Chapter 23

66 2 0
                                    

"Hindi ka matatapos kung walang kang ibang gagawin kundi sumilip diyan."

Natigil ako kakatingkayad at napalingon sa nakapamaywang na si Tricia, kaybigan ni Shiela.

Isang beses pa ako napalingon mula sa may pintuan ng classroom saka pinagpatuloy ang pagpupunas ng lamesa.

Ngayong araw ang opening ng Foundation. Students of St. Mary and St. Domique gathered in gymansium for the opening ceremony. I promised Ihshi that I'll be there to watch her first walk even though my anxiety tell me not to.. Hindi rin nagawa dahil katulad ko at ni Tricia kami ang ilang hinabilinan na maiwan sa booth para maghanda at ayusin ang mga dapat pang ayusin.

Nakahalukipkip pa si Tricia na pinapanuod ako na magpunas. She's wearing ther server's uniform for girls. White dress na hangang kalahati lang ng hita, sumasabay sa bawat galaw ng nagsusuot ang pangbaba nito at hangang siko rin ang sleeve nito. Pinatungan pa ng pulang apron. May suot din na puting stockings, kitten heels na itim at ang pulang ribbon sa buhok. Samantalang ako ay casual lang na itim na t-shirt, jeggings at sneakers.

"Bilisan mo diyan at may mga gamit na ibabalik sa faculty." maawtoridad na utos nito na halos pantayan ang presidente ng klase namin.

Hindi ko na lang siya inimikan at binilisan na maglinis para makasunod sa gymnasium, pasado alasonse na rin siguro'y kanina pa nakarampa si Ihshi. Mamayang alauna ang simula nang laban ngbasketball sana doo'y makahabol ako. Malapit ko na matapos ang pagpupunas ng mga bilog na lamesa sa loob ng room, tapos ko na rin ang mga lamesa sa labas kung saan extension ng booth namin. May itinayong naglalakihang payong na apat at sa ilalim noon ay ilang lamesa na may dalawahang upuan o kaya'y tatluhan.

Nauna si Bernard doon dahil kako'y tutulungan sa pagaayos si Ihshi kaya pinauna ko na dahil tinawag ako ni Shiela kanina. Ihahabilin lang pala na manatili rito para tumulong sa ibang kaklase. Gustong-gusto ko magprotesta dahil hindi naman ako nakaschedule na magseserve para sa araw na 'to.

Magkakaroon ng palitan ang klase sa magseserved, magbebake at magfacilitate ng booth para lahat ay makapagenjoy at makaikot din sa ibang booth na hinanda ng ibang klase at year. Hindi ko talaga alam ba't ako pinaiwan dito ni Shiela. Imbes na magpakita ng inis ay pinagbigyan ko na lang at tahimik na nagtrabaho, mas tatagal pa kung aalma ako.

"C-cardenal.."

Hinarap ko ang kaklaseng payat at ang buhok ay tingin ko'y pinaglaanan talaga ng oras sa harap ng salamin para masuklay ng mabuti, maayos na kahit anong lakas ng hangin ay hindi magugulo.

Tinaas ko ang kilay saka nadapo sa yakap nitong karton na may mga lamang martilyo at kung ano-ano pa. Sa magkabilang kamay ay mga mga supot pang ilang kagamitan na sa tingin ko'y hiniram din sa faculty.

"T-they told me to t-take you w-with me-"

Hindi ko na pinatapos ang salitan nito at kinuha na ang karton, kita naman kasing hirap 'to sa pagsasalita dahil sa pagbalanse ng dala.

"I've been told.. Let's go." malamig kong tugon at tinalikuran na para makalabas na ng classroom. Kailangan ko ng madaliin ang gawain para makasunod na.

Nagkalabas na kami sa building ng senior high at binabaybay ang daan papuntang building kung saan naroon ang faculty na pupuntahan. Nagkalat ang estudyante ng St. Mary at ang mga booth nito. Makukulay at isama pa ang ingay na nanggagaling sa mga speaker na nakakalat sa buong campus na konektado sa gymnasium. Narinig kong nagsasalita na ang Tito ni Faith.

Halos madapa ako saaking paglalakad ng may dumaang dalawang estudyante sa harap ko, dumiretso sila sa kanan ko na may booth na nakatayo.

They're students from St. Dominique. Halos may pagkakaparehas sa uniform namin. White long sleeve, itim na palda sa babae at itim na slacks sa lalake. Ang pinagkaiba naman ay Chalecko ang suot sa ibabaw ng long sleeve at wala ng coat katulad saamin. Royal blue ang kulay at parehas na may necktie na kulay sky blue.

Mercy please, save meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon