"Kuya! "
Salubong ng isang batang tumatakbo at nagpakarga kay Francis. Ito ay si Francine, walong taong gulang na.
"I miss you!!!! "
At hinahalik halikan pa ng bata ang pisngi, ilong at noo ng kapatid. Tuwang-tuwa naman si Francis at naglakad papunta sa kusina, nasilip niya kasi doon ang Mommy Cecilia niya. Nakasunod lang naman si yaya Flor at si Sofie.
"I miss you too honey... "
"Look! My hair is already long. "
At iniwagayway pa nito ang kanyang buhok habang nakakarga pa sa kuya nito.
"Oopss--"
Tinapik-tapik ang braso ng kapatid niya na parang sinasabing ibaba siya nito. Binaba naman siya ni Francis.
Nagulat naman ang binata ng makita ang facial expression ng kapatid. Lumapit ito kay Sofie at hinawakan ang kamay niya na ikinagulat ni Sofie.
"I'm sorry miss, Hindi na po mauulit. Kapatid ko po siya, wala pong ibang meaning ang ginawa namin kanina."
Anito na parang pinagtatanggol ang kapatid na nahuli ng girlfriend na nagchicheat. Pinipigilan naman ni yaya Flor at Francis ang tawa. Ang cute kasi ni Francine na nag-eexplain.
Tinignan naman ni Sofie si Francis, na halos mapabungisngis na.
"Ah, eh... K-kaibigan lang ako ni kuya mo.. "
Tapos yumuko at ngumiti sa batang babae.
"You're cute, how old are you? "
"I'm eight, are you sure, you are not mad? "
"Of course little lady, why should I? Beside, I am only your brother's employee. "
"A-ah eh, how come? First time lang kasing nagdala si kuya ng babae dito sa bahay. Kaya akala ko.... G-girlfriend ka niya. "
"At kailan pa ganyan mag-isip ang little princess ko? "
Ani Francis at hinawakan na sa kamay ang kapatid at iginaya sa kusina.
Sumunod na ulit sila yaya at Sofie doon.
"Court her.. "
Bulong nito sa kuya niya.
"Why? "
"She's beautiful and I think she is a good person. I want her to become my sister in law. "
Bulong ulit nito.
"Ehem.. "
Anang dalaga dahil naririnig niya ang bulongan ng magkapatid na sinusundan lang naman nila. Tumawa naman si yaya.
Lumingon naman ang magkapatid at ngumiti sa kanya. Nagkamot naman ng batok si Francis na medyo nahiya sa sinabi ng kapatid niya.
Hindi naman bago iyon kasi ganon naman na kadaldal ang kapatid niya dati pa. Nahihiya lang siya kasi si Sofie ngayon ang subject niya.
Actually it was his sister's way para maconfirm na mabait ba o maldita ang mga babaeng lumalapit sa kuya niya. Biniyayaan ata ng kakaibang talento ang kapatid niya dahil malakas ang discernment nito at nakakabasa siya ng expression ng tao. Feeling nga niya Psychology ang kukunin nitong kurso paglaki niya.
Anyway, blessing din naman sa kanila iyon.
"Oh! Hello son!! ---"
Sabay baling sa asawang nakatalikod at nagluluto ang daddy ni Francis.
"Hon, they are already here! "
"Ohh--how are you son! "
Salubong at yakap sa anak ng kanyang ina.
"I'm fine mom.. What are you cooking, it smells good ha. "
"Of course, your favorite son. "
"Wow! Thanks mom.. "
At napalingon siya sa dalawang taong sumusunod sa binata.
"Oh, manang Flor!! Namiss po kita!! "
Anito at daling niyakap si yaya Flor. Nahihiya naman ito pero yumakap din lang ito.
"Ako din po madam. "
At nagkahiwalay na ang yakap nila. Napansin din nito ang dalagang kasama nila. Kumunot ang noo nito dahilan upang mapayuko ang dalaga.
Biglang nagbago ang expression ni Cecilia. At napamulagat ng mata.
"Oh my God! She's so beautiful!!--wait, is she your girlfriend darling? "
Baling nito sa anak. At lumapit ito kay Sofie at nakibeso-beso.
"Nice to meet you iha. We've been waiting for this moment to come. "
Excited na anito. Kumunot naman ang noo ni Francis. Kalaunan ay naintindihan niya ang ibig sabihin ng kanyang ina. Kaya nagsalita na ito bago pa madugtongan ng kanyang ina ang sasabihin nito.
"Ma!... It's not what you are thinking."
Tumawa naman ang ina nito.
"Common anak, don't be shy, beside you are old enough. Actually, I'm happy for you!"
Napabuntong hininga naman si Francis. Alam niyang namumula na ang mukha niya dahil sa hiya kay Sofie.
"Ma, please--stop it."
Halos pabulong na nitong sabi. Nakayuko na kasi si Sofie at napansin din niya ang pamumula nito. Inakbayan at iginaya naman ni David ang asawa papunta sa lamesa na kanina pa natutuwa sa natutunghayan niya.
"Darling, alam kung excited kanang magkaroon ng apo. Pero, maghintay muna tayo ha... Friend pa daw sila, baka bukas sila na, the next day engagement party na at sa susunod na linggo kasal na. Tapos doon ka magreact ng ganyan ha."
Nalaglag naman ang balikat ng binata. Kasi akala niya sasaluhin siya ng tatay niya pero mas malala pa pala ito.
Nagsitawanan silang lahat except sa kanya at si Sofie naman ay nakangiti ng pilit. Sa totoo lang kasi ay hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Hindi naman siya naoffend sa sinasabi nila, nao-awkward-an lang siya sa situation. Hindi niya alam na ganon pala magbiro ang pamilya nito. Iba kasi si Francis, o baka hindi pa niya nakikilala ng husto ang binata. Baka other side of him ay ganon din pala siya.
Nasa harap na ng lamesa ang dad at kapatid ni Francis. Naghahanda naman si yaya Flor at Cecilia.
Naiwan naman silang nakatayo pa doon at mukhang nagkakahiyaan pa sila sa nangyari.
"S-sofie, pasensya na. OA magbiro ang pamilya ko no.?"
Tumawa pa ito ng kunti at nagkamot ng batok.
Ngumiti naman ng bahagya si Sofie.
"Ah-eh... It's okay Francis. "
Magsasalita na sana si Francis nang biglang magsalita ulit si Sofie.
"--I like them anyway. "
At iniangat na nito ang ulo na kanina pa nakayuko para ngitian si Francis.
Noong una ay natameme si Francis sa narinig at sa ngiti ng dalaga sa kanya. Tuwang-tuwa siya sa mga oras na yon. He never expect that this moment will happen.
"Ah... T-tara na. "
Tumango lang naman si Sofie at sumunod na sa kanya. Sabay na silang umupo sa harap ng lamesa kung saan nakaupo na silang lahat.
_____________________________
😍😍😍😍😍
BINABASA MO ANG
My Name Is Sofie (Completed)
SpiritualPaano ba masasabing true love mo na ang isang tao? Dahil gusto mo siya at nasa kanya na lahat ng katangian na gusto mo kaya nasabi mong 'siya na ang true love ko'. ? Kaya minsan inuunahan na natin ang Diyos na pumuli o ibigay ang para sa atin.?