Sa ikalawang araw, ang grupo ni Francis ang nangunguna. Puro ball games at outdoor games ang nilaro nila. 2500 na ang puntos nila Francis, sila Seb naman ay 2300 points at nasa 1650 points naman kina Kassi.
Lahat ng mga bata at staff ay nag-eejoy. Maliban kay Seb na ginawang totoong competition ito sa pagitan nila ni Francis. Ngisi, simangot at galit lang ang makita sa mukha nito.
Pagdating ng ikatlong araw ay medyo napapagod na ang mga bata. May iba na late nang magising.
"Good luck sa ating lahat mamaya. Tiyak hahabol kami kaya huwag kayong pakakasigurong dalawa. "
Biro ni Kassi sa dalawang binata na kasama sa table niya. Nag-aalmusal palang sila.
"I'll beat you. "
Seryoso lang namang sinabi iyon ni Seb kay Francis. Ngumiti lang naman si Francis sa kanya.
"Go on. "
Matipid nitong sagot sa binata.
"Tssk. "
Ngisi naman agad ni Seb. Na parang nagsasabing 'lalampasuhin talaga kita.'
"Abby! "
Tawag ni Francis sa dalaga noong mapadaan ito bigla.
"Ah, ano po iyon sir--ai good morning sir Seb at So--ma'am Kassi."
Bati pa nito sa mga kasama ni Francis.
"Half day lang ang games ngayon di ba? Para ngayong hapon let the kids enjoy themselves bago tayo umalis mamayang gabi after ng victory night."
"Ah sige po sir. "
"And don't forget to tell all staff to be alert for emergency. "
"Yes sir!"
Anito bago tumunog ang phone ni Francis. Lumayo ito ng kaunti bago sagutin ang tawag.
"Good morning kuya! I am so excited. Kararating lang namin kaninang madaling araw ni mommy.. Papunta na kami diyan!"
"Good morning din honey! Hindi ka ba magpapahinga muna? "
"No! I can't wait to go there. "
"Okay, okay.. Kuya is waiting. "
"Bye kuya! I love you! "
"I love you too honey. "
Anito bago naputol ang tawag. Bumalik na ito sa upuan nila.
"Honey? Do you have girlfriend!? "
Sadyang tanong ni Seb dahil nakita niya ang kanyang kaibigan na nakayuko. Hindi niya sinabi iyon para damayan ito, kundi para malaman ng kaibigan niya na siya lang ang laging nandoon para sa kanya at wala na itong pag-asa pa kay Francis.
"No. You get it wrong. "
Biglang umangat ang tingin ni Kassi. Kumunot naman ang noo ni Seb at nainis siya kasi patuloy lang na umaasa ang kaibigan kapag hindi pa ito umamin na may girlfriend ito. Yon kasi ang tingin niya.
"So what's the 'i love you honey' means? ha. "
Diin nitong tanong.
"Ah--eh, ano po kasi--"
Biglang sabat ni Abby na hindi pa pala umaalis doon.
"It's my little sister. Papunta sila dito para magbigay ng give aways sa mga bata na kasali sa camp. "
Humarap ito kay Abby.
"Thanks Abby, asikasuhin mo na ang dapat asikasuhin. "
"Wow! Ang bait naman ng kapatid mo. Never heard of her. "
BINABASA MO ANG
My Name Is Sofie (Completed)
SpiritualPaano ba masasabing true love mo na ang isang tao? Dahil gusto mo siya at nasa kanya na lahat ng katangian na gusto mo kaya nasabi mong 'siya na ang true love ko'. ? Kaya minsan inuunahan na natin ang Diyos na pumuli o ibigay ang para sa atin.?