"Pumunta sila kanina ilang oras ng umalis ka, Hija. Sabi ko ay nasa school ka at hindi uuwe na rito. Naabutan rin nila akong paalis na sana.."
"Sana tumuloy pa rin ho kayo, Aling Salie. Mas makakabuti kung doon muna kayo sainyo.."
Nakaupo kami at magkatabi sa kama. Tapos nanamin ayusin ang gamit ko na siya nagimpake nang puntahan siya ng mga tauhan ni Daddy sa bahay.
"Ayaw kitang iwan magisa, hija. Alam ko naman walang gagawin masama saiyo si Matheo pero gusto kong mabantayan kita kaya sumama na ako."
Siguro nga'y wala siya o sila saakin gagawin masama pero hangang kailan? Hindi maganda ang pakiramdam ko sa pananatili ng poder ng ama. Mas gugustuhin kong makitulog sa iba o mapagisa kaysa rito. I feel being trapped inside this huge and beautiful house. There's an entrance door but no way out.
"Paano naman po kayo nakakasiguro?"
"Ikaw ang anak niya, hija.." makahulugang sabi nito na para bang kaya ako iligtas sa kung ano ng pagiging isang Leveque.
Bumaba na si Aling Salie para daw makatulong sa paghahanda ng pagkain at naiwan ako sa kwarto.
Muli kong pinagmasdan ang kwarto at lumapit sa terrace. Mayroon itong pintuan bago makarating sa terrace hindi ako nabingo ng sinubukan kong buksan ito.
Mula sa kinatatayuan ko sa terrace ay kita ko dito ang garden sa ibaba at sa gilid ay pool. Mataas man ang bakod ng bahay ay nakikita ko pa rin ang daan at mga nagtataasang puno sa gilid nito. Napakatahimik at payapa.
I sighed. I want to go home. But where? Where is my home? Where will I go? Is it a house or an arms?
Bigla kong naalala si Johann. Iniwan kong payapang natutulog ito sa kanyang kwarto at hindi man lang nakapagpaalam o nakapagpasalamat.
Mabilis ang naging oras. Nakita ko sa wallclock saaking kwarto na pasado alasotso na. Suot ang damit na hinanda ni Sheryl na pinadala sa kwarto ko kasama ang bagong pares ng heels.
It's a light blue dress. Hangang siko ang sleeve nito at ang hem ay hangang tuhod. It was like the dresses worn by the ladies in 1940s, old but elegant. Hindi ko inalis ang kwintas at bracelet kung saan iyon lang palamuti ko sa katawan. May pumasok na isang babae kanina na inatasang magayos ng aking buhok at lagyan ng kulay ang muka. Nakataas ang aking buhok may ilang hibla na hinayaang bumagsak saaking gilid ng muka.
"Your beauty tonight reminds me of Audrey Hepburn, young lady. But you're not fond of smiling that reminds me of your father." sabi nito habang inaayos ang buhok.
Ni hindi ko pinansin ito o tinapunan man lang ng tingin. Nanatili lang akong nakatitig sa salamin at hinintay matapos ang pagaayos.
Nasa isang limousine kami nakasakay ni Daddy, si Sheryl at ako. Wala akong ideya kung saan kami pupunta at anong gagawin. Hindi ko rin maintinidhan ang pinaguusapan nila ni Daddy at minsa'y nadidinig ko silang nagsasalita sa lenguaheng espanyol.
"Young lady.." tawag saakin ng ama habang nasa elevator at tinignan ko ang siko nitong inilapit saakin. Nagdalawang isip pa ako bago napagdesisyonang ikawit doon ang kamay nang maramdaman kong bahagya akong siniko ni Sheryl na nasa aking gilid.
Sa tingin ko'y nasa pinakahuli kaming palapag nang lumabas ng elevator. Nasa likuran namin si Sheryl at nagkalat ang bodyguard. Mayroong dalawa sa harapan namin ni Daddy mayroong tigisa sa gilid at apat sa likuran namin nila Sheryl.
Nakita kong may iniabot na puting papel ang isa naming bodyguard sa lalaking nakatayo sa may malaking pintuan. Tumango ito saamin at saka kami pinagbuksan.
Sumalubong saamin ang malaking hall. Lahat ay nakapormal na suot, mayroon ding tumutugtog sa stage at ang iba'y nakaupo sa lamesa at ang iba'y nasa dance floor at sumasabay sa indak ng tugtugin.
"Mr. Leveque, my pleasure to meet you." bati agad ng lalaking hindi ganoong katandaan at nakipagkamay kay Daddy. May katabi itong maganda at sexy na babae na halos lumuwa na ang dibdib sa suot na pulang long gown.
"Same here, Mr. Portman." dinig kong bati ni Daddy. Nakatitig lang saakin ang kasama ng kausap ni Daddy habang ang tinawag nito Mr. Portman ay panay sulyap saakin.
Napansin ata ni Daddy ang sulyap saakin ang kausap kaya tinapik nito ang kamay nakapit sa braso niya.
"By the way, this is my daughter, Sweet Miracle Cardenal Leveque."
Rumehistro ang gulat sa muka ng kausap ni Daddy na siyang nagpatawa rito. Samantalang nakatayo lang ako at walang imik sa tabi ng ama. Oh, I hate my name.
"I didn't know! Well, s-she's.. She's absolutely beautiful."
Hindi naman nagtagal ay iniwan nanamin ang dalawa. Hindi pa kaming bahagyang nakakalayo ay may sumalubong nanaman sa ama. Hindi ko mabilang kung ilan ang nakausap ni Daddy at gulat sa tuwing pinakilala ako bilang anak. He really hide us, huh?
Tapos na kaming kumain ay naghahanda na para sa umalis sa party. Nang tumayo ang ama ay tumayo na rin kami ni Sheryl. Ilang oras na kami rito pero hindi ko man lang nagawang magsalita o ibuka ang bibig maliban na lang noong kumain na kami.
I want to go home and I'm tired of this. Para akong bagong laruan at ibinibida sa mga kalaro ni Daddy.
"I can't believe you have gorgeous daughter, Matheo." sabi ng lalaking halata na ang katandaan sa muka.
"Why not? Does it really imposible to me to have a child, Antonio?" natatawang sabi ni Daddy.
"Hmmm.. A hidden treasure, I see." sabi nito at tumango-tango sa ama.
Nagkibit balikat lang si Daddy. Nakatayo lang kami ni Sheryl sa likuran nito habang kausap ang matandang nakaupo pa rin ngayon.
"Are you going to the night?"
"Of course, I'm always present, Antonio."
"Is your hidden tresure will be there too? Are you going.." Napatingin ako rito mula sa likuran ni Daddy. Pinagmamasdan ako ng matanda mula ulo hangang paa na siyang nagpakilabot saakin.
"Yes, yes. Why? Are you interested?"
Lumawak ang ngiti ng matanda kay Daddy at tumango ito. "How much?"
Inilagay ni Daddy ang mga kamay sa bulsa at umiling-iling.
"Antonio, do you think that you're the only one intersted? There are so many people we met here before you. Someone can offer more than bills and golds, remember that. Have a good night to both of us."
Nakita kong isang beses pa akong pinagmasdan ng matanda bago tumango ito kay Daddy. I don't have any idea what they're talking about but one thing I'm sure it's not good.
BINABASA MO ANG
Mercy please, save me
General FictionHer name is Sweet Miracle. The girl who looks like a doll, a living mannequin indeed. Some people wants her. It's either to hurt or own her. But she's not a doll that you can toss anywhere. She's not a doll for you to take, put in a box and brag to...