"Aling Salie, pwede ko po bang mahiram ang cellphone mo?"
Tanong ko isang umaga kay Aling Salie ng pumasok ito sa kwarto para gisingin ako. Naabutan niya lamang akong nakahiga at gising, hindi ako nakatulog ng gabing iyon.
"Hija, wala akong cellphone."
Napabangon ako sa narinig."Paano pong wala? Nawala po?"
Bumuntong hininga lamang ito at tumitig saakin."Kinuha nila ang cellphone ko ng sinabi kong sasama ako rito at para mabantayan ka."
"Bakit po? Paano niyo matatawagan o makakamusta pamilya ninyo?" alala kong tanong.
Isang lingo na akong hindi nakakapasok sa school. Gustuhin ko man pumasok ay hindi magawa. Ang sabi saakin ni Sheryl ng minsan nagtanong ako at nagpumilit na pumasok ay naexcuse na raw ako sa eskwelahan. Pero hangang kailan? Hangang kailan kaming ganito?
Sa loob ng isang lingo ay walang araw na hindi kami umalis nila Daddy. Kabi-kabila ang party na pinupuntahan namin gabi-gabi at ang iba ay kapag inimbitahan ng mga kakilala para tanghalin o merienda.
"Tumawag ako bago ko naibigay ang cellphone ko sakanila, hija."
"Pero hindi po pwede. Hangang kailan po tayong ganito? Magaalala po ang pamilya ninyo dahil hindi po kayo nagpaparamdam."
Malungkot lamang na ngumiti ang matanda bago nagpaalam na aalis na.
Wala akong ibang inisip buong umaga hangang sa magasikaso at pumunta sa isang naimbita kay Daddy maglaro ng polo.
Kailangan ni Aling Salie makaalis, kahit siya lang muna. Hindi siya pwedeng malayo ng matagal para saakin may sarili siyang pamilya. Hindi pwedeng kasama ko siyang matatrap dito.
Masyadong okupado ang isip na hindi ko halos madinig ang tawag saakin ng kasama ko sa lamesa.
Kaharap ko ngayon ang isang binata na sa tingin ko'y matanda ng ilang taon saakin. May mga pagkain sa harap pero hindi ko magawang galawin sa kaiisip. Mula sa pwesto namin ay nakita ko sila Daddy at ang ama ng kaharap ko na naglalaro ng polo.
"You're too occupied, Miss." sabi nito saka inabot ang baso na may lamang tubig.
"I'm sorry.." mahina kong sagot.
"Another puppet aren't we?"
Pinanuod ko lang kung paano ito ngumiti ng paunti-unti saakin.
"Masanay ka na. Powerful people always have their puppets and being their child won't make you an exception."
Bagot ko lang ito tinignan. Alam ko at wala naman bago saakin don. People always claim that I'm belong to them. Kaya hindi na ako nagulat sa ama ko. Baka pumuti ang uwak kung mangyare yon.
"Tell me, Miss. Do you have any idea why are you here? This isn't just an invitation for lunch. They haven't eaten when you guys arrived."
"What do you mean?" hindi ko mapigilang tanong.
"Hmmm.. Let's say my father wants to have a deal with Mr. Leveque. It's not just Leveque. He's Matheo Leveque, your father. A powerful man and also, I don't want to offend you, huh.. He's a bad bad powelful man."
"And?" As if I don't know that.
"He wants something on our family and my father wants to deal with him so it's a win win situation for the both of us."
"At ano namang kinalaman ko dun?"
"And you is another exciting thing!" excited na sabi nito saakin na sinuklian ko ng masamang tingin.
BINABASA MO ANG
Mercy please, save me
General FictionHer name is Sweet Miracle. The girl who looks like a doll, a living mannequin indeed. Some people wants her. It's either to hurt or own her. But she's not a doll that you can toss anywhere. She's not a doll for you to take, put in a box and brag to...