Chapter 20

77 3 0
                                    

"You look more more better than the last time that we saw you!" sabi ni Bernard ng pababa ako ng hagdan. Kinatok ako ng isa sa mga kasambahay nila Faith dahil dumating na ang magkapatid galing sa eskwelahan at kasama pala ang ilang kaybigan.

Sabay na humalik saaking pisnge si Bernard at Ihshi nang nakababa na ako ng hagdan.

"Maraming pagkain ritong masasarap." nakangiting sabi ko.

"Akala mo talaga 'di siya napapakain sakanila." natatawang sabi ni Faith at may inabot saakin. Nang buksan ko ang palad ay ang mga tsokolate na galing sa kaybigan naming si Manang sa canteen. Masaya ko 'tong kinain habang naupo sa isa sa mga sofa sa sala.

"How are you feeling now, Sweet?" nakangiting sabi saakin ni Ihshi.

Kita pa saaking balat ang halos nagbeberde pang mga pasa dala ng sipa, mas malala sa aking tadyang pero hindi ko na sakanila sinabi tanging ako, si Johann at ang doctor lang ang may alam dahil isinailalim ako sa x-ray. Nagtamo rin ako ng ilang pasa sa muka sa gilid na pumutok na labi. Tinahi rin ang kaliwa kong kilay at may pasa sa ilalim ng mata,mayroon din akong gasgas sa kanang pisnge na nagsimula ng matuyo.

Mabuti na ang at walang ibang malalang nangyare saaking ulo dahil sinugurado talaga ni Johann na nacheck ako kaya pinaCT scan rin ako. Siya lahat gumastos at nagasikaso, wala akong imik ng gabing iyon. Imbes na pumunta sa hospital na unang madadaanan ay dumiretso kami sa family doctor nila at clinic sa mismong bahay nito. Nagulat ako sa kumpletong pasilidad meron ang doctor, hindi na ako nagusisa pa hangang naiuwe na ako kala Faith ng gabing iyon.

Gusto kong itanong kung kamusta na sila o siya, pero nauunahan ako ng hiya. Pepwede pang itanong kamusta sila pero kung siya ay hindi ko masasagot ang usisa nila kung bakit ako nagtatanong. Hindi ko rin siya kinausap ng gabing iyon. At hindi rin naman siya nagparamdam ng mga sumunod na araw.

"Miss ka na pala ni Del Ferrer!" sabay hagikgik ni Ihshi. Isang ligo na rin kasing 'di pumapasok sa klase. Friday ngayon at naisipan siguro ng mga 'to na dito muna maglagi.

"Bitch, hindi lang si Del Ferrer!" natatawang sabi ni Bernard ng makalabas galing kusina at may iniinom ng juice.

"Sino si Shiela?" natatawa kong sagot. Masisiyahan siguro yun kung makikitang ganito ang ayos ko.

"Si-Speaking of!"

"Hello, guys! And Hello, world-"

Mabilis akong napalingon kay Jared na nakatayo sa nakabukas na double doors. May bitbit itong box na tingin ko'y cake.

"Hoy, Harrison. Anong masamang hangin ang nasinghot mo at napadpad ka rito sa pamamahay ko?" masungit na sabi ni Faith sa nagsalita. Nakapagpalit na ito ng damit at may suot ng robe pantulog.

"Babe, gusto mo mang marinig na dinadalaw kita pero hindi, si Sweet talaga ang dahilan kung bakit kami narito."

Halos magkandahaba ang leeg ko at tumayo na sa kinauupuan dahil hindi mahanap ng mata ko ang ilang araw ng hindi nakikita o nakakausap man lang.

"Pero mukang hindi naman ako ang inaasahan niyang dadalaw rito.." mabilis naman akong napaayos ng upo. Sabik na sabik lang Sweet!?

"Kaya ikaw na ang dinadalaw ko-"

"Shut up! Go home, Harrison. I didn't invite you here."

"But I did invite them, Ate!" sabi ng kapapasok lang na si Ruru habang nakasunod sa likuran nito si Johann. Nagkatinginan kami pero ako unang umiwas ng tingin. Ayan na siya pero napaiwas! Puso, kumalma ka utang na loob! May hinalikan yan sa bar!

Dahil sa huling naiisip ay nagbago na ang mood ko at nawala ang sabik na makita siya-sila! Oo, sila.

"How many times do I have to tell you, Ruru! Don't invite strangers-"

Mercy please, save meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon