Excited nang mag-hapon si Sofie. Kanina pa siya atat na atat sa adobong liver ng manok niya. Habang hawak-hawak niya ang mga pagkaing ibinibigay sa kanya ng mga taong dumadaan at naaawa sa kanya. Pero isa lang ang nais niyang kainin sa araw na iyon, at yon ay ang hinihintay niyang iaabot sa kanya ng mamang nakakotse.
"..krookkrog... Kroggg"
Reklamo ng tiyan niya. Hinimas niya lang ito at matamang minamanmanan ang mga kotseng dumadaan sa tapat niya.
"Tagal naman nong mama... "
Napabuntong hininga ito.
"Krog.... Krookkkg"
Sagot naman ng tiyan nito..
Hindi na siya nakatiis, gutom na talaga ito. Tinignan niya ang mga pagkaing hawak-hawak niya. Napansin niya ang sandwich na may palamang egg na sunny side up, kamatis at lettuce.
Mukha itong katakam-takam, dahil gutom na siya ay dali niya itong isinubo. At mukhang napawi naman nito ang kagutoman niya. Hanggang sa naubos niya ito.
Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating ang kotseng hinihintay niya. Dahil sa ilang beses na itong tumitigil sa tapat niya ay namemorized na nito ang bawat detalye ng kotse. Excited itong tumayo at hinabol ang kotse, nagpark kasi ito sa may gasolinahan. Bumaba ang lalaki na hawak-hawak ang dalawang medyo malaking lunchbox na naka plastik.
Napatingin ang mga kababaihan sa binata, dahil sa sobrang amo ng kanyang mukha, matangos ito, maputi, matangkad, hindi naman siya mataba o mapayat, sakto lang ang katawan nito.
Pero sa dalaga isa lang ang kapansin-pansin sa kanya. Ang lunchbox na dala nito. Sinalubong niya ito at inilahad ang dalawa niyang kamay, at nakahandang tanggapin ang mga lunchbox na dala nito.
"Salamat!.. "
Anang dalaga na hindi man lang tinignan ang binata. Matamang nakatitig lang ito sa lunchbox na hawak nito kasabay ng hindi maitagong paglunok nito. Napangiti naman ng lihim ang binata.
"Oops! Wait.. Tara, doon tayo. "
Yaya nito sa dalaga. Papunta silang bakery, may lamesa kasi doon at mga upuan.
Binalak kasi din niyang kumain na din doon kasama ng dalaga. Total ilang taon na din siyang walang nakakasabay na kumakain, except sa pusa niyang si Paw.
Nang makaupo na sila at makapagpaalam sa may-ari ng bakery na gagamitin nila yong lamesa doon na para lang sana sa costumer ng bakery, inilabas na ng binata ang dalawang lunchbox mula sa plastik at inilapag sa ibabaw ng lamesa. At may dalawang plato, sandok at kutsara na pala ito. Halata sa mukha ni Sofie ang pananakam sa pagkain. Lalo na noong binuksan ni Francis ang dalawang luchbox. Ang isa ay kanin, at ang isa ay adobong liver ng manok ang laman.
"Let us pray first. "
Anito pagkatapos nitong maayos ang kanilang hapunan. Pumikit na ito nang magsimula na sana siyang manalangin nang marinig niya ang kalampag ng kutsara. Napamulat tuloy siya at di nga siya nagkamali.
Mataman naman ang pag-nguya ng dalaga sa isinubong kanin at adobong liver ng manok. Napatigil lang ito nang tinitigan siya ng binata.
" ah... Sorry.. Gutom na kasi ako eh. "
Sabi nito habang punong-puno ng pagkain ang bunganga nito. At may mga tumatalsik pa na kanin sa bunganga nito na napupunta sa mga nakahain sa lamesa. Pero hindi ito pinansin ng lalaki. Habang ang mga nasa paligid na nakatingin sa kanila ay nandiri.
Pumikit nalang ang binata at nagsimulang manalangin. Kahit na gusto na sana niyang tumawa sa itsura ng babaeng nasa harap niya. Sa totoo kasi ito palang ang babaeng nakilala niyang walang pake sa mukha niya o itsura niya basta makakain lang siya. Pero naisip niya din na given na nga pala iyon sa kanya kasi taong kalye ito.
Nahiya na ring ituloy ng dalaga ang pagsubo nito. Kaya hinintay nalang niya itong matapos manalanagin.
"In Jesus name, amen"
At iminulat na nito ang kanyang mata. Muntik na niyang hindi mapigilan ang tawa nito dahil sa napaka awkward na itsura ng dalaga.
Nabinat na ang magkabilang pisngi nito dahil sa dami ng isinubo. At halos hindi narin niya maisara ang bibig nito at mukhang nahihirapan ito sa pagnguya dahil sa dami ng nagsisiksikang pagkain sa bunganga nito.
Upang hindi matawa ay iniharap nalang niya ang kanyang mukha sa kanan nito.
Pero hindi parin niya naiwasang huwag ngumiti. Nang bigla niyang napansin na halos nakatingin sa kanila ang mga taong gumagawi doon.
Kaya humarap narin ito sa dalaga at nagsandok narin at nagsimula nang kumain.
"Sofie... Right? "
Bahagya itong tumigil at saka tumango. Pinanindigan na nga niya ang pangalan na iyon.
"Oo... "
"Ah sofie... I'm Francis. "
Iniabot niya ang kanyang kamay para makipagkamayan. Tumingin naman ang dalaga sa kanya.
"Ah.. Mama!... Paabot nga ako ng ulam, mukhang ayaw mo na eh. "
Sabay nguso ng kanyang bibig sa lunchbox na malapit sa kanya.
Napahiya naman ang kamay ng binata at iniabot nalang ang pinapaabot ng dalaga sa kanya. Nag-assume nalang siya na wala siyang sinabi, kasi mukha namang walang narinig ang dalaga.
Nang matapos na ang dalaga sa paglamon ay bahagya itong sumandal sa upuan niya at mukhang satisfied naman ito sa kinain niya.
Tinignan naman siya ng binata. May kung anong saya sa loob niya ang biglang namulaklak at siya ay naging dakilang paso (joke XD)
Natutuwa siya kasi naka accomplished nanaman siya for God's glory. He thanked and prayed to God sa loob-loob niya. Nang mapansin niya ang pamumula ng dalaga sa mukha at sa palibot ng labi nito.
At maya-maya'y hindi na nakakahinga ng maluwag ang dalaga at parang nasusuka pa ito.
"What happened sofie! .. "
Tarantang binuhat ng binata si Sofie pasakay sa kanyang sasakyan at pinaharurot na ito. Dumiretso sila sa hospital. Lumalakas ang paghinga nito na para bang hinahabol na nito ang kanyang hininga. Isinakay siya sa wheelchair. At mabilis at maingat din niya itong itinulak papunta sa ER.
Nang kumalma na si Sofie ay kinausap siya ng doctor.
"Alam mo ba kung ano ang mga kinain niya? "
" Ang alam ko lang po doc ay chicken liver adobo, nakasama po ba iyon sa kanya? "
"What happened to her was a anaphylatic shock cause by the allergy named Anaphylaxis. An allergy commonly for children. And if the child reach 16 years old, nawawala din ito. Pero ang kaso ng sa girlfriend mo ay for lifetime. Ang cause nito ay from shellfish, eggs and soy. --Hindi mo ba alam na may ganitong allergy ang girlfriend mo? "
Napapangiwi nalang si Francis sa sinasabi ng doctor especially yong sinasabi niyang girlfriend niya daw ang dalaga. Pero hindi nalang niya ito pinansin.
"Hindi ko po alam doc eh. "
"Be careful sa mga kinakain niya okay, bawal ang egg, shellfish at soy. Buti nga maagap ka kaya hindi masyadong grabe ang tama sa kanya ng allergy niya. Pwede mo na rin siyang maiuwi maya-maya din. Be sure to buy her medicine."
At iniabot sa kanya ang reseta nito.
_________________________________
Enjoy reading <3
BINABASA MO ANG
My Name Is Sofie (Completed)
EspiritualPaano ba masasabing true love mo na ang isang tao? Dahil gusto mo siya at nasa kanya na lahat ng katangian na gusto mo kaya nasabi mong 'siya na ang true love ko'. ? Kaya minsan inuunahan na natin ang Diyos na pumuli o ibigay ang para sa atin.?