Mabait na kung mabait si Francis, pero another side of him is strikto.
Gusto niyang bigyan ang dalaga ng training. A personal training with the GLF founder. At siya iyon. Meron namang siyang empleyado sa kompanya niya na nagkaconduct ng training. Pero expertise ng mga ito is bata.
Ang training na ito ay ginagawa nila ng isang buwan sa mga batang tinutulungan nila. Nililinang nito ang bawat kakayahan ng bata, ang pag-asta o ugali nila, tinuturuang huwag maging palamunin lang o laging umaasa sa grasya. Na may kasamang moral lesson galing sa Biblia. Gusto kasi ni Francis na maging huwaran ang mga ito pagdating sa pakikitungo, pagalang, pagtulong sa kapwa, at lahat ng bagay na makakatulong sa kanilang maging isang mabuting tao.
At nagbubunga naman ito dahil marami na ring pamilya ang nagpapasalamat sa foundation dahil bukod sa nagkaroon sila ng anak, anak na total package pa. Super blessed daw ang mga ito dahil doon sila kumuha ng aamponing bata.
Gusto niya din itong mangyari kay Sofie. Kaya nagleave siya ng isang buwan sa trabaho niya para lang dito at kinausap narin niya si James ang kanyang kaibigan na vice president ng GLF. Pumayag naman ito, at kinakantyawan pa siya nang tumawag siya kaninang umaga. Naalala pa niya ang sabi nito.
FLASHBACK!
"I told you bro, so anong next? Magiging kayo? Tapos wedding na? "
Na mukhang nakangisi pang sabi nito sa kabilang linya.
"Hoy, tumigil ka diyan at baka maging kayo ng kamao ko! ? "
Anito sa kaibigan na napapangiti dahil sa sinasabi nito. Umiling-umiling nalang siya.
Medyo tumagal pa ang usapan nila. At pinatay na ni Francis ang phone niya nang maipaliwanag na niya sa kaibigan ang mga dapat nilang gawin sa opisina sa isang buwan na mawawala siya doon.
----end
Hinarap niya ang dalagang nasa kabilang dulo ng lamesa na katapat nito. Walang tigil ang paglunok nito, halatang nananakam ang mga mata ni Sofie.
"Sofie, ...you want to eat right? Kaya follow my rules. "
Pag-uulit niya sa sinabi niya na ngayon ay hindi na gaanong seryoso ang mukha nito kahit seryoso parin ang pagkakasabi niya sa dalaga. Napatango ang dalaga na napatingin sa kanya.
"Rule number 1..."
Wika ni Francis na lumapit sa dalaga at sinandukan ng kanin at nilagyan ng ulam ang plato niya.
"Kung ano ang nasa plato mo yon lang ang pwede mong kainin. "
Napabuntong hininga ang dalaga at nagpout na nakatitig sa kanyang plato. Napansin ito ng binata, pero ayaw niya siyang ispoyldin. Tapos na ang mga araw ng pang-i-spoiled niya dito. Itinuloy niya ang kanyang sasabihin.
"Rule number 2..."
Bumalik ito sa tapat niya at doon siya umupo.
"Kailangang manalangin bago kumain. "
Tamango ulit ang dalaga. Kasabay ng paglunok nito ng laway niya.
"Sa ngayon, ako muna ang mananalangin, pero sooner ikaw din"
Parang bata naman si Sofie na tango ng tango sa tatay o nakatatandang kapatid. Nagustuhan ito ng binata at lihim na napangiti.
"Yon muna ngayon, okay sofie, let us pray. "
At nanalangin na ito. Pagkatapos ay nanatiling nakatitig lang ang dalaga sa plato nito.
"Sofie, may problema ba? "
Di niya maiwasang tanong sa dalaga na di pa gumagalaw para kumain.
"Pwede na ba? "
Nakuha naman niya ang ibig sabihin ng dalaga. Kung pwede na daw itong kumain. Tumango lang naman si Francis at ngumiti dito. At kumain narin ang dalaga. Pero ilang sandali lang ay naubos na ang nasa plato nito. Lumubo ang kanyang pisngi at nagsisiksikan ang mga kanin sa bunganga nito habang kinakagat ang natitirang karne sa fried chicken nito.
"Sofie!! "
Napasigaw nalang si Francis. Ipinakita niya sa dalaga that he was annoyed pero ang totoo ay natatawa talaga siya sa itsura ng dalaga. Iba talaga ito makalamon. Lumaki ba itong walang makain kaya ganyan ang asal nito? Tanong niya sa isip.
"That is not how you should eat. Rule number 3, kumain ng dahan-dahan at nang maayos. Or else kukunin ko ang pagkain mo at hindi mo na kakainin pa ito. Ipapakain ko nalang ito kay Paw. " pagbabanta nito.
Pero ang dalaga ay nakatitig lang sa kanya. Nailang tuloy siya.
"Get it? "
Nasabi nalang niya ito. At mukhang medyo nagulat ang dalaga.
Napahawak ito sa leeg at parang pinipigilan ang ubong malapit nang kumawala.
Pero maya-maya din ay nagmistulang manok ang binata na sinaboyan ng dalaga ng kanin mula sa kanyang bunganga.
Bigla tuloy itong napatayo at pinagpag ang katawan niya na punong puno ng kanin. Habang ang dalaga naman ay hindi pa tumitigil sa pag-ubo nito. Nasamid ata ito.
Dali namang sumaklolo ang binata, kumuha siya ng tubig mula sa dispenser at lumapit ito sa dalaga. Inilapag niya ang isang basong tubig sa ibabaw ng lamesa at marahang tinatapik ang likod ng dalaga. Nung medyo tumigil na ito sa pag-ubo ay saka niya iniabot ang isang basong tubig.
Dali naman itong uminom. Bakas ang pag-aalala ng binata. Kumuha siya ng malinis na towel at pinunasan ang bibig ng dalaga.
Abala siya sa pagpupunas sa dalaga nang mapansin niyang nakatitig ito sa kanya. Nagkasalubongan ang kanilang mga mata. Nanatili silang ganon ng ilang segundo. Naging malatambol ulit ang tibok ng puso ng binata.
Naunang yumuko ang dalaga. At nag-iwas na din ng tingin ang binata.
"Ah.. Eh... M-maligo ka na. A-aalis tayo ngayon, bibili tayo ng gamit mo. A-ako nang bahala dito. "
Utal na pagkasabi ni Francis. Tumayo lang ang dalaga at saka umakyat sa kwarto nito. Ni hindi na ito nagsalita pa.
Naiwan naman ang binatang inaayos ang pinagkainan nila. Hindi niya maiwasang isipin ang itsura ng dalaga kanina, at napapangiti nalang ito basta. Hanggang sa maalala niya ang titigan nila kanina ni Sofie. Kapansin-pansin ang pinkish nitong labi. Maging ang pagpula ng mukha nito.
"Nagblush ba ito? "
Anito sa sarili.
"Bakit naman, natakot ko ba siya? "
Kunot-noong sabi nito sa sarili.
"Hmm, she's so attractive. "
Conclusion niya.
_____________
Bumaba agad si Sofie ng maalala niyang wala pang ibinibigay ang binata na susuotin siya. At buti nalang ay nasa kusina pa ito. Nakatalikod ito sa kanya at matamang hinuhugasan ang mga plato.
Magsasalita na sana siya nang mapansing nagsasalita ito. Tumingin siya sa paligid pero wala namang tao. Wala kasi silang katulong. Ayaw kasi ni Francis ng pinagsisilbihan siya kasi sabi niya kaya naman niya gawin ang mga gawaing bahay. At Hindi naman daw ito mahirap gawin. Pwera na lang talaga kung kailangang-kailangan niya. Buti nga nandyan parin ang yaya niya na kapag kailangan niya ng care taker ng bahay kapag umaalis siya ay tinatawag niya ito. Buti nga at one call away lang ito.
Nagsalita nalang si Sofie, dahil kinikilabutan na siya. Niyakap ng mga kamay nito ang kanyang katawan.
"F-francis may nakikita ka bang hindi ko nakikita?.. "
Nanginginig niyang tanong sa binata.
Nagulat naman ang binata at bigla itong napatingin sa likod niya. Gosh. Narinig kaya siya ng dalaga.?? Agad niyang tanong sa isip niya. Na akala naman niya ay sasagutin siya ng isip niya._____________________________
<3 inspire me please..
Drained 😰
BINABASA MO ANG
My Name Is Sofie (Completed)
SpiritualPaano ba masasabing true love mo na ang isang tao? Dahil gusto mo siya at nasa kanya na lahat ng katangian na gusto mo kaya nasabi mong 'siya na ang true love ko'. ? Kaya minsan inuunahan na natin ang Diyos na pumuli o ibigay ang para sa atin.?