sumulyap saakin.
"Ilang araw mula sa pagkaalis niyo rito. Nais kong ipaabot itong mga sulat sakanila, sakanya. Kahit isang linggo ang palipasin mo. Iisang address lang nakalagay diyan, don ka lang pupunta. Magiingat ka rin." mahinang sabi ko rito.
Mabilis itinago sa ilalim ng apron ang mga sulat saka ibinalik ang tingin nito saakin.
"Wala po man akong alam pero nararamdaman kong nahihirapan kayo, Miss." bulong nito saakin bago iniamba ang kutsara muli pero tinanggihan ko na.
"Noong unang kita ko po sainyo.. Sobrang naamaze ako sa ganda niyo, Ma'am!" sabi nito saka nagpakawala ng bungisngis.
Tinitigan ko lamang ito. Naiingit. Mukang simple ang buhay ngunit masaya at kuntento. Yun din ang gusto ko pero hindi ko makukuha kahit kailan.
"May iba kayong lahi ano, Ma'am? Ang puti niyo tapos ang kinis! Para kayong manika kaso.."
"Kaso ano, Anna?"
"Walang buhay yung mga mata. Sobrang mangha ako sainyo pero noong natitigan ko ang mga mata niyo parang natahimik ako o biglang nalungkot-ay sorry, Miss." hinging paumanhin niya siguro akala'y naoffend ako.
Ngumiti ako ng maliit rito,"Hindi ikaw ang unang nagsabi niyan. Walang buhay ba ang ibig mong sabihin?"
"Hehe.. Parang ganoon nga, Ma'am. Parang ayaw masayadan ng ngiti. Okay lang ba kayo, Ma'am?"
Nalipat ang paningin ko sa nakabukas na terrace pinanuod ang malakas na buhos ng ulan at bumuntong hininga. Napapagod nang sumagot na okay lang pero komplikado naman kung sasabihin kong hindi.
"Kapag naiabot mo sakanya yan siguro.. Kahit papaano magiging okay ako." tinutukoy ang sulat.
"Wag kayo magaalala-"
Naputol ang pagsasalita ni Anna ng may kumatok sa pintuan ko.
"Anna? Kung tapos ka na pwede bang tulungan mo ako sa baba?" dinig namin ang boses ni Ate Mae, yung isa niyang kasama.
"Opo, Ate! Susunod po."
Tumingin saakin Anna at ngumiti saka tinaas ulit ang kutsara pero umiling na ako."Busog na ako."
Iniabot na lamang niya ang baso ng tubig at saka tumayo.
"Baba na po ako, Miss."
"Maraming salamat, Anna." sabi ko bago ito tumalikod na saakin.
Akala ko'y didiretso niya pero humarap ulit ito saakin.
"Miss, alam kong hindi kayo okay. Kung ano man pinagdadaanan niyo sana huwag niyo pong kalimutan ang nasa taas. Hindi po siya bulag at bingi, nakikita po niya ang paghihirap niyo. Kung pakiramdam niyo pong tinalikuran kayo ng lahat hindi po ang Diyos."
Saka na ito lumakad at lumabas na ng kwarto ko ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
Mercy please, save me
General FictionHer name is Sweet Miracle. The girl who looks like a doll, a living mannequin indeed. Some people wants her. It's either to hurt or own her. But she's not a doll that you can toss anywhere. She's not a doll for you to take, put in a box and brag to...