"See you on the night, Miss Leveque. I'll surely wait for you."
Mas nabagabag ako sa bulong saakin ng isang kliyente ni Daddy ng nagbeso ito saakin bago umalis. I don't understand when is the night they're talking about. I need to collect more information before that day of auction.
Naisip ko ang opisina ni Daddy. Kailangan kong mapasok yun.
"Let her rest tomorrow, Sheryl. I know she's getting tired meeting our clients." dinig kong sabi ni Daddy sa katabi nitong si Sheryl.
Kaharap ko sila sa loob ng limousine pero ang mata ko'y nasa labas. Magaalasdose na ng gabi at pauwe na kami sa bahay.
Pagkatapos nang pagkikita namin ni Johann sa cr ay agad akong humarap sa kliyente ni Daddy. Ilang beses din ng lalake napuna ang kawalan ko ng atensyon dahil hindi ko maiwasang 'di iikot ang paningin.
Hindi ko na muling nakita si Johann at Gregory sa hall. Wala na akong nakitang nakahalfbun na buhok at kulay pula naman kay Johann. Bakit nga ba iyon nagpakulay?
"Okay, Mr. Leviste."
"I'll go to school tomorrow." walang emosyong kong sagot at hindi man lang sila tinignan. Nakapasok na kami sa loob ng village.
"No. You won't attend anymore." matigas na ingles ni Daddy na siyang nagpatingin saakin dito.
"I need to go back to school and I'm graduating student. I can't be forever like this..Meeting your clients?"
"Right, it won't last daughter, just wait. And when I say you won't go back. You'll not!" pinal na sabi nito at bumaba na ng sasakyan.
Halos madapa ako sa pagbaba ng sasakyan dahil hahabulin ang ama.
"Daddy, no! It's my educat-"
"Sweet Miracle.." pigil saakin ni Sheryl at hawak ako sa braso. Natigil ako sa harap ng pintuan.
Umiling ito saakin."Wag ka nang sumuway."
Hindi ako makapaniwalang tumingin dito at umiling."You really want to take everything away from me, huh?"
Tumingin lang ito saakin at tinitimbang ako. Mabilis kong hinila ang braso na hawak nito.
"Even my right to be educated? Anong klaseng tao kayo?"
Saka ito tinalikuran at mabilis na pumasok saka umakyat ng hagdan.
Binalibag ko ng malakas ang pintuan at tinanggal ko ang suot na heels habang naglalakad papuntang cr.
Pagkapasok ko sa loob ay hinubad ang lahat ng suot maliban sa panty at hinayaan na sa sahig. Binuksan ko ang shower at hinayaang bumagsak saaking katawan ang tubig.
Hinilamos ko ang muka para mawala ang mga kulay nito at ang mga halik na dumampi sa pisngi. Bumaba ang kamay saaking braso at bewang madiing nilinisan dahil nagbabakasali na mawala ang naramdamang mga kamay na humawak saaking bewang, balakang at likod.
Hindi ako nakuntento hangang sa hindi mamula ang aking balat saka lang tumigil. Nakita ko ang gunting na nasa tabi ng ilang gamit ko pang ligo. Kinuha ko iyon at mahigpit na hinawakan.
Unti-unti akong naupo. Ang tubig ay malayang bumabagsak saaking likod.
Unti-unti akong napahawak sa buhok at mahinang hinila. "Ayoko na.. Ayaw ko na rito.." habang nasa isang kamay ang gunting.
Kung totoo ang kabilang buhay sana'y mapunta na ako doon. Ayoko na sa buhay na ito. Kung totoo ang konsepto ng reinkarnasyon mangangako akong magpapakabuti sa muling pagkabuhay. Karma ko siguro ang muling mabuhay sa katawang ito at danasin lahat ng ito. Kung totoong naririnig ng diyos lahat ng palahaw at pagmamakaawa ko. Nasaan po ba ang awa ninyo?
BINABASA MO ANG
Mercy please, save me
Художественная прозаHer name is Sweet Miracle. The girl who looks like a doll, a living mannequin indeed. Some people wants her. It's either to hurt or own her. But she's not a doll that you can toss anywhere. She's not a doll for you to take, put in a box and brag to...