"Sofffiiieee!!!!"
Napabalingkwas sa pagkakahiga ang isang dalaga mula sa napagdugtong-dugtong na karton. Ayon nanaman ang panaginip niya. Ang boses ng isang babaeng isinisigaw ang pangalang parang tumutukoy sa kanya.
Ni hindi niya alam kung sino ito at hindi malinaw ang mukha nito sa panaginip niya. Sa pagkakataong iyon ay hindi na pinilit pang alalahanin ng dalaga kung sino ito, dahil sa tuwing ginagawa niya iyon ay lagi na lang sumasakit ang kanyang ulo. Bumangon nalang siya at lumabas mula sa abandonadong bahay kung saan siya nagkamalay isang linggo na ang nakakalipas. Naglakad-lakad siya sa kalsada na lagi na niyang ginagawa simula ng magkamalay siya.
Nagbabakasakaling may maipaloob siya sa kanyang tiyan na walang nang tigil sa pagrereklamo.
Kroog ork~~
Tunog na galing sa kanyang sikmura.
"Sandali lang..."
Sabi nito habang hipu-hipo ang kanyang tiyan.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na siya sa lagi niyang pinagtatambayan. Ang bakery na malapit sa gasolinahan. Umupo siya roon at naghihintay ng makakain. Nang maya-maya'y may batang lumapit sa latang malaki na nasa tabi niya. At itinapon ang nakagatang tinapay.
Mukhang hindi nagustuhan ng bata ang nabili niyang tinapay. Nagmadali siyang pulutin iyon pero huli na dahil nasa ibabaw ito ng hindi maayos na nabalot na diaper.
Kaya sumimangot ito at naupo nalang ulit. Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang kaartehan niya eh wala na nga siyang makain. May mga time pa nga na nangangarap siyang kumain ng masasarap na pagkain, mga pagkaing familiar sa kanya pero hindi niya matukoy kung saan niya ito nakain.
Mayroon din yong time na nasasabi niya sa sarili niya na sana makakain ulit siya ng adobong liver ng manok pero hindi niya maalala kung nakakain na ba siya ng ganon noon.
Pinagtataasan lang siya ng kilay ng mga taong nakakakita sa kanya, paano ba naman kasing hindi siya pagtataasan ng kilay eh nakaheels pa siya at napakaputi niya, at may kulay ang buhok niya na medyo kulot. Kaso lang medyo madungis siya. Hindi nalang niya sila pinapansin, at ang mahalaga sa kanya ngayon ay makakain siya.
Bandang 5:00 pm na ng may biglang humintong sasakyan sa harap nito, bumukas ang bintana nito at lumabas doon ang imahe ng isang lalaking may kaputian din at sabihin na nating gwapo, mapupungay ang mga mata nito. Iniabot niya sa dalaga ang nakaplastik na pagkain na mukhang galing pa sa fast food chain. Inabot naman ito agad ng dalaga at nagpasalamat at masaya na siyang umalis sa pinagtatambayan niya. Umandar na ulit ang sasakyan ng lalaki paalis doon.
"Wow, you're so kind bro. Dahil ba maganda siya? "
Anang pabiro ng lalaking nasa tabi ng driver seat. Na ang pangalan ay James. At tinapik nito ang balikat ng kaibigan na nangingisi. Ito naman ay si Francis.
"Loko-loko ka talaga James, nakakaawa na nga ang sitwasyon nong tao. Nilalagyan mo pa ng malisya.. "
"Pero you know what, para naman siyang hindi pulubi eh. . Mukha nga siyang yayamanin." Sagot ni James.
"Actually, yan din ang unang hula ko. Pero ilang beses ko na siyang nadadaanan dito. "
Doon kasi ang daanan papuntang opisina ni Francis.
"Did you talked to her already? "
Tanong ng kaibigan nito.
"Yes, noong una. Tinanong ko kung anong pangalan niya, kung saan siya nakatira at kung anong ginagawa niya doon.. "
"Oh, anong sabi niya? "
"Wala.. Only her name. "
"Anong pangalan daw niya? "
"Sofie.. "
"Aren't you attracted to her? "
"Okay ka lang? Naaawa lang ako sa kanya-- at bakit ba ang dami mong tanong? Ha!? "
"She's so beautiful bro! Common!? Hindi ba talaga? "
"Ikaw, kung anu-anong naiisip mo. I know, she's beautiful. Anong gusto mong gawin ko, ligawan siya? Hello!? Tama pa ba yon? She's in need, tulong ang kailangan niya at hindi manliligaw. "
"Eh di simply help her, I mean, gawin mo siyang katulong mo, tagaluto, tagalaba para at least kumikita siya at makakain ng sapat. "
"I cannot do that to her."
"Nagsasuggest lang. Sabihin nalang natin sa pulis baka nawawala talaga siya? "
"Nagawa ko na yan, pero hanggang ngayon hindi pa naaksyunan. At wala pa naman daw naghahanap or nagrereport ng nawawalang babae na kamukha niya. Pinakita ko na rin ang picture niya na kinunan ko noong unang araw ko siyang nakita at nakausap doon sa may bakery. "
"So you mean, she's hopeless? Kung wala lang akong asawa.... "
"What?!... "
Gulat nitong sabi sa kaibigan.
"Matutulungan ko siya.... Ito, iba iniisip mo. Mahal ko si Janet no. "
"Kaya tigilan mo na yan.. Let God make a way for her... "
At di na nga nagsalita pa ulit si James. At nakatutok naman sa daan ang mga mata ni Francis.
BINABASA MO ANG
My Name Is Sofie (Completed)
ДуховныеPaano ba masasabing true love mo na ang isang tao? Dahil gusto mo siya at nasa kanya na lahat ng katangian na gusto mo kaya nasabi mong 'siya na ang true love ko'. ? Kaya minsan inuunahan na natin ang Diyos na pumuli o ibigay ang para sa atin.?