Napatakbo sa pintuan si Sofie buhat-buhat si Paw sa kamay niya. Nakadress ito ng kulay white na floral na blue. At nakaflat shoes lang ito. Nakalugay ang mahaba niyang buhok. Naglagay ito ng lipstick at light na make up.
Inayos-ayos pa nito ang sarili bago lumabas ng bahay papunta sa nagbibeep-beep na kotse. Sinalubong naman siya ng nakangiting binata na nakasandal sa kanyang kotse. Pinagbuksan siya nito ng pintuan at pumasok naman siya at bumalik na sa driver seat ang binata at umalis na sila.
Tumigil ang sasakyan nito sa isang malaking resto. At nakikilala niya ito, dito sila kumain noong pumunta after nilang magmall.
Pinagbuksan ulit siya ni Francis ng pinto at lumabas na siya ng kotse, syempre, bit-bit parin si Paw.
Napangiti si Francis nang makitang may nakataling ribbon sa leeg ni Paw, which is cute naman. Pero ang girly lang para sa lalaki niyang pusa. Feeling niya tuloy nagmamakaawa ang pusa sa kanya na tanggalin ito dahil sa tingin nito sa kanya.
Ngunit pinabayaan lang ito ni Francis. (Kawawang Paw) pumasok na sila sa resto at hinila muna ni Francis ang upuan upang makaupo si Sofie bago siya pumunta sa tapat na upuan ni Sofie. Apat kasi ang upuan doon sa bilog na table nila, kaya sa left and right nila Sofie at Francis ay may nakapagitang upuan. Ibinaba naman ni sofie sa kaliwang upuan si Paw.
May lumapit na waitress at nag-abot ng menu sa kanilang dalawa. At umalis din ito agad.
"Sofie, anong gusto mo? "
Anito sa dalagang napapalunok pa habang tinitignan ang menu. Napangiti lang naman si Francis ng mahuli ang mga paglunok na iyon ni Sofie.
Oo nga't nagbago si Sofie, hindi na siya busabos, pero hindi parin maikakaila ang pagkahilig nito sa pagkain. At least ngayon kaya niya nang kontrolin.
"Ahmm.... Wait.. "
Talagang sinusuring niyang maigi ang menu. Parang kailangan ay mapili niya ang pagkain na makakapag-satisfied sa kanya dahil she know na hindi niya pwedeng kainin ang lahat ng gusto niyang kainin.
Francis taught her that discipline.
Tinitignan lang naman siya ng binata at natutuwa ito sa seryosong mukha ng dalaga na magkasalubong pa ang mga kilay nito at sinusuring maigi ang menu.
Napasulyap naman saglit si Sofie sa binata at ibabalik sana ang tingin sa menu nang magtama ang mata nila. Nataranta tuloy siya.
"M-masyado ba akong matagal?... W-wait, saglit nalang talaga ito. "
Anito at nagmamadaling tignan ulit ang menu.
"It's okay Sofie, take your time. "
Anito sa dalaga.
"I wanna eat this! "
Anito sabay turo at pakita kay Francis ang napili nitong kakainin.
Tinignan naman ito ni Francis.
"Egg salad tea sandwich??--no! You can't eat that. Find another"
Mariing sabi nito. Nagulat naman ang dalaga sa naging reaction ni Francis.
"Bakit hindi? Mukha namang masarap at parang hindi pa ako nakatikim niyan."
Sabay pout pa nito.
"Basta, find another.. "
"Ah sige, ito nalang--- classic deviled egg.. "
Sabay kindat pa nito.
"No! "
Iling nito.
"How about Egg Benedict? "
"Sofie, hindi ka nga pwedeng kumain ng egg... "
Mahinahong sabi nito.
"Why? I can't get it? Gusto kong kainin ang mga ito, anong problema doon...? Di ko naman iyon ikakamatay.. Hello? Francis? "
Sarkastiko nitong sabi sa binata. Hindi niya kasi alam kung anong bawal sa pagkain niya ng mga iyon.
Naging seryoso naman ang mukha ni Francis. Napansin ito ng dalaga at nakaramdam ng takot. Seryoso talaga ang binata sa sinasabi niya. Hindi lang dahil sa ayaw ni Francis na kainin niya ang mga iyon.
"S-sorry Francis, joke lang iyon.. Sige hahanap nalang ako ng iba. "
At dali niyang tinignan ulit ang menu na hawak niya at naghanap na ng makakain niya. Nang biglang magsalita ang binata.
"You're wrong Sofie. Pwede mong ikamatay kapag kumain ka non. "
Bigla namang nagtaasan ang balahibo niya nang marinig ito mula sa bibig ng binata. Hindi niya lang maintindihan kung paano.
Nagpatuloy naman sa pagsasalita si Francis.
"You have an allergy called anaphylaxis, Sofie. That is an allergy of egg, soy and seashell. Remember noong kumain tayo ng chicken liver adobo sa bakery? "
Pagpapaalala ni Francis. Bigla namang nagtakip ng bibig si Sofie. Sa totoo lang ay ayaw niya nang maalala ang bagay na iyon. Ang mga oras na akala niya ay mga huling hininga na niya dahil sa grabeng paninikip ng dibdib niya. And she even remember na before ng kinain nilang adobo ay kumain pa siya ng egg sandwich na bigay sa kanya ng mga taong naawa sa kalagayan niya noon.
Bigla tuloy itong nahiya sa binata dahil sa inasal niya na ang gusto lang nito ay protektahan siya sa ano mang posibleng mangyari kapag kinain niya ang mga bawal sa kanyang pagkain.
"S-sorry Francis.. S-sorry talaga. "
Yukong sabi nito. Pero ginulo lang ng binata ang buhok niya which is ikinagulat niya kasi akala niya ay sesermonan pa siya nito.
"Gusto mo ba, ako nalang pipili ng kakainin mo? "
Tumango naman ang dalagang na bahagyang nakayuko parin.
At si Francis na nga ang pumili ng kakainin nilang dalawa. And of course kay Paw.
Nong dumating na ang orders nila ay tahimik na silang kumain. Hindi naman makapagsalita si Sofie dahil nahihiya ito. At hindi naman mahuli-huli ni Francis ang magandang topic para makapagsimula ng pag-uusap sa pagitan nila.
So it ended up as an awkward "date"???
_____________________________________
May secret ako....
(I'm in love with Francis!!!!) Ssshhhh
Salamat po sa lahat ng nagbasa ng chapter na to. Comment naman kayo para masaya. Pakivote na rin ...salamat!!!
BINABASA MO ANG
My Name Is Sofie (Completed)
SpiritualePaano ba masasabing true love mo na ang isang tao? Dahil gusto mo siya at nasa kanya na lahat ng katangian na gusto mo kaya nasabi mong 'siya na ang true love ko'. ? Kaya minsan inuunahan na natin ang Diyos na pumuli o ibigay ang para sa atin.?