"S-sir ibaba niyo na po ako.. Okay lang po talaga ako, promise-- h-huwag po kayong mag-aalala, hindi po ako magdedemanda...ahm ano, ano po---"
Natatarantang sabi ni Abby dahil nahihiya na talaga siya sa binata kanina pa kasi siya nito binubuhat yong parang bagong kasal yong itsura. Pero hindi niya naituloy noong bigla siya nitong ibaba ng hindi siya handa kaya medyo na-outbalance pa siya pero agad din naman siyang nahawakan ng binata sa braso dahilan upang makabalance siya.
"Sorry.."
Iwas tingin na sabi ni Seb sa kanya.
"Okay lang po yon sir,..huwag po kayong mag-a----"
"Bakit ba ang bait mo!! Sigawan mo ako!! Sampalin!!paluin!!"
"P-pero---"
"May kasalanan ako sayo kaya dapat hindi ganyan ang turing mo sa akin!!dapat naiinis ka!! Nagagalit!!"
Hindi naman nakapagsalita si Abby dahil mukhang baliktad nga ang sitwasyon dahil si Seb naman ang galit ngayon.
"W-wala naman po akong dapat ikagalit. Tsaka hindi naman po kailangan sumigaw at manakit nalang basta kapag nagawan ka ng masama ng tao. "
Sa wakas ay nasabi niya.
"Hindi po ba mas masaya kapag inoovercome natin ng kabutihan ang masama o maling ginagawa sa atin."
Tuloy pa nito at ngumiti sa binata na nakatulala na at lumulunok-lunok pa. Hindi ata macontain ang sinabi ni Abby.
"S-sige magbibis ka na. H-halata y-yong underwear mo. "
Biglang nanlaki naman ang mata ni Abby at tinignan ang katawan. Nakaputi nga pala siya kaya halata ang panloob niya.
Bigla itong tumalikod kay Seb at nagmamadali na itong naglakad.
"One more thing!.. "
Sigaw ni Seb sa papalayong dalaga.
"Hit me or shout at me next time kapag may ginawa nanaman ako sayong masama o mali. "
Tumingin lang naman si Abby nang sabihin niya ito.
"S-sige na! U-umalis ka na baka may makakita pa sayo! "
At tuluyan na ngang umalis si Abby.
****
Nakahanda na ang lahat sa event hall. Magkakaroon lang ngayon ng program at wala nang competition. Magprepresent lang ang mga nanalong grupo sa cheering, interpretative dance, choir, solo, duet at declamation.
Nagpair na pumasok sa loob si Jake at Janet, si Cecilia at Francine, si Regine at Cristof dahil boyfriend-girlfriend naman talaga sila. Sabay naman si Kassi, Seb at Francis. Si Abby naman ay nauna na dahil siya ang host ng victory night.
Nagkaroon ulit ng congratulatory speech si Francis bago magsimula. Lumakas ang sigawan at tili noong nagbigay na ang presentation ng mga bata. After noon ay ang pa-give aways ni Francine.
"Who do you think is our kids Camp champion for this year?!! "
Ganadong sigaw ni Abby na hawak ang micropono. Sigawan ng kanya-kanyang grupo ang mga bata.
"Okay our second runner up for this three days event with a total of 4,150 points is no other than......."
Panay na ulit sila sigawan.
"The Faith team! "
Pumunta naman ang mga Faith team sa harapan kasama ni Kassi. Inabot nila ang premyo at nagpicture taking pa.
BINABASA MO ANG
My Name Is Sofie (Completed)
SpiritualPaano ba masasabing true love mo na ang isang tao? Dahil gusto mo siya at nasa kanya na lahat ng katangian na gusto mo kaya nasabi mong 'siya na ang true love ko'. ? Kaya minsan inuunahan na natin ang Diyos na pumuli o ibigay ang para sa atin.?