Tumigas sa pagkakatayo ang dalawa.
Si Francis ay dahil nahihiya siya na baka narinig siya ng dalaga.
Samantalang si Sofie naman ay dahil sa takot. Takot na may gumagalang kaluluwa doon at kausap ito ni Francis. Hawak-hawak niya ang kanyang dibdib na nagmamasid sa paligid.
At ang kaninang gulat na binata ngayon ay kumunot na ang noo dahil sa itsura ng dalagang nasa harap niya.
"Sofie, bakit?.. "
"Ssshhhh. N-nakikita m-mo b-ba sila? "
" ha??? Sino?? Sinong sila?? . "
Nalilitong tanong nito. At saka tumingin din sa paligid niya.
Nang maya-maya'y may malambot at mabalahibong bagay ang kumikiskis sa paa ni Sofie.
"Kyaaahhh!!!! "
Gulat na sigaw nito. Napatalon ito at napatakbo papunta sa binata. Nagulat naman ang binata sa ginawa ni Sofie at nakita din niyang tumakbo si Paw sa ilalim ng mesa.
Nanigas lang ito at hindi makagalaw dahil nakayakap si Sofie sa kanya. Nakasubsob ang mukha nito sa kanyang dibdib at sobrang higpit ng pagkakahawak nito sa kanya.
Nakaramdam siya ng pag-iinit ng kanyang katawan na para bang mawawalan siya ng hangin na ibubuga. Ayon nanaman ang malatambol na pagtibok ng puso niya. Na tanging ang dalaga lang ang pinagtitibukan nito.
"what is this feeling?.. .."
Anito sa sarili.
"Francis... W-wala na b-ba sila?? "
Nanginginig parin ang boses ni Sofie.
"S-sino ba k-kasing tinutukoy mo? Si Paw lang naman yon kanina. "
"Eeiih,.. Magsabi ka ng totoo... May kausap ka kanina... Narinig kitang nagsasalita. "
Pagkarinig naman ng binata sa sinabi ni Sofie, ay bigla naman itong nakahinga ng maluwag. Dahil di nga narinig ng dalaga ang sinasabi niya kanina.
"Ah, yon ba? Kausap ko lang ang sarili ko. At kung ano man yang nasa isip mo, kalimutan na, kasi that's not real. Sila lang yong mga Angels na nahulog from heaven dahil mas pinili nilang sundin si Lucifer at hindi ang Diyos na lumikha ka kanila. "
Hindi niya namalayang hinahaplos na pala ng kanang kamay ni Francis ang likod ni sofie. Na effective naman na nagpakalma sa dalaga. Kahit hindi niya masyadong naiintindihan ang sinasabi ni Francis sa kanya.
"Calm now, Jesus is always with us at hindi niya tayo pababayaan. "
Tumango-tango na ang dalaga at kumalas na sa pagkakayakap dito.
"Maraming salamat Francis... "
Ngumiti na ito. Samantalang naiilang naman ang binata, dahil kumalas nga ang dalaga pero magkaharap parin sila at malapit parin ito sa kanya.
"Ah,... Francis.. Ano kasi,.. Ahm.. Wala kasi akong maisusuot eh.. Di mo pa kasi ako binigyan ng isusuot ko.."
Anito sa binata na nakayuko. Dahil nahihiya ito.
"Oo nga pala no. " anito sa isip.
"Ah eh... Sige.. Ibigay ko nalang sayo mamaya. Ligo ka nalang muna."
Tumango lang si Sofie at umalis na sa harap ng binata.
Nang matapos namang ayusin at hugasan ni Francis ang kanilang pinagkainan ay agad itong dumiretso sa kwarto nito, patungo sa closet niya. Napapaisip siya kung anong pwede pa niyang ipahiram sa dalaga. Halos lahat na ata doon ay maluluwang na at malalaki sa dalaga.
BINABASA MO ANG
My Name Is Sofie (Completed)
EspiritualPaano ba masasabing true love mo na ang isang tao? Dahil gusto mo siya at nasa kanya na lahat ng katangian na gusto mo kaya nasabi mong 'siya na ang true love ko'. ? Kaya minsan inuunahan na natin ang Diyos na pumuli o ibigay ang para sa atin.?