Chapter 50

153 4 0
                                    

"Wake up.. Hey."

Mabigat pa ang aking ulo kaya hindi ko pa maidilat ang mata. Pinaling paling ko sa magkabilang gilid ang aking ulo para mawala ang bigat na nararamdaman.

"Hey, wake up!" at naramdaman ko ang bahagyang pagtampal saaking magkabilang pisnge. Doon ko palang nagawang idilat ang aking mga mata.

Malabo ang paningin ko kaya ilang beses pa ako nagpapikit pikit bago nalinawan.

Isang matangkad at nakaitim na gown ang babaeng nakatayo sa harapan ko.

"Finally! Hi, remember me?"

Nagpaisip pa ako bahagya habang tinititigan ang nakangiting babae sa harap ko. "Ikaw yung sa restroom.." sabi ko habang umayos ng upo mula sa pagkakahiga sa sofa.

Doon ko lang napagmasdan na nasa isang malaki kaming kwarto at hindi lang ako ang taon naroon. Nasa pitong babae kami at nakasuot rin ng magarbong gown tulad namin ng babaeng nasa harap ko. Tahimik lang ang ibang nakaupo at may ilang nagkwekwentuhan.

"It's not nice to see you, you know!" sabi ng babaeng nasa harap ko na ngayong padabog na naupo sa tabi ko.

Napalingon ako rito nagtataka."Why?"

Humarap ito at inirapan ako saka bahagyang napanguso."I'm expecting that I will not see you here. Because I thought someone's gonna save you. The one you were with in the cr!"

Napabuntong hininga ako at napayuko. Nakita ko ang bracelet na suot na siyang bigay ni Johann at pinadaanan ko ito ng haplos.

"I was rooting for you.." mahinang sabi ng katabi ko kaya malungkot na nangiti ako rito. Dahil akala ko rin hindi ako makakarating sa araw na ito.

"Tama nga ako makakasama nga kita rito." sabi ko sakanya at hindi na nahiyang ilahad ang kamay.

"I'm Sweet Mi-"

"Yeah, the Sweet Miracle Leveque." natatawang sabi nito at inabot ang kamay ko para makipagshake hands.

"You know me?"

"Who won't? You we're the last in this list and I'm the second to the last. Everyone is anticipating you and that necklace."

"You seem to know everything. What's your name? You expected all of these?" takang tanong ko.

"Hmm. This might be the last time I'll say my name so I'm Anie Lia or you can call me Alia. Let's say I was trained to be here. To be worthy enough to have a big value of money." natatawang sabi nito pero halatang napipilitan naman. "Dapat last year pa ako rito pero nakatakas ako kaso nahuli rin. I think I can't runaway my fate." she said then chuckled and looked at me.

Nang magtama ang mata namin ay nawala ang ngiti sa kanyang labi at napalitan ng lungkot katulad ng nasa muka ko.

At walang imik na lumapit saakin at yumakap."I'm not clingy but I don't know. I just want a hug." bulong nito saakin at walang salitang yumakap pabalik. As if our hugs can make everything better.

Isa-isang sinusundo ang mga babaeng kasama namin sa kwarto. Habang kami naman ni Alia ay tahimik lang at magkahawak ng kamay. Hinihintay ang tamang oras para kunin ang isa saamin.

Hindi nga nagtagal at may pumasok na dalawang lalaking nakasuit at may suot na itim na maskara saka lumapit kay Alia. Wala kaming imik parehas ng nagbitaw kami ng kamay basta pinanuod ko lang itong ngumiti saakin saka lumabas ng kwarto. Ako ang naiwang magisa rito.

Nasa tatlongpong minuto rin ang hinintay ko bago may pumasok na dalawang lalaki at lumapit saakin. Hindi na ako umimik at tumayo na. Agad naman silang tumabi sa magkabilang gilid ko ng lumabas kami ng kwarto at binaybay ang hallway.

Mercy please, save meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon