"I can't contact them.."
Napapikit ako at napayuko kay Ate Yanna. Panibagong gabi nanaman para humarap sa mga kasosyo ni Daddy.
"I tried to search too in social media but I haven't recieved any reply.. I have a bad feeling about you staying here.."
Bulong nito at tinaas ang aking muka para lagyan ng blush on.
"Ibebenta nila ako, ate. I don't know where and when. Pero yun ang nalaman ko.." tulalang bulong ko.
"Oh my gosh.."
"Ayaw ko. Ayoko.." kinuha nito ang muka ko at tinitigan ako sa mata.
"Sasama ka sakin.. Gusto kita tulungan makaalis dito."
Kung wala lang akong make up sigurado akong kita ang pagkabalisa at pamumutla saaking muka. Pababa na ako sa hagdan nakita kong naghihintay sa labas sila Fabian at Eric siguro'y nasa loob na si Sheryl. Ang alam ko'y nauna na sila Daddy at sa venue na lang magkikita.
Nagkatinginan kami ni Ate Yanna at mabilis ding naglihis ng tingin.
"Mauuna na po ako." dinig kong sabi ni Ate Yanna sa isang katulong namin sa bahay. Maliban sa limang bodyguard kasama na doon si Eric, Fabian at driver na naiwan saamin ni Sheryl ang iba ay kasama ni Daddy.
Ang maiiwan lang sa tuwing umaalis kami ay ang tatlong katulong at isang cook.
Nasa frontdoor na ako ng makita kong nakatayo pala sa labas si Sheryl at mukang hinihintay ako. Magsasalita pa lang ako ay tumunog na ang hawak nitong cellphone.
"Yes? Sheryl, speaking-"
"Sheryl, may nakalimutan pala ako sa taas."
Tumaas lang ang kilay nito saakin at magsasalita pa lang ako ulit at tinaas na nito ang hintuturo para patigilin ako at tumango na pinapayagan ako.
Mabilis naman akong tumalikod at pumasok ulit sa loob. Imbes na dumiriteso ng hagdan ay lumiko ako sa kusina at nakita kong bukas ang backdoor.
Katulad ng usapan namin ni Ate Yanna ay magpapaalam siyang aalis na para buksan na ang back door sa kusina at ang gate din sa likod. Imbes na lumabas ay magpapaalam siya na maiihi at didiretso ng cr.
Samantalang ako'y iyon ang pagkakataon para makadaan doon at makatakas. Walang maid o cook na nadatnan hangang makalabas dahil si Ate Yanna na daw ang nagsasara noon.
Nang makalabas ako sa likod ng gate ay agad kong hinubad ang suot na heels at tumakbo habang hawak ang dulo ng gown ko.
Hindi ko sinubukang lumingon at dumiretso lang sa pagtakbo. Ang sabi ni Ate Yanna ay sa ikatlong kanto ay doon ako maghihintay sa kanya at nandoon rin ang kotse niya. Sa kabilang gate ng village kami lalabas at hindi sa main gate kung saan paniguradong dadaan ang mga tauhan ni Daddy.
Doon daw ang instruction sakanya na ihinto and sasakyan at lakarin na lang hangang sa bahay sa tuwing kailangan niya ako ayusan.
Madilim ang kalsada at ang ilaw sa ilang kabahayan na lang ang nagbibigay saakin para makita ang daang tinatakbo.
Nalagpasan ko na ang ikalawang kanto ng narinig ko na may paparating na sasakyan kaya mabilis akong nagtago sa tabi ng mga container na may lamang mga basura.
Halos mapasinghap ako ng makita iyon ang van na sasakyan ko dapat ngayong gabi. Yakap-yakap ang dulo ng gown, nakapaa at ang buhok kong nakataas ay ngayo'y nakabagsak na dahil sa ginawang takbo habang nagtatago at naghihintay kung kailan ba matatapos ito.
Dumaan pang muli ang van at nagpalipas ako ng ilang minuto bago ako muling tumayo at tumakbo papunta sa ikatlong kanto.
Tatlong kotse ang nakita ko doon at wala pa si Ate Yanna. Itinago ko muna ang sarili ko sa isang itim na kotse naghihintay sa kaybigan.
Nakita kong naglakad si Ate Yanna at panay tingin sa likod ng malapit na 'to ay doon lang ako lumabas.
Bago pa ko pa ako sumalubong ay nakita kong sinenyasan ako paalis. Hindi ako agad na nakagalaw dahil sinuri ko kung si Ate Yanna ba talaga yun. Nang makita kong ibinalibag nito ang hawak na bag kung saan may lamang mga make up niya at tumakbo ay doon lang ako nagkalakas na tumakbo.
"Takbo! Takbo!" narinig kong sigaw niya.
Gusto ko siyang hintayin at sabayan pero ang puso at paa ko'y mas piniling tumakbo na palayo.
Naaaninag ko na ang ilaw sa gilid ng gate kung saan nandoon ang magbabantay sa gate kaya mas binilisan ko ng takbo.
Kailangan lang namin makalabas at makahingi ng tulong o basta makalayo! Tumingin ako sa likuran para silipin kung nakakasunod ba si Ate Yanna pero kamuntik pa akong madapa ng makitang may paparating na nakamotorsiklo sa kanyang likuran.
"Ate Yanna!"
"Dumiretso ka lang! Takbo!"
"Tulong! Tulungan niyo kami!" pilit kong sigaw habang binibilisan ang takbo. Tatlong kanto na lang! Malapit na!
Isang malakas na singhap mula saakin at mabilis na pagtigil sa pagtakbo na hindi nasundan ng katawan ko kaya dire-diretso akong bumagsak. Sa tingin ko'y huminto ang puso ko sa pagtibok at nalimutan ng baga kong kumuha ng hangin dahil sa narinig na isang putok.
Ang isang putok na tingin ko'y galing sa baril ay nasundan pa ng isa na nagpakislot saakin habang nakahiga na sa kalsada.
Nagsimulang manginig ang katawan ko at tumaas ang balahibo saaking batok habang bumabangon. Unti-unti akong tumingin sa likuran at mula kung saan ako nakasalampak ay nakita kong nakadapa si Ate Yanna.
"H-hindi.. Hindi, Ate Yanna.." nanghihina kong sabi at pilit na tumayo.
Nanginginig ang tuhod ko ko kaya nagpagewang gewang ako at bumagsak muli, hindi man lang ako nakalapit kay Ate Yanna.
Nakita kong huminto sa gilid ang isang van at lumabas si Sheryl at ilang bodyguards.
Nakatayo sa gilid ni Ate Yanna ang dalawang lalake na nakasakay sa motorsiklo kanina.
Tumayo ako muli sa kabila ng panglalambot at pilit humakbang palapit kay Ate Yanna.
"Stop trying to escape, Sweet Miracle."
"A-ate Yanna.. A-ate.."
"Hindi ka na natuto. So this is my warning sign to you. Eto ang kalalagyan ng lahat ng sino mang susubok tulungan at itakas ka." rinig galit ni Sheryl sa gilid ng van habang pinapanuod akong lumapit sa wala ng buhay na si Ate Yanna.
"Don't underestimate us." malamig na sabi saakin ni Sheryl.
Napatili ako at bumagsak muli sa kalsada ng makitang inihilata nila ang kaninang nakadapang katawan ni Ate Yanna. Bukas ang mata at kita sa muka ang takot na naramdaman bago alisan ng buhay.
I just stared at her open eye while my mouth slightly open. I started to pull my own hair while rocking back and forth.
"S-sorry.. Sorry.." mahinang bulong ko habang nakatulala at sinasabunutan ang sarili.
And that night, another monster was born that will not only hunt her in her dreams but in her whole life.
BINABASA MO ANG
Mercy please, save me
General FictionHer name is Sweet Miracle. The girl who looks like a doll, a living mannequin indeed. Some people wants her. It's either to hurt or own her. But she's not a doll that you can toss anywhere. She's not a doll for you to take, put in a box and brag to...