"Kuya Onyok, diretso tayo super market. Wala ng grocery sa bahay kasi kay Ruru ko inutos ito hindi naman nagawa." sabi ni Faith pag pasok namin agad ng sasakyan.Kung titignan ay mukang inaalila ni Faith ang kanyang kapatid. Sa kapatid kasi inutos ang ilang gawaing bahay para raw maging responsable ito at hindi lang inaasa sa mga katulong nila sa bahay.
Pagkalabas namin ng building ay dumiretso na kami sa parking lot at doon naghihintay sa susundo saamin ni Faith. Magkaiba ang sasakyan na susundo sa dalawa dahil sa request na din ni Ruru dahilan nito ay makakabawas ng kapogian niya kapag may mga kasabay siya sa sasakyan maliban sa driver. Sumangayon naman dito si Faith dahil malaking tulong daw iyon para mapaghiwalay kami at walang magulo sa paligid kapag sumasabay ako sakanila pauwe.
Ayaw ako bilhan ni mommy ng sariling sasakyan kahit kaya naman dahilan ay hindi raw siya mapalagay. Isang doctor si mommy sa kilalang Ospital dito sa City, pagumaga ang pasok ay naihahatid niya ako sa school at pagpauwe naman ay sumasabay ako sa sundo ni Faith at naihahatid ako sa bahay.
Kapag night shift naman si Mommy ay commute ako kahit ipinipilit ni Faith na sunduin ako ayoko lang dahil pakiramdam ko ay sobra na yung naitulong nila lalo na kapag kasama si mommy sa mga medical mission na pumunta sa mga liblib na lugar dito sa Pilipinas o kahit sa ibang bansa
para manggamot sa mga lugar na malayo sa sibilisasyon. Katulad na lang ngayon kaya mag stay muna ako ng ilang araw kala Faith. May mga gamit naman na ako doon dahil sakanila talaga ako ngstay kapag mga ganitong araw kaya wala naman poblema.Mabilis kaming nakapamili at nakauwe sa bahay nila na dapat ang tawag dito ay Mansyon.
Maganda ang 'bahay' nila sa unang tingin ay alam mong isinisigaw na ng bahay na may mga sinabi sa buhay ang mga nakatira dito. Tama ang laging sinasabi ni Faith maganda man o malaki ang bahay nila lagi namang may kulang. Lagi wala ang mga magulang nila nasa kung saang lupalop ng Pilipinas minsan naman labas ng bansa.
Pagkapasok namin ng 'bahay' ay dumiretso na ako sa kusina para makapaghanda na ng hapunan alasyete na din ng gabi. Marami silang katulong kung tutuusin pero pag andito kaming tatlo ay hindi na masyadong kumikilos ang katulong dahil nandito naman kami. May mga bagay na sila gumagawa katulad ng laba, plantsa at lampaso na ng buong bahay o kaya'y pag masyado ng busy ang magkapatid ay sila na ang naghahanda.
"Wala pa din si Ruru, Manang?" sigaw naman ni Faith pagpasok nito nauna kasi ako dito pumasok.
"Wala pa, hija." rinig kong sagot ng mayordoma nila.
Ako naman ay naghagilap na ng apron at inilabas na ang mga gagamitin ko sa pagluluto ng carbonara. Kilala na din ako dito ng mga katulong at guard sa ng 'bahay' nila. Sanay na tahimik at nagiging magulo pag kasama na ang magkapatid.
"Saan nanaman ba nagsusuot yun? Hindi niya pa nalinis itong sala."
"Hayaan mo na kasi kami hija dyan, mga libro lang yan ang ibang mga kalat sa ginawa atang project ng kapatid mo. Edi sana kaninang umaga pa namin naalis at nalinis iyan."
"Alam mo naman manang kung ano ang gusto kong matutunan ng kapatid ko." sabi ni Faith at tuluyan ng pumasok sa kusina kasunod ang matanda.
"Baka naman hija mawalan kami ng trabaho niyan." biro ng matanda. Napangiti ako dito dahil sa sinabi nito.
Inakbayan ito ni Faith at nagkatinginan kami alam naming parehas na nagpapalambing lang ang matanda.
"Manang naman hindi naman po ganoon. Alam mo namang tayo tayo talaga ang magkakasama dito payag ba kaming mawala kayo bigla?"
"Kita mo nga oh, si Sweet na ang nagluluto-"
"Oo nga,Faith. Manang, oh ikaw na dito." agad kong binitiwan ang hinihiwa kong mushrooms. Agad naman akong sinamaan ng tingin ni Faith.
![](https://img.wattpad.com/cover/76455345-288-k661330.jpg)
BINABASA MO ANG
Mercy please, save me
General FictionHer name is Sweet Miracle. The girl who looks like a doll, a living mannequin indeed. Some people wants her. It's either to hurt or own her. But she's not a doll that you can toss anywhere. She's not a doll for you to take, put in a box and brag to...