Hindi parin mawala sa isip ni Sofie ang moment nila ni Francis sa clinic kahit dalawang araw na ang nakakalipas.
Fresh na fresh pa sa kanyang memorya ang lahat.
FLASHBACK
Ibinababa siya ng binata sa kama doon sa may clinic. Bukod kay regine pala ay mayroon pang ibang nurse ang foundation. Inasikaso siya agad ng nurse. Wala naman itong nahanap na injury. Kaya pinayohan nalang siyang magpahinga muna. Hindi naman umalis sa tabi niya si Francis.
"S-salamat Francis ha. "
Anito na medyo nahihiya pa sa binata dahil sa nangyari. At ngumiti lang naman ito.
"Ahm, Sofie.... "
Nakatingin naman si Sofie sa kanya at naghihintay sa kung ano man sasabihin nito.
"My mom said that she wanted you to come with us... "
"H-ha? S-saan naman? "
"Sa ahm, engagement party ng kababata ko. Sa friday na pala iyon. "
Napaisip naman ang dalaga. Three days from now pa naman yong party.
"Ah, eh h-hindi ba nakakahiya. L-lagi nalang akong--"
Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil nagsalita ulit si Francis.
"Besides you are a member now of the family.. "
Nanaba naman ang puso niya dito tama ba ang narinig niya? Hindi tuloy siya makasagot agad.
"Ah no, you will soon be part of the family ."
Pagrephrase ng binata. Na kinalaglag naman ng balikat niya. Bigla kasing naging malabo ang ibig sabihin nito. Okay na siya kanina eh, pero bakit binawi pa.
"F-francis?... "
Gulong-gulong sabi nito. Tumingin naman ang binata at ngumiti ulit.
"Ang weird ko no?... "
Biglang sabi nito na bahagya pang napatawa.
"H-ha? "
Maang na ani Sofie.
"I actually don't know what happened.. "
Kumunot ang noo ni Sofie.
"Why my parents and sister like you the way i like you also. "
Bigla namang naghisterikal ang sistema niya. Nananaginip lang ba siya. Ano kayang ibig sabihin ng binata sa sinabi nito sa kanya. Napaawang pa ang bibig nito sa narinig.
Sinalubong naman ni Francis ang mga mata niya. Nakaramdam tuloy siya ng pag-iinit ng mukha niya.
Hindi naman lingid sa binata ang pagbablush nito sa harap niya. Ngumiti siya at ginulo ang buhok ni Sofie. Dahilan upang yumuko si Sofie para maitago ang namumulang mukha nito sa binata.
"I get going. Rest ka muna dito. "
Paalam ng binata. Gusto niyang mag salita pero walang salita ang lumalabas sa bibig niya. Gusto niyang linawin ang sinabi ng binata sa kanya.
Pero hindi niya mahanap sa dila nito ang tamang salita na sasabihin.Naglakad naman na si Francis papuntang pintuan.
"Ah----eh. "
Napatigil ito sa paglalakad ng marinig ang dalagang nagsalita. Lumingon ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Name Is Sofie (Completed)
DuchowePaano ba masasabing true love mo na ang isang tao? Dahil gusto mo siya at nasa kanya na lahat ng katangian na gusto mo kaya nasabi mong 'siya na ang true love ko'. ? Kaya minsan inuunahan na natin ang Diyos na pumuli o ibigay ang para sa atin.?