Chapter 24

56 2 0
                                    

"She's having a panic attack."

Napahawak ako sa dingding habang isang kamay ko'y nasa ibabaw ng dibdib hinahabol at hininga.

Para akong nakuryente ng may humawak saaking braso. A tall and curvy woman in her coat and tie. Siya lang ata ang nagiisang babae na nakita kong nakasuot ng ganyan simula ng pumasok ako.

"Relax.. Inhale and exhale." mahinahong sabi nito saakin sakabila ng istriktang muka na hinarangan ng salamin.

Umiling ako sakanya habang hinahabol ang hininga at dumapo ang mata saaking ama. Nakakunot noo din itong pinapanuod ako mas nadagdagan ang lamig ng tinging binibigay saakin.

"M-mom.. Mom.. M-my.." Nasaan si Mommy!

Halos mabitawan ni Mommy ang hawak niya ng makita ako. Mabilis niyang inilapag sa lamesita ang dala saka mabilis na lumapit saakin.

Hindi ko na siya hinayaan pang makalapit dahil tinakbo ko na ang distansiya naming dalawa at niyakap agad ito. Nanginginig na kamay, malamig akong pinagpapawisan at isiniksik ang muka ko sa kanyang leeg.

"M-mom.. Mo-"

"Shhh.. Shh.. Relax, darling." sabi ni Mommy habang hinihimas ako sa likuran at sinasabayan akong huminga.

"Ate Salie!" Tawag ni Mommy at mabilis na lumapit ang matanda saakin.

"Ang gamot. Iaakyat niyo na siya sa taas." Iling ang naisagot ko sa narinig at humawak sa kamay ni mommy. Hirap pa rin magsalita dahil hindi maayos na paghinga.

"Hija, tara na.." saka ako inakay ni Aling Salie palayo sa sala at nabitawan ang kamay ni Mommy.

Kakaakyat palang namin ng hagdanan ay narinig ko na ang malamig at matigas na ingles ng aking ama.

"What happen to her face, Angela?" Nahinto ako sa pagakyat.

"It's none of your business, Matheo!" Hinila na ako ni Aling Sallie para wala ng madinig pero hindi nakaligtas saakin ang sagot ng ama.

"You failed taking care of my daughter.. As expected to you, dear wife."

Pinaupo ako saaking kama habang si Aling Salie ay pumunta saaking Cr at doon kinuha ang mga gamot kong nakatabi saka pinainom saakin.

Marahan nitong sinuksuklay ang aking buhok hangang sa umayos ang pakiramdam ko. Hindi umalis sa tabi ko at hinayaan ang katahimikan ang umokupa ng buo kong kwarto. Wala akong naririnig mula sa baba kung nagaaway na ba sila o umalis na siya.

Napakarami kong tanong sa isip at hindi ko alam kung saan magsisimula ng tumingin kay Aling Salie.

Malungkot itong nakatitig saakin nakitaan ko rin ng awa bago ngumiti pinaparamdam na wala aking dapat iproblema but seeing my Father infront of me is bad idea. Siya mismo ang problema.

"Kararating niya lang rito nauna lang si Angie ng bahagya. Ikaw agad ang hinanap."

"Bakit? Para saan pa?"

"Hija, ikaw pa rin ang anak niya. Ama mo pa rin siya."

Napahigpit ang hawak sa unang nasa kandungan ko na inilagay ko kanina habang naghahabol ng hininga.

"I'm good without him. Without a father. I didn't ask or wish for him to come back to our family."

"But he's back for you.." malumanay na sabi ni Aling Salie.

Nilingon ko ito habang nagpipigil ng luha at umiling.

"Ayaw ko po. I want to be with mommy kahit madalas siyang wala. Okay lang po. Maghihintay po ako."

Mercy please, save meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon