"But for me. You are better off.. dead."
Napabalingkwas ako mula sa pagkakahiga. Mabilis ang tibok ng puso at may namumuong pawis sa noo.
Umikot ang paningin ko sa buong kwarto. Dimmed lights and gray colored room. Nagulat pa ako ng marinig ang kulog at nakita ang kidlat sa salaming dingding.
Ang salamin na dingding sa kanang parte ng kwarto ang nakakuha ng atensyon ko. Nasa gilid ang kurtina at sinadyang hindi takpan ang salaming dinding. Kita ko ang malakas na ulan at bahagyang pagkidlat sa labas.
Tatayo sana ako ng may gumalaw sa gilid ko. At halos kahintakutan ako ng makitang bulto ng isang lalake ang katabi ko. Pigil ang hininga ng tumagilid ito paharap saakin at nakita ang payapang muka ni Johann na natutulog.
Doon ko lang naalala ang nangyare. Nahimatay ako habang tinutulungan niya ako tumayo. At sa huli si Johann pa rin ang nakahanap at tumulong saakin.
Bumaba ako sa kama nito. Tinignan ang sarili damit ko ang suot ko, isa sa mga damit na nasa bag ko. Wala talaga akong maalala kung paano nakarating rito at sakanyang kama.
Nakapaa ay inukot ko ang buo niyang kwarto. Dalawang beses o higit pa ng kwarto ko ang laki ng kwarto ni Johann. May nakita rin akong pintuan na tingin ko'y walk in closet niya o baka ay cr. Simple lang ang kwarto at malinis. May ilang sofa at lamesita rin sa kaliwa kung saan matatanaw ang salamin na dingding at ang labas pa noon.
Lumapit ako sa mga dingding at tinignan ang picture na nakasabit. Isa mga malaking frame ay family picture nila. Akbay ni Johann ang kanyang ina at si Jared naman sa ama. Ang tatlong lalake ay parehas malawak ang ngiti samantalang ang ina nito ay tipid lamang. Nakita ko rin ang isang picture nila ni Jared na may hawak na baril at papel kung saan pinakita ang tama nila ng bala.
Aalis na sana ako sa pwesto ng makita ko ang isang brown envelope sa may study table hindi kalayuan. Lumapit ako roon at kinuha pinisil ko pa ang envelope at may kung anong makapal sa loob. Alam kong mali ang aking pangengealam at dapat ay binitawan na ngunit hindi ko mapigilan. May kung anong naguudyok saaking silipin ito. Tinignan ko muna ang natutulog na si Johann saka binuksan ang envelope at sinilip ang laman. Mga litrato.
Lumapit ako ng bahagya sa isa sa mga dimmed light para makita kung ano nasa picture. Halos mangunot ang noo ko ng makita ang sarili doon. Kuha ito mula sa labas ng school, naghihintay ako sa waiting shed. Kumuha pa ako ng isa at bumangon ang katanungan saaking sarili ng makitang ako ulit na pasakay na ng taxi.
Mabagal akong naglakad sa isa mga sofa habang tinitigan ang picture. Nakaupo na ako at nakaharap salaming dingding. Ibinuhos ko ang laman sa lamesita at laking gulat ko dahil puro stolen shots ko ang laman! Nasa labas ng school, noong magkasama kami ni Bernard at hindi ko na naiwasan mabasa ang mga mata ng makita ko ang picture kung saan palabas ng gate ang sasakyan ni Mommy at ako hawak ni Aling Salie na pilit kumakawala.
Nilunok ko ang nagbabarang bukol sa lalamunan, pinipikit-pikit ang mata at tinignan pa ang ilang litrato. Pilit kong pinipigilan ang luha habang iniisa ang kuha kung saan nakalabas na ang sasakyan ni Mommy ng gate at ako na humahabol habang nakapaa at nakapajama umiiyak dahil iniwan ng ina.
Parang gripo ang luha ko ng hinayaan kong tumulo habang kagat-kagat ang labi at pinipigilan makagawa ng tunog.
Naramdaman kong may gumapang na mga braso saakin at niyakap ako mula sa likuran.
"I'm sorry.. I'm sorry.." mahinang bulong ni Johann. Ang muka ay nasa leeg ko habang nakayakap saakin na nakaupo at lumuluha.
"Ano 'to, J-johann? Bakit m-mayroon kang ganito? S-saan mo.. nakuha ang mga 'to." hirap kong tanong sakanya at humigpit ang yakap nito saakin saka ako hinalikan sa sentido.
BINABASA MO ANG
Mercy please, save me
Ficção GeralHer name is Sweet Miracle. The girl who looks like a doll, a living mannequin indeed. Some people wants her. It's either to hurt or own her. But she's not a doll that you can toss anywhere. She's not a doll for you to take, put in a box and brag to...