"One more shot, Sweet!" sigaw ni Faith.
Nasa ikalawang palapag na kami at nakaupo, nagpapahinga. Tanaw namin mula sa itaas ang nagsasayawang mga tao sa dance floor.
Iginaya kami rito nila Rica sa taas matapos ako maipakilala. Agad naman akong inakay si Bernard at nagpatianod na lang ako sakanya. Hindi na muling nilingon sila Johann. Alam kong nakita rin nila ang ginawa ni Rina kay Johann.
Umiling ako at sumandal sa kinauupuan. I should go home I don't feel right staying here after I met Rica and Rina.
"Bitch, there are so many pretty boy and a lil bit snob here. Don't think too much!" sagot ni Bernard at inabot saakin ang isang shot ng mojito.
"As if. I don't care about them." sabi ko at kinuha ang shot glass at ininom ng diretso ang alam.
It's true. I shouldn't think about him lalo na ngayon. It's been years since I left St. Dominique and I don't know if they really let me to have peace in this cozy couch. This feels like taking a nap on psychiatric ward.
Tinignan ko si Faith at may kausap ng ilang kababaihang halos kaedad lang namin. Si Bernard ay pilit na sinasayawan si Ihshi sa katapat kong couch na tumatawa lang hangang sa sinabayan na rin si Bernard.
I want to go home but I don't want to be rude. I can see that they're really enjoying. Hindi ko rin sila masisi masyadong nakakastress rin ang huling taon sa highschool isama pa ang iilang activities ang gaganapin at pinaghahandaan na.
Tumayo ako para bumaba at pumunta sa rest room. Nagkatinginan kami ni Ihshi kaya sumenyas lang ako na baba para magcr, tumango naman ito saakin.
Medyo tago ang restroom na itinuro saakin nang napagtanungan ko. Malinis at maaliwalas ang loob. Natapos agad ako at pumunta na sa lababo para maghugas ng kamay. Wala na akong benda sa kamay pero puno ng bandaid buti na lang at walang disensyo ang nabili ko kaya hindi halos pansin.
Inobserbahan ko ang sarili. Hindi naman nahulas ang nilagay na make up ni Faith kanina saakin sa sasakyan. Patuloy ko lang tinitignan ang sarili nang makita ko sa salamin si Rina at huminto sa likuran ko.
Inikot ko ang paningin at nakitang may isang babaeng nagaayos sa hindi kalayuan saakin at ang isa ay kalalabas lang ng cubicle at naghugas ng kamay.
"Hello, Sweet Miracle.." nakangiting sabi saakin ni Rina mula sa salamin.
Si Rina at Rica. Isa sa mga makapangyarihan sa school ng St. Dominique. Dala ng yaman at kilalang pamilya kaya malaki ang kapit sa school.
St. Dominique ay isa sa may pinakamalawak, pinakamalaki at may magagandang pasilidad sa eskwelahan. Mula sa mayayaman at kilalang pamilya ang mga estudyanteng nagaaral doon. Hindi rin nagpapahuli sa galing ng bawat estudyante. Lahat ay nangangarap makapasok doon at walang sinong magulang ang hindi gugustuhin mapagtapos ang anak sa paaralan na iyon.
Pumapangalawa lang ang St. Mary. Pero ang hindi alam ng lahat na sa likod ng maganda at matayog na pagkakakilanlan ng eskwelahan ay nakakubli kung gaano kadumi, kabasura at kabastos ang mga ugali ng mga estudyante rito.
Walang magsusumbong o gugustuhin magbunyag dahil sisiguraduhin ng makakabangga mo na wala ka ng mukang ihaharap sa lahat.
"We missed you. We were all shocked when one day you don't showed up.."
Tuluyan ko na itong hinarap. Of course, bakit gugustuhin ko pang magpakita at bumalik sa impyernong school na yon? At kita mo naman ang pagkakataon kaharap ko ang isa mga demonyo galing doon.
Narinig kong bumukas at nagsarado ang pintuan. Eleganteng naglakad papunta sa harap ko si Rica. Walang pinagbago mga mukang hindi pa rin makabasag pingan ang magpinsan.
BINABASA MO ANG
Mercy please, save me
General FictionHer name is Sweet Miracle. The girl who looks like a doll, a living mannequin indeed. Some people wants her. It's either to hurt or own her. But she's not a doll that you can toss anywhere. She's not a doll for you to take, put in a box and brag to...