"Position everyone!" sigaw ni Mr. Roman at saka malakas na pumito.
Nasa loob na kami ng circle na binuo ng grupo nila Johann. Si Ihshi ang una naming keeper at mukang tensyonado sa tabi ko kaya inilagay sa likuran nito ang nakasarado kong palad. Ngiwi ang nasukli saakin nito imbes na ngiti.
Lahat kami ay nakasarado ang palad. Lahat ay nagpapanggap na may hawak ng bola. Walang matinong naiambag na plano kaya kahat halos lahat ay si Jared ang nagdesisyon.
Kaya kami ngayo'y kalat at hangat maari'y walang naghahawak.
Nagdidrible si Johann habang inoobserbahan kami, magkaharap sila ni Jared. Katulad nito'y nagmamatyag din sa gagawing atake ni Johann.
May mga narinig akong napasinghap ng binitawan na ni Johann ang bola pero wala saaming pinatamaan. Pinasa lang sa kakampi nito sa kabilang dako.
Ganoon ang ginawa nila hangang bigla na lang tumira si Sheila at natamaan ang isa kong kasama. Naghiyawan ang lahat itinaas naman agad ang palad ng kaklase kong tinamaan pinakita na wala sakanya ang bola.
"Romeo, you may sit." Johann commanded. Agad naman umalis sa bilog ang kaklase kong payat.
Binato muli ng kateam ni Johann ang bola at hindi kami pinatamaan. Naulit muli hangang ibinato na saamin ang bola. Wala saaming natamaan.
Nasa kamay ulit ni Johann ang bola. Tinitigan ko ito at hindi din nagtagal ay sinalubong ng tingin niya pero mabilis din nagiwas ng tingin at ipinasa ang bola sa iba. Ilang ulit nagpasahan inoobserbahan kung sino ang keeper. Sa ikatlong pagpasa at ibinato saamin ang bola at mayroong tinamaan. Hindi siya ang keeper kaya nagbawas ng isang tao uli si Johann.
Sampu kami at labing isa sila. Unti-unting nagiging tensyonado kami dahil sa laro. At mas nagdagdagan ang kaba ng sumigaw na si Jared.
"Keeper, ready!" mabilis kaming nagdikit dikit at nakabuo kami ng tatlong grupo. Sa bigla siguro ng kabilang team ay imbes na bumato ay pinanuod ang gagawin namin.
"One! Two! Three!" malakas na bilang ni Jared. Bilang para sa keeper para ipasa sa iba ang bola at kami na umakto na nagpapasa o tumatanggap. Sa panahon na 'to ay mas mahihirapan ang attackers tukuyin kung sino ang keeper dahil imbes na may hula na kanina ay mababago pero mahirap din sa grupo namin ito dahil kami rin mismo hindi alam kung sino ang poprotektahan at umasang wag matamaan ang keeper. If someone will make you a human shield, then be. Ang huling paalala saamin ni Jared.
"Three passed then attacked. Yan ang ginagawa nila." bulong saamin ng president namin sa room na kagrupo ko bago namin binuwag ang grupo.
Nasulyapan ko pa ang aming teacher na natatawang pinapanuod kami mukang nalilibang sa ginagawa namin.
"Batuhin na nila, nasusuka na ako sa kaba! Aish, Jinjaro!" nadinig kang reklamo ni Ihshi.
Hindi naging madali ang laro. Madami ng natanggal at hindi pa din nila nahuhuli ang keeper, ilang beses na rin kami nagpalit ng keeper.
Sa ikaapat na tawag ni Jared para magpalit kung saan lima na lang kami at anim na lang ang kabilang grupo ay nakita nila kung nakanino ang bola. Ipapasa pa sana saakin ng Presidente namin ang bola ngunit naghiwahiwalay na kami nakita nila ang kamay nitong hawak ang bola kaya nagsigawan na ang lahat. Alam na nila kung sino ang target.
Mas naging alisto kaming lima at agad hinarangan ni Jared ang keeper namin. Dalawa na lang kaming babae at tatlong lalake.
"Team, wag susuko para sa ice cream!" sigaw ng mga kateam naming nanunuod. Yun ang kasunduan, ililibre ang mananalo. Pero sa tingin ko'y hindi na para doon ang laban. Seryoso na kambal. Ang attackers na kasama ni Johann ay si Faith, Four, Shiela, Tricia, Bea at dalawa pang lalake.

BINABASA MO ANG
Mercy please, save me
General FictionHer name is Sweet Miracle. The girl who looks like a doll, a living mannequin indeed. Some people wants her. It's either to hurt or own her. But she's not a doll that you can toss anywhere. She's not a doll for you to take, put in a box and brag to...